Three

6 0 0
                                    

THREE: NAKAW-TINGIN❤

Maria jamie Point of view,

"Hoy gumising kana jan Papasok ka pa ba? Tanghali na, wala ka pang nagagawa dito sa bahay anong oras na? tapos lalayasan mo lang mamaya, tumayo-tayo kana jan, aba mag-aasikaso ka pa dito sa bahay,mahiya-hiya ka naman" sigaw ng mama ko

Hays. Daig pa nya walking alarm ko,  kaloka!

"Oo na po"medyo iritadong sabe ko

"Bilis-bilisan mo kumilos mamaya magrereklamo ka nanaman na late kana anong oras na Oh"sigaw pa ni mama

Hays. Ulit-ulit na lang-____- Suminangot na lang ako at hindi na sumagot dahil hahaba lang ng hahaba pag sumagot pa ko

Nakakainis lang dahil ang ganda ganda ng panaginip ko, nasira lang sayang nakilala ko na daw yung crush ko tapos nag-uusap na kami kaso lang ginising ako ni mudra-___-

Ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin para naman hindi magalit yung  nanay ko

Nang masigurado ko na natapos ko na  lahat ng gawain ko ay nag-ayos na ko ng sarili ko para sa pagpasok sa school

Sayang talaga yung panaginip ko, hindi ako maka move-on dun nakakainis Sana totoo na lang mangyari kaya lang pag panaginip kabaligtaran yung nangyayare

Oh no! Hindi pwede paano na kame-_-

"Goodmorning" sabe ni kuya guard

"Ayy goodmorning din po" bati ko pabalik

Hindi ko napansin na nasa gate na pala ko walking distance lang naman kaya madali lang ako nakakarating kaya lang hindi ko talaga maiwasan na late ako lage

Naalala ko last year new years resolution ko yun kaya lang hindi natupad noong unang araw kaya ayun hindi ko na ginawa pinanindigan ko na late na lang ako lage masaya naman  late^__^

Nakarating na ko sa room namin hindi ko na binati si ma'am dahil babarahin lang ako pag nag goodmorning ako sa kanya

"Goodmorning jamie" bati ng teacher ko Napahinto ako sa paglalakad papunta sa upuan ko at humarap na nakangiting ewan sa teacher ko

"Ayy goodmorning po" sabi ko na medyo nahihiya Nagtawanan yung mga classmate ko 

Dumiretso na ko sa upuan ko,  Habang abala pa si ma'am sa pag aattendance kinausap ko si Ana

"Nakita mo si rock?" Tanong ko kay ana

"Oo, nagpapractice na yata lage ka kasing late" sabe nya ng pabulong

"Ahay!  Nakakanis naman kase hi----"

"Kamusta naman kwentuhan nyo share nyo naman " hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nakisali na agad si ma'am

Napasimangot na lang ako at tumahimik ,Hindi naman na kame pinansin ni ma'am tinuloy na lang nya ang pagsulat sa board

"Good morning ma'am rose" bati ng mga classmate kong late

"Anong good sa morning kung lage kayong late?"sigaw nya

"HAHAHAHAHA" nagtawanan kame

"Anong tinatawa nyo?  Akala nyo naman hindi kayo mga nalalate Bukas ang malalate jan kayo sa labas magkaklase  dapat 7:30 nandito na kayo sa loob ng room"

Naku na yare na! 7:45 ako  pumapasok pano na yan? kailangan ko talaga gumising ng maaga 

"Ehe ma'am 7:45 po?"suggest ko

"Hindi 7:30 tapos ang usapan"

"Ahay paa--" aapila pa sana ako ng may teacher na dumating at kinausap si ma'am rose

"Gawin nyo yan"sigaw ni ma'am bago lumabas ng room

"Ano po yun Sir?"  Narinig kong sabe ni ma'am

Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat

"Ana ayy! si crush" medyo ewan nasabi ko kay ana

"Ano?" Tanong ni ana

"Sabe ko ayun si crush"

Mag sasalita pa sana si ana ng biglang bumalik si ma'am rose

"Sino mga nakaassign ngayong week sa cleanliness?"tanong ni ma'am

"Group 3 po" sagot ng mga classmate ko

"Babalik lahat dito yung mga players kailangan natin mag General cleaning Dahil may bisitang dadating" pag aanounce ni ma'am

Ay, kaya pala nanjan si crush ko 
Wala na silang practice , kung pwede lang manuod ng practice nila baka dun na ko tumambay sa court lagi ^_^

Naglinis na lahat ng nakaassign at yung ibang pang tinawag ni ma'am para maglinis at yung ibang hindi natawag nakatayo lang kasama ako dun nakatayo lang ako sa gilid ng bintana

Mula sa kinatatayuan ko nakita ko si rock na busy sa paglilinis sa labas ng room nila,

'Silay na maria❤' sabe ng maliit na boses sa utak ko

'Hindi naman siguro masama sundin yung sinasabi ng utak ko'

'Gaga kapal mo naman ako lang ha?'' Sagot ng utak ko

'Shut up oo na pati na puso' sabe ko sa isip ko,

makipagtalo daw ba sa sarili? ganito yata epekto pag hindi ka napapansin ng crush mo T_T

Pasimple na lang akong tumitingin sa kanya para hindi halata baka mahuli ko ng mga classmate ko na naglilinis sa labas kunwari pinanunuod ko yung mga classmate ko maglinis sa labas pero ang totoo sumisilay lang ako

Paraparaan paraparaan🎶🎵

Kanta ko sa isip ko,

"Ang pogi nya" sabe ni lyn sa tabi ko

Pogi daw? Si rock?

"Ha?Sya ba?" Naguguluhang turo ko kay rock sa bintana

"Oo, kaya lang mukhang Famous sa facebook yan" dadag pa ni Lyn

"Hahaha mukha nga" pagsang-ayon ko na lang kay lyn

"Halata naman sa itsura"pahabol pa ni Lyn

Hindi na lang ako umimik dahil baka masabi ko lang na 'kahit famous pa sya okey lang basta crush ko sya'   hindi ko naman kasi maipagsigawan na crush na crush ko yun Like duh! Sino ba naman ako?

"Maria jamie, Linisin mo yung bintana para naman hindi ka tatayo-tayo jan"utos ni ma'am

"Ok po" Sagot ko, kumuha na ko ng panlinis at nilinisan yung bintana

Yey! Bawing-bawi na yung mga araw na wala akong silay, Sulit ngayon panalo bes.

"Pwede naman titigan wag lang tunawin jame" bulong ni Ana sa tabi ko

"He! Shut up sinusulit ko na nga yung libreng silay ko ngayong araw tututol ka pa ba?"

Libre daw? Hahaha nababaliw na yata talaga ko, naalala ko nakaw tingin nga lang pala ginagawa ko

"Pasulyap-sulyap pa kunwari patingin tingin sa akin🎶🎵" narinig kong kanta ni mae

Akala ko para sakin hindi pala, tungkol pala sa sarili nya yun, nakatingin  din kasi sya kay rock ay hindi pala nasa malapit sya sa bintana nakaupo pero tumitingin-tingin din sya tsaka siguro nagaassume sya na sya yung sinusulyapan ni rock kasi kanina pa tingin ng tingin dito sa room namin si rock

Yiiieee ako yata yung sinusulyapan nya? Tanong ko sa isip ko

"Bes wag assuming, nakakamatay yan" narinig kong sabi nung kaibigan ni may

Aray ko naman grabe, double kill yun ahh, hindi naman para sakin pati ako natamaan

Hindi ko maiwasang hindi sya sulyapan kahit saglit lang , kaya lang nahuhuli nya ako minsan kaya iniiwas ko agad ang tingin ko, Ganun naman kasi talaga pag nakatingin si crush hindi ka tumitingin pero pagnakatalikod tsaka mo lang titignan

hay Buhay nga naman parang life nakakatanga..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Particular Love story Where stories live. Discover now