Forget My Feelings

19.4K 89 3
                                    

 Dyzxerie Joy POV

Naranasan mo na bang maging sobrang tanga? Kasi ako sobra pa sa tanga... Nagmahal lang naman ako ng lalaking di ako kayang mahalin.

FLASHBACK 

"Dylan malapit na kasal natin excited na ako" masaya akong umupo sa tabi niya "Oh ngayon? Kung ikaw masaya pwes ako hindi" cold niyang sabi sabay tulak sa akin palayo sakanya.


"Matututunan mo din naman akong mahalin eh... Saka di ka magsisisi promise pasasayahin kita" kasabay nun ang pagyakap ko sakanya pero tinulak niya ako ulit pero mas malakas na.

"Heto tandaan mo kahit kailan di ako magpapakasal sa iyo-" pinutol ko ang sinasabi niya "Pero Dylan hiniling ni lola mo na magpakasal tayo" 

"Wala akong pakialam!! Si Cindy ang mahal ko" si cindy na naman bakit di niya na lang kalimutan ang babae na yun? sinaktan lang siya ni Cindy pero hanggang ngayon mahal niya pa rin ito.


"Kalimutan mo na siya Dylan... she's a whore" namuo ang galit sa mukha ni Dylan at nagulat ako ng bigla niya akong kaladkarin palabas ng classroom "Dylan nasasaktan ako" nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya. "Talagang masasaktan ka... wala kang karapatan sabihan ng ganun si Cindy dahil basura ka lang" naalis ko ang kamay ko sakanya at pansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.


"Si Cindy maganda siya. mabait, mapagmahal at higit sa lahat  hindi siya katulad mo na malandi, pathetic , mapiling, at maitim ang ari...." nagtawanan ang mga estudyante.. pinagtatawanan nila ako... naiyak ako sa kahihiyan... nagagalit ako... lahat ng paghihirap ko nabalewala.. Pinahiya niya ako.



Tumakbo ako palayo habang ang mga mata koy lumuluha.. Simula ngayon di na kita mamahalin. Hindi na ...





AN: sorry short lang

ObsessionWhere stories live. Discover now