Chapter 2: I Can Wait For You

12 3 0
                                    

Zach

Hindi ko alam kung bakit ko hinalikan si Ericka pero hindi ko rin alam kung bakit hindi manlang siya nag-react.

Pinaplano ko na ang pag-amin ko kay Ericka kaya lumabas ako at nakipag meating with Andy and Kath yung lovers na both kong friend.

Habang niluluto ko yung adobo na kakainin namin naisip ko lang kung ano kaya yung magiging reaksyon niya. Sana lang kiligin siya o matuwa kasi kung hindi baka wasak na lahat ng building sa Pilipinas kakasuntok ko.

Wala pang 30 minutes ay naluto ko na ang niluluto kong adobo special. Umakyat ako sa taas para gisingin si Ericka.

Pag-akyat ko akala ko gising pa siya pero hindi pala malalim ang tulog niya. Halata sa mukha niya na stressed siya.

"Ericka sana kapag nalaman mo yung totoo sana hindi mo ko i reject. Sana tanggapin mo ako o kahit hanggang friend zone lang ako, kasi alam ko namang hanggang doon lang ang level ko ehh." Naiyak na ako kaya pinunasan ko na ang luha ko baka kasi kapag nagising na si Ericka makita niya akong umiiyak.

"Ericka gising na kakain na tayo sa baba. Sumunod ka na lang hah." Dumeretso ako sa baba tapos hinanda ko na ang mga plato na kakainan namin at iba pang dapat I prepare.

Bumaba na si Ericka kaya pinaupo ko na siya siyempre gentleman ako. Pagkatapos kumain na kami.

"Bakit mo ginawa yon?" Tanong ni Ericka habang kumakain.

"Ang alin?" Curious kong tanong

"Yung ano basta yung ano" sabi niya sakin habang nakatingin siya.

"Ahh..Ano...Ano kasi... Basta mamaya ko nalang ipapaliwanag sayo kumain kana muna" sagot ko para hindi naman siya mailang.

Mga ilang minuto naubos narin namin ang pagkain kaya pinaghanda ko na siya.

"Ericka magbihis ka may pupuntahan tayo." Utos ko para aminin ko ang nararamdaman ko kay Ericka mamaya.

"Sige" umakyat siya at nagbihis siyempre ako sa banyo. After 5 minutes ay tapos na kaming magbihis kaya umalis na kami ng bahay.

Pumunta kami sa isang puno na mangga malapit sa tirahan ng Lolo at Lola ko. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Ericka habang tinititigan ang puno.

"Sabi kasi nila lahat ng aamin ng nararamdaman nila dito sa ilalim ng puno na ito ay nagkakatuluyan daw. Kaya yung kanina sinadya ko talaga yun." Sabay peace sign.

"Sana sinabi mo sakin para binigay ko sayo hindi yung nagnanakaw ka ng halik!" Sabi niya na parang namumula at kinikilig pa.

"Ericka pwedeng ba kitang ligawan?"

Itutuloy

Until I Found My DestinyWhere stories live. Discover now