Ikalawang Kabanata

17 0 0
                                    

Pagod na ako. Mas mabuti pa'ng mamatay.

-Allie Garcia

Unang araw ng lamay.

Ang tahimik ng silid. Magkasama kami ni Allie ngayon. Magkaharap kami. Ngunit hindi niya ako nakikita. Hindi niya nararamdaman ang presensya ko. Hindi na. Dahil nasa loob na ng isang lalagyan ang mga abo niya.

Napaidlip na lang ako sa pag-aantay sa mga makikiramay. Ang tagal naman ata nila? Namamaga na ang aking mga mata sa kakaiyak simula pa noong pagkawala niya.

Maya-maya pa'y may dumating na isang matandang babae. Nasa late 50's na ito at kahawig ni Allie. Maaaring ito na ang Mommy ni Allie. Hindi niya ako napansin dahil sa bilis ng lakad niya na halos patakbo na siya nang pumunta sa lamesang kinalalagyan ng abo ni Allie. Biglang umingay ang silid sa pag-iyak ng Mommy ni Allie. 'Anak! Anak! Sino'ng may gawa nito sa'yo?!' Panay sigaw ng mommy ni Allie. Makalipas ang sampung minuto ay tumahan na siya. Biglang may kinuha siya sa kanyang bulsa. Nakita kong ito ay isang smartphone at pinindot niya ang screen nito at inilagay sa tenga.

'Andito nga siya' narinig ko habang kausap niya ang nasa kabilang linya. Ilang minuto ang lumipas, naroroon pa rin ako sa pinakalikod na upuan. Pinagmamasdan ang Mommy ni Allie, tila ba'y hindi niya parin ako nakita.

Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko at tumungo sa tabi ng mommy ni Allie. Kunwari'y umubo ako upang malaman niya na may tao rin pala sa silid na iyon. Nabigla siya sa ginawa ko ngunit binigyan ko lang siya ng pahapyaw na ngiti.

"John po" at inalok ko siya ng pakikipagkamay.

"Alam ko. Nabanggit ka ng kaibigan ni Allie." sagot niya sabay kinamayan ako.

"Sino po'ng kaibigan?" Pagtataka ko.

Ngunit hindi na niya ako nasagot dahil dumating na ang iba pang kapamilya ni Allie na nilapitan niya kaagad. Hindi ako pamilyar sa kanila sapagkat hindi naman talaga ako naipakilala ni Allie sa kanila. Nasa malayong lugar sila at hindi naman kami mayaman.

Katulad ng mga makikita mo sa isang lamay, maraming iyakan ang nangyari. Ang sakit lang sa dibdib dahil para bang hindi nila ako pinapansin sa silid na iyon. Sino ba naman ako? Isang tao lamang na hindi man lang kilala ng mga naroon. Pinilit kong intindihin iyon kaya't umupo na lamang ako ulit sa pwesto ko kanina.

Nabigla ako sa pagtapik ng isang maliit na bata sa gilid ko. Nakaputi rin siya, kagaya ng mga taong naroon. Maaaring pamangkin ito ni Allie.

"Kuya?" sabi niya na parang tinatanong kung nagising ba ako sa pagtapik niya.

"Opo?" Sagot ko naman sa batang babae at pinipilit na ibuka ang mga mata.

"Kuya, play.." Sabi niya at pinakita ang isang maliit na doll sa akin.

"Uh-- Okay, pero sa labas lang tayo, okay lang ba?" At ginulo ko ang buhok niya.

"Huh? Kuya, can't understand." sabay turo niya sa sarili.

Baka taga-America rin 'tong batang to.

"Kuya said," sabi ko at pinantay ang level ng ulo ko sa kanya, "we can play but we have to play outside."

"But I want to play here..." sabay pout.

"But, look, they are all sad. We have to respect their agony." hindi ko alam kung naintindihan niya iyon.

"Why sad, kuya?" Tanong niya habang nilalaro ang doll.

"Because ..." Kelangan ko ba tong sabihin sa kanya?

"Hmm?" Habang tinitingnan niya ako sa mata.

"Because, Tita Allie's gone. She went to a very far place."

Allie & HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon