“MATAGAL PA ba ‘yan? Nagugutom na ako, Ybarro!”
“Sandali na lang ‘to,” tugon ni Ybarro.
Naglalaway na si Hime sa bango ng niluluto ni Ybarro para sa tanghalian nila. Inaya siya ni Ybarro na mangisda kanina at tuwang-tuwa siya habang nangisngisda sila. Ilang beses na muntik na siyang mahulog sa bangka na sinasakyan nila dahil para siyang batang aliw na aliw sa malalaking isdang nahuhuli nila. Kaya ang pinaghirapan nilang huliin ang siyang tanghalian nila.
Noong bata pa siya madalas na nilang gawin iyon ng kanyang Daddy tuwing weekend. Pero dahil mas naging abala na ito sa kumpanya nila kaya bibihira na lang nila iyon gawin. And she missed those days, and her Dad.
Perhaps, she missed her childhood. She missed having fun activities with her Dad.
“Siguraduhin mo lang na masarap ang pagkakaluto mo niyan. At nang may katuturan naman ang paghihintay ko.”
She heard him laughed.
“Masarap akong magluto, alam mo ‘yan. Kaya ka nga tumataba, e. Sarap na sarap ka kasi sa luto ko.”
“Hindi ako mataba, no!”
Lihim na nag-panic ang isip niya. No, hindi ako mataba! Pasimple niyang sinipat ang sarili sa repleksyon niya sa baso.
Ok, there’s no point denying. She like Ybarro’s cooking. Masarap itong magluto. At kahit hindi sanay kumain ng gulay ay napapakain siya dahil amoy pa lang natatakam na siya at nae-engganyo siyang kumain. Kaya hindi na niya kilala ang salitang ‘diet’.
You need to reduce, girl, said the part of her brain, bitchy.
No! She felt ugly.
“Huwag kang mag-alala. Kahit tumaba ka, maganda ka pa rin.”
Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Ybarro. Nabasa ba nito ang iniisip niya? He said that she would still be pretty even if she gain weight. Really? At ang pusong mamon niyang puso ay kinilig naman sa sinabi nito. Harot!
Tinikman ni Ybarro ang niluto nito. “Hmm... Gusto mong tikman?”
Excited na tumayo siya at lumapit dito. Sumandok ito ng sabaw ng niluluto nita na ipapatikim sa kanya. Pero nagtaka siya nang imbes na ilapit sa kanya ang sandok, ito ang tumikim habang nakatingin sa kanya. At parang nang-aakit ang loko.
“Anong tri—.”
He stopped her from complaining by claiming her lips. Naramdaman niyang pumaikot sa bewang niya ang isang braso nito, and held her closer. Nalasahan niya sa labi nito ang niluto nitong ulam nila, pero mas nalalasahan niya ang labi nito. How it tasted so sweet and toxicating.
“Ano, masarap ba?” tanong ni Ybarro nang paghiwalayin na ang mga labi nila. Hindi pa rin siya pinapakawalan.
Ha? Masarap? Alin, ang ulam ba o ang halik ang tinutukoy nitong masarap?
Wake up, Hime! Natulala ka na riyan, paggising ng parte ng utak niya habang napapailing dahil sa naging reaksyon niya.
“Tama na ba ang timpla?”
She mentally slapped herself para gisingin ang inaagiw na isip. Marahan niyang itinulak si Ybarro para makalayo dito.
“O-oo, pwede na. Masarap.” Pareho!
Sing-pula ng sabaw ng ulam nila ang mukha niya.
=============================
HINIHINGAL AT nanlalagkit na sa pawis si Hime. Pero si Ybarro tila wala pang balak na tumigil at magpahinga. Kanina pa siya nagpipigil na kagatin ito sa inis. Hindi ba marunong makaramdam ng pagod ang lalaking ‘yon?
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesa sa Bukid (Completed)
RomanceAno ang mangyayari kapag na in-love ang isang spoiled, happy-go-lucky rich girl sa isang magsasaka?