Ngayon na ang araw ng 'pagpapaalam' kay Allie Garcia. Matapos ang ilang taon ng pagsasama, naudlot pa ang kasalang aming pinakahihintay. Wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari. Nagpakamatay na siya nang di man lang namin malaman ang dahilan. Wala talaga kaming makitang motibo upang gawin niya iyon. Pati bahay niya, sinunog niya pa kasama ang sarili niya.
"Hinding-hindi kita makakalimutan. Mahal na mahal rin kita. Paalam. *Click*"
Tama! Maaaring binuksan niya na ang stove nang mga panahong nasa telepono pa siya. Ang stove na iyon ay sinisindihan pa bago ito umapoy. Malamang, nang mga panahong iyon ay hinayaan na niyang nakabukas ang stove para kapag nakakalat na sa bahay ang gas, ay madali nalang itong masunog. Pero bakit? Para saan? Bakit mo binawi ang sarili mong buhay, Mahal?
Bigla nalang nabulabog ang aking pagmumuni-muni nang matamaan ako ng beach ball sa may binti. Tiningnan ko kung saan nanggaling ang bola, si Shane pala ang naghagis. Nagdala pala siya ng beach ball, akala niya siguro ay magsiswimming lang ang lahat. Inosenteng pag-iisip nga naman.
Papalapit siya sa akin na may takot na mukha. Maaaring natakot siya na papagalitan ko siya.
"H-Hi ---." Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya na lang akong yakapin sa may binti ko.
"Kuya sorry! Shane was-- Shane was calling you for many times already. You- you were looking at Shane and -- Shane thought that you're gonna play with her.", pagpapaliwanag niya na may pigil na iyak. Lumuhod ako sa harap niya upang magkapantay na ang aming mga mata.
Pinatahan ko siya, at sinabing, "It's okay, Shane. Kuya's not mad. I'm sorry, I was just thinking of something." Pagkatapos ay tumawa ako sabay yakap sa kanya nang mahigpit.
Ilang minuto ang lumipas at tinawag na ang lahat upang masimulan na ang seremonya. Hawak-hawak ko ang kamay ni Shane papunta sa kanila. Si Shane naman, hawak din ang bola sa kabilang kamay nito. Nasa tabing-dagat kami upang itapon na ang mga abo ni Allie sa dagat. Napag-usapan naman din ito at pumayag na ang lahat, pati ako.
"John, napag-isipan namin na itapon na lang sa dagat ang mga abo ni Allie." sabi sa akin ng mom ni Allie.
--
"Ho? Di niyo ho ba dadalhin ito sa America?" sagot ko naman.
"H-Hindi na, John."
"Ayaw ko naman po kayo suwayin, kaya sige po. Mabuti na rin yun para kada may makita akong dagat, kahit alaala na lang ni Allie, ay kasama ko siya."
Nginitian ako ng Mom ni Allie at tinapik aking balikat.
--
Naging tahimik ang lahat nang magsimula na ang pari sa pagmimisa. Umiiyak ang mga kamag-anak ni Allie. Ako naman, nadudurog na ang puso ko. Kung bakit ba naman sa kanya 'to nangyari? Wala naman talaga kasing dahilan para mangyari to.
Maya-maya pa ay lahat ng kamag-anak ni Allie ang naghagis ng kanyang mga abo sa hangin. Nang ako na ang maghahagis, naisip ko lang na 'Hinding-hindi kita malilimutan' at ihinagis na sa hangin ang abo. Nagkaroon ng salo-salo pagkatapos at nagsi-uwian na ang lahat.
Nasa bahay na ako nang may tumawag sa akin. Unknown number lang kaya 'di ko sinagot. Pero tumawag ulit kaya naisipan kong sagutin na.
"Hello?", sagot ko sa telepono.
"Kuya.", sabi naman nang nasa kabilang linya.
"Shane?"
"I am Shane."
"Oh. Why did you call?"
"We're gonna ride the airplane! Hehe", sagot niya na halatang excited.
BINABASA MO ANG
Allie & Her
Mystery / ThrillerIsang babae ang nawala, si Allie. Isang babaeng maganda, mabait, maalalahanin--- lahat na nang nais ng isang lalaki sa isang babae. Naging misteryo ang pagkamatay ng babae sapagkat walang makitang dahilan ang kanyang mga kaibigan, ni ang kanyang map...