Ericka
Hindi ako nakapag salita nung narinig ko na manliligaw si Zach sa akin. Manliligaw siya sa akin!
"Zach seryoso ka ba kasi kung hindi, hindi ka nakakatawa" sagot ko sa kanya
"Ahh! Basta liligawan kita. Oo aaminin ko gusto talaga kita dati pa kaso nung may naramdaman na ako aaminin ko na sana kaso binalita mo na boyfriend mo na si Calvin kaya hindi ko muna inamin sayo. Kaya yung kiss natin kagabi, sadya yon."
Nakakahiya naman ata itong ginagawa niya ahh. Umupo kami at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Ok lang naman sakin kahit Friend Zone lang ehh handa naman akong maghintay na sagutin mo ako kahit sa huling hininga ko maghihintay ako." Nagulat ako nung tumulo yung luha niya, naiyak pala siya.
"Kaya mo ba talaga akong hintayin?" Tanong ko. Umupo ako na maayos.
Pinunasan muna ni Zach ang mga luha niya dahil alam niyang ayaw ko na nakikita ko siyang naiyak. Kasi naiyak din ako.
"Oo naman kahit hanggang sa mamatay ako hindi kita sasaktan at hihintayin ko ang matamis mong OO." Sagot niya, grabe speechless na talaga ako sa mga pinagsasabi ni Zach.
"Antayin mo lang ako, kakalimutan ko lang muna si Calvin." Sagot ko habang naiiyak ako.
"Alam ko na balang araw sasagutin mo rin ako." Sabi niya. Tumayo na si Zach kaya tumayo na rin ako.
"Zach kay mama muna ako matutulog bukas na lang hah." Pag papaalam ko
"Sige, I Love You Ericka!" Omg nakakahiya naman siya naiilang talaga ako kapag hindi niya ako tinatawag na Noona.
Umuwi muna ako kina mama. Habang nasa taxi ako buong biyahe tulala ako at hindi ko napansin na si Mr. Hugotero yung driver.
"Ay hello po kuya kayo po pala" sabi ko kay kuya
"Iha ang love parang cycle paulit-ulit kang umaasa at paulit-ulit kang nasasaktan" grabe ang hugot ni kuya ohh
"Salamat kuya alam niya ba na isa kayo sa mga nakakapagpagaan ng loob ko" pasasalamat ko
"Andito na tayo Iha pero may sasabihin muna ako sayo." Grabe parang nakakatakot ang payo ni kuya. "Piliin mo yung taong alam mo na palaging nanjan sa tabi mo yung hindi ka kayang iwan at hindi ka kayang saktan. Hugot ni kuya
"Salamat po kuya eto na po yung bayad ko" inabot ko ang 35 pesos ko na ibabayad ko sana.
"Huwag na iha itago mo na lang iyan." Sabi ni kuya kaya itinago ko na lang yung pera para narin makaipon ako.
"Paalam kuya mag-iingat po kayo!" Huli kong sabi.
Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Mama Trixie. Nagulat ako sa nakita ko ngayon. Si Zach nasa bahay namin? Hindi ba dapat nasa bahay niya na siya at nagpapahinga? Anong ginagawa niya dito?
"Oh Anak nandito na ang manliligaw mo at sa wakas kasi ikaw palang ang nanligaw kay Ericka halos lahat kasi sinasadya agad niya." Sabi ni Mama Trixie na kinikilig.
"Mama naman nakakahiya ka!" Bulong ko Kay Mama Trixie.
"Ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda nyo." Sabay alis.
Napatingin ako kay Zach. Ngayon ko lang sya nakitang ganito, yung seryoso. All I know is may girl friend sya hindi niya lang sinasabi sakin kasi baka masira yung friendship namin dahil sa babaeng gusto nya.
Tinanong ko na si Zach kasi baka mamaya bigla akong makaidlip at least alam ko kung anong ginagawa niya dito no.
"Zach anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sakin si Zach tapos nginitian nya ako.
"Diba sabi ko sayo kanina liligawan kita" Sarcastic niyang sagot. Pero ngayong araw na ito parang may nararamdaman ako kapag sinasabi niya na liligawan niya ako. Ako talaga.
"Oo na nga ehh pero pagod na ako ehh bukas na nga lang diba?" Sabi ko sa kanya with matching hikab para kunyari inaantok na ako.
Dumating na yung meryenda namin kaya kumain muna kami sandali kaso so Mama Trixie naman kasi sobrang ingay naman. Akala mo nasa bundok kung makasigaw ng May manliligaw na sa Anak ko!
Naubos na namin ang meryenda namin kaya nagpasya na si Zach na umuwi kasi baka umagahin pa sa biyahe.
"Sige po Tita Trixie uuwi na po ako baka kasi abutin na ako ng umaga 11 o'clock na. Ericka bukas na lang. Antayin kita." paalam na Zach.
Umalis na si Zach kaya pumasok na ako ng kwarto. Iniisip ko kung bakit ganon parang hindi naman kami naghiwalay no Calvin kanina hahh. Parang hindi naman ako nasaktan kanina hah.
Pero bakit parang may kakaibang nararamdaman ako kapag nakikita ko siya at tsaka kapag ngumingiti siya. Dati naman iba naman yung Aura niya ha.
Nagulat ako nung bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si mama. Akala ko tulog na siya kanina pa
"Mama akala ko tulog ka na?" Tanong ko kay Mama. Unti unting lumapit si Mama at umupo sa kama ko kaya umupo nalang din ako.
"Anak hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan na mahalin si Zach. Ang swerte mo nga eh kasi ikaw yung best friend mo na ang nanliligaw sayo." Sabi sakin ni Mama.
"Mama hindi pa ako sanay na hindi ako tinatawag na Noona ni Zach at tsaka kapag ngumingiti siya may something eh. Basta Ewan ko kung bakit masaya ako tuwing nakikita ko siya, every time na pinapagaan niya yung loob ko tuwing hihiwalayan ako nung mga ex ko, hindi ako sanay ehh parang hindi naman si Zach ang nasa harapan ko kanina?"
"Ericka masasanay ka rin kay Zach. Matulog ka na." Sabi sakin ni Mama kaya pinatay ko na ang ilaw sa tabi ko at natulog na ako.
Ano kayang mangyaring bukas??
Itutuloy....