Hindi ko alam kung nakailang paalala na sila sakin basta salita lang sila ng salita. Lalo na si Papa. Naiintindihan ko naman sila kung bakit ganon pero 'yung halos dumating sa point na nagiisip na sila ng negative? hindi naman ako gagawa ng bagay na ikasisira nila.
"Got that, Madie? You're a grown up now. You should know how to take consequences of your actions okay? Hindi kana bata."
I sighed. "Yes, Dad. I wont disappoint you."
Nagkiss ako kay Mama atsaka dumiretso sa kotse.
Hindi naman ako kinakabahan actually. Mas lalo pa nga akong naeexcite kasi bagong challenges nanaman ang haharapin ko.
Buti naman at hindi na umimik si Papa. At seryoso siyang nagmamaneho ngayon. Tumingin nalang ako sa labas at pinagmasdan ang naglalakihang pader ng unibersidad na papasukan ko. Hindi naman kasi ganun kalayo 'yung subdivision namin dito kaya mabilis lang.
Ibinaba naman kaagad ako ni Papa ng marating namin kung saan ang building ng mga highschoolers.
"Do good in school okay? Lahat ng sinabi namin sayo 'wag mo kakalimutan."
I smiled. "Opo. Ingat kayo."
Tumalikod nako at kaagad naman pumasok sa loob at hinanap ang 4th A-1 kung saan ang section ko. Marami akong nakikita na bagong mukha at karamihan ay hinahanap ang section nila. May mga nakita din akong kakilala ko at nginitian lamang sila.
Pagkapasok ko sa room ay marami rami na kaagad ang tao. Occupied na kaagad ang pwesto sa likod dahil maaga nanaman dumating si birhen.
"Mariaaaaaa!" Sigaw ko at nagtinginan naman ang lahat pero hindi ko sila pinansin at tumabi kaagad sakanya.
Kita ko naman ang pagkairita sa mukha niya kaya naman ngumiti lang ako ng todo.
"Ano ba naman 'yan, Madie! Ang aga aga oh. Wala ka man lang bang hiya?" First day of school e, mainit nanaman ulo nitong birhen na 'to.
"Alam mo birheng maria hindi maganda para sayo 'yung laging naiirita okay? Appreciate the world. Be happy."
"Birheng mariaaaaa! Madieeeee!" Napatingin naman kami kaagad dun sa kakapasok palang ng pinto. Tumayo kaagad ako at inapir-an siya habang si Maria naman e, napapailing nalang.
"Kayong dalawa duo talaga kayo no? Ang aga aga, eh. Pwede ba itikom niyo 'yang mga bibig niyo?" Sigaw niya samin pero tinawanan lang namin siya ni Kathy.
"Ano na naman ba 'yan, Shaina? Nasa hallway palang ako rinig na rinig ko na boses mo. Ang aga aga, eh. Nakakairita alam mo 'yon?" Lumapit naman samin si Kae. At sinimulan na pagsabihan si Birheng Maria. Pero tawa lang kami ng tawa dahil nagtatalo na 'yung dalawa.
Maria Shaina naman talaga pangalan niya pero mas gusto namin na Birheng Maria tawag namin. Ewan ko pero napaka banal niya kasi pero sa kabaligtaran ng kabanalan na 'yon, e ibang tao din siya.
Lumipas din ang ilang oras at kumpleto na ang lahat. Pumunta naman ang adviser namin sa harap para magpakilala.
"Goodmorning students. I'm Ms Abriva Loreal your math teacher and adviser for this whole school year. Since you're in the first section, expectation is always a must for students like you. So, I want to meet you all starting from you ms?"
May tinuro naman siyang babae at tumayo naman ito.
"Vanessa. Im Vanessa Joy Patio."
"Ah? kapatid siya ni Andrea?" Tanong sakin ni Kae. Pinag masdan ko 'yung babae at tama nga. Kamukhang kamukha niya si Andrea ng senior high na kaklase naman ni Kieffer na kapatid naman ni Kae.
YOU ARE READING
It was you and me
Teen FictionShe isn't your ordinary girl. Madieson Young, one girl but could change your life. One girl, but can turn your world upside down. After finding herself while Eos broke her heart, she finds love with Chase. But she didn't knew that this love is full...