I smirked at that thought.
Nagulat pa nga ako nung una, eh. Bagong number kasi sa paningin ko tapos namimiss daw ako? aba hibang kamo siya.
Pero napagisip isip ko wala namang iba na magt-text sakin na ganon. Bukod kay Eos, syempre. Rereply-an ko ba o hindi? pagtripan ko kaya? 'Wag na siguro. Hahaba lang convo namin.
I replied. "Not interested."
After 5 minutes nagreply siya.
"Meet me at the tree house. After school."
I didn't replied. Ano nanaman bang trip netong mokong na 'to? may balak pang makipag meet up eh, akala niya interesado ako. Ni hindi naman kami close. Pero nac-curious ako. Onti lang.
Bigla ko tuloy naalala 'yung memories namin sa tree house na 'yon. It was seven years ago simula nung maging friends kami nila Eos, Chris and Seth. I was the only girl in the group. No plastics allowed.
Sa pagkakatanda ko, malapit kila Eos 'yung tree house. Ginawa 'yon ng Daddy niya para sakanya. Hindi ganon kalaki ng sobra pero kasya mga apat hanggang anim na tao. Bago umuwi lagi kaming nandon. Tambayan na kumbaga kaya dun 'yung pinaka masayang place para sakin dati. Kasi doon, tinuturing nila akong prinsesa. Pinoprotektahan nila ako sa kahit na ano kasi nga ako lang 'yung babae. Tsaka laging may pagkain don. Hindi nauubusan.
Doon din sa tree house na 'yon nagkaalaman. We were in fifth grade and Eos told me to meet him in the tree house after school. Wala namang pinagbago. Lagi naman kaming nandon pero nagulat lang ako nung sinabihan niya ko ng ganon kasi matik naman na pupunta ako don. So ayon na, nanood muna kami ng movie tapos kumain pagkatapos. Naunang umuwi si Chris sumunod si Seth. Tandang tanda ko pa, pauwi na sana ako nun ng biglang umulan ng malakas. Wala kaming nagawa parehas kundi magstay nalang don
Natatakot na ko nung mga oras na 'yon. Gusto ko ng umuwi dahil nanginginig na talaga ako pero bigla akong inakbayan ni Eos at sinabing magiging maayos din ang lahat. Alalang alala ko pa kung paano niya ko icomfort nung time na 'yon. Pagkatapos nung ulan, umamin naman siya sakin na matagal na daw siyang may crush sakin. Naalala ko naman 'yung tukso sakin ng mga kaklase namin na akala ko hindi totoo kasi magkaibigan lang kami pero totoo pala.
Umiling nalang ako ng maalala 'yon.
"Madie? Are you done? Kae's already here. Bilisan mo baka malate kayo." Mom said.
Nagmadali naman akong ayusin 'yung gamit ko sabay bumaba na at nagkiss sa cheeks nila mommy and daddy. Hindi daw kasi ako mahahatid ni Dad. Marami daw siyang gagawin at after niyang kumain ay dederetso na kaagad siya sa work.
Sumakay nako sa kotse nila Kae. She was with her driver as usual. Katabi ko siya sa may back sit at mukhang hindi maganda gising nito.
"Mukha kang sabog. Magsuklay ka nga." Sabi ko sakanya sabay bato ng suklay.
"Sino ba namang hindi maloloka diba? Madaling madali kasi si Kuya tapos hindi naman pala sasabay. Jusko dinamay pa ko. Ayan ni hindi nako nakapag ayos ng maayos." Sunod sunod niyang sabi habang nakakunot noo.
Nang makarating kami sa school, eh nakabusangot parin mukha ni Kae. Ewan ko ba dun. Ang laki ng problema.
"Oh diba! Sabi ko sayo, eh. Ganto 'yon. Hindi ka kasi nakikinig. Tama ako diba? ano ka ngayon ha!" Napailing nalang ako sa narinig ko. Naglalakad palang ako sa corridor alam ko na kaagad kung kaninong boses 'yon.
"Mas lalo pa kong nabwisit." Bulong ni Kae. Natawa nalang ako.
Pagpasok namin sa classroom may mga kumpulang upuan dun sa may parteng likod kung nasan si Shaina.
YOU ARE READING
It was you and me
Teen FictionShe isn't your ordinary girl. Madieson Young, one girl but could change your life. One girl, but can turn your world upside down. After finding herself while Eos broke her heart, she finds love with Chase. But she didn't knew that this love is full...