Sadyang di maaalis ang kababalaghan sa mundong ibabaw. Wika ni Tomas.
Sa modernong mundo ngayon, tila nakakalimutan na nating magpugay sa mga yumaong nilalang sa paligidligid. Ani pa niya.
Bhoxxzz, ang deep mo naman. Sabi naman ni JP. Pang book of true ghost stories ba yan? Sumbat pa niya.
Tae, Wag niyong ginaganyan yan. Kikilabutan na kayo sa mga susunod pang eksena. Haha. Sambit ni Jay.
Oh, asan na si Rick? tanong ni Tomas habang humahalakhak.
Master Tomas, tama na po. Sabi naman ni Rick.
Di pa nga naguumpisa ayawan na agad?! Anong kalokohan yan? Paki explain. Sabi naman ni Jay.
Mga delaying tactics mo talaga eh, maghugas ka na ng pinggan! Banat ni Rick kay Jay.
Wala nang sabon eh! Sinungaling kasi yung patalastas. Sabi pang isang linggo daw? Anak ng tinapa, dalawang araw lang, ubos na! Ika ni Jay habang natatawa tawa.
Eh ang aksaya mo kasi sa sabon eh. Dapat ga hinlalaki lng na patak! Agad na sagot ni Rick.
Nilagay ko na nga sa bote na may tubig eh! Agad na tugon ni Jay.
Hoy! Tama na yan! Itutuloy na ni Tomas ung storya nya. Walang nang magiingay. Sabi ni JP.
At sabay sabay silang lumingon kay Tomas at.....
Tulog na ito.
Meh... Tulog na si master, ano, tulugan na? Tanong ni Rick sa mga kasama sabay titig sa mga kasama niya sa apartment ngunit...
Tulog na rin ang mga ito.
Aba. Magaling, tulugan natin yung thesis. Sabi ni Rick habang humihikab.
Kinabukasan...
Tulog parin sila.
BINABASA MO ANG
Saan nga ba patungo?
RandomTatagal ka ba sa apartment na puno ng wirdong tenants na wala nang ginawa kundi ipakita ang kanilang kawirdohan? Kung di ka sigurado, halika, basahin mo to nang maranasan mo kung pano mabuhay sa komunidad na puno ng abnormal na kaibigan, suntukang w...