Chapter 4

3 0 0
                                    

Anong oras din akong nakauwi kagabi dahil kung ano ano pang pinagkwentuhan namin. Buti nalang malapit lang sa subdivision 'yung university kaya di ako mal-late.

Nagsuot lang ako ng grey na sweatpants at white na tshirt at sneakers para komportable.

Walang sinabi si Cain kung anong oras ko susunduin basta magready nalang daw ako.

Sabi nung mga maids sakin mamaya pa daw ang uwi nila Mommy kaya nagtaxi nalang ako papunta sa Lakewood.

Hanggang sa gate lang ako dahil hindi sila nagpapasok ng sasakyan unless driver mo 'yon, your own car, o parents mo maghahatid sayo.

May mga puno naman sa gilid ng sidewalk kaya mahangin parin. May mga bench din sa gilid at may malawak na field na pinagtatambayan ng mga estudyante.

Masyado malaki ang lakewood kaya nakakatamad maglakad. Pa square kasi ang place ng buildings kaya sa likod pa ang highschool building. Sa harap kasi ang college building. At sa likod naman ang highschool at elementary building na pa L shape na magkaharap kaya mukhang square pag nasa itaas ka.

May dalawang auditorium at tatlong gymnasium dito sa campus. May malaki ring football field kung saan nagp-practice ang soccer team. Sa kanang parte naman 'yun ng campus at sa kaliwa naman ay 'yung administration building at sa likod naman nun ang dorms na pa L shape na magkabaliktad ang buildings. Kaya magmumukha siyang U shape.

Sa pagitan ng highschool and elementary buildings ay isang malawak na field at malaking fountain sa gitna at mga gardens.

Dumiretso nako sa classroom namin at mga nagdadaldalan lang ang mga classmate ko. Wala pa si Ms Abriva kaya halos 'yung iba ay nanonood lang.

Tinignan ko naman si Chase na naka earphones at nagbabasa ng libro. Hindi halata na katulad niya si Cain na mahilig din mag race. He looks more badass than Cain. Si Cain kasi mukhang inosente at maamo.

Nagkibit balikat lang ako at dumiretso sa upuan ko. Nagdadaldalan naman si Kae at Kathy pati rin sila Alliah at Vanessa. Si Shaina naman ay nagbabasa lang ng libro.

Ilang oras din ay dumating na si Ms Abriva at nagsimula na ang klase.

Tumigil na lahat ng nagdadaldalan at itinuon ang atensyon sakanya.

"Anong pagkakaparehas ng paniniwala sa pananampalataya?" Tanong ni Ms Abriva.

Tahimik ang buong klase at nakikinig lang sakanya.

"Magkakonektado lang silang dalawa, eh. Eto sabi sa hebreo 11:1 na ang pananampalataya ay 'Siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita." Wala ng mas hihigit sa pananampalataya dahil hindi ito nabibili, o pwedeng ipagbili ng kung sino sino lamang. Dahil ito ang strong faith mo sa Dyos. Ito 'yung paniniwala mo sakanya bilang tao. Sabi pa nga sa Hebreo 11:6 "Ang pananampalataya ay paniniwala sa nagiisa at tunay na dyos kahit hindi natin siya nakikita." Nananalig tayo sa Dyos gamit ang pananampalataya. Pinaniniwalaan natin siya dahil sa pananampalataya."

"Kung ganon nga. Bakit maraming ateista o taong di naniniwala sa diyos?" Tanong ni Calvin. Presidente ng aming klase.

"Atheism o Ateismo. Ano nga ba ang ibig sabihin nun? Sa pagkakaalam ko ay binigyan nila ng kahulugan ang kanilang sarili sa gantong paraan "Hindi pag tanggi sa paniniwala sa Diyos ang Ateismo; ito ay kakulangan ng paniniwala sa Diyos." Sinasabi o itinuturing nila na mas mataas o higit pa ang antas ng kanilang karunungan kesa sa mga tao na naniniwala sa Diyos. Maraming dahilan kaya ipinapakilala niya ang sarili niya bilang isang Ateista. Una, dahil sa kakulangan ng kaalaman. Kakulangan ng tamang impormasyon. Dahil nga marami ang hindi alam ng tao, kalimitang nagiimbeto ang mga tao ng mga bagay- bagay gamit ang sariling haka-haka o ideya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It was you and meWhere stories live. Discover now