Chapter one

1.9K 41 1
                                    

NAPAKO si Hime sa kinatatayuan  nang makita ang bahay na titirhan sa loob ng dalawang buwan.

 So this is what a kubo looks like.

Ngayon niya pinagsisisihan na pumayag siya sa gusto ng Daddy niya. Peste kasing kasunduan 'yan. Bakit ba kasi nauso pa ang arranged marriage? Kaya heto siya ngayon, kailangang magtiyaga ng dalawang buwan kasama ang napangasawa niya. Oo, kamakailan lang siya ikinasal. Sa huwes nga lang at piling mga tao rin ang nakakaalam.

She had been dreaming  to have a grandest wedding and look like a pricess as she walk down the aisle with her wedding gown that as white as the snow. But instead, the whole wedding was just as simple as this house in front of her.

Mas mabuti na rin na ganoon ang naging set up ng kasal niya, dahil hindi niya kakayanin ang sobrang kahihiyan na pwede niyang maranasan. The princess of the well known Baldevarona family married a commoner. A ‘magsasaka’ as they say. She is Hime Fleur Baldevarona, for crying out loud! She's the only daugther and succesor of one of the richest family in the country. She lives a life like a princess. Everyone envy her and wants to be in her Stuart Weiztman shoes.

Gusto na niyang maglupasay sa inis sa sitwasyon na kinasuungan. Wala rin naman siyang magagawa pa, narito na siya at kailangan na lang niyang magtiis. Nakasalalay kasi dito ang  inheritance at freedom niya. At ang tuso niyang ama ay ginamit iyon para sa agreement na ito.

Good thing the marriage doesn't have to be forever.

 “You can't do that to me, Dad!” naiinis na wika ni Hime nang ihayag ni Mr Alfredo Baldevarona ang tungkol sa kasunduan nito sa isang kaibigan at dating business partner. “I can't marry someone I don't even know. Ni hindi ko pa nga nakikita 'yong taong sinasabi n'yo na kailangan kong pakasalan,” dagdag na niya.

 Bakit ba kasi uso sa mayayaman ang arranged marriage? It was like a suicide to the people involved in this nasty agreement. They were robbed of the chance to find their happiness to his’/her soulmate or true love, and experience intimacy with the person they love . Bagkus kailangan nilang pakisamahan ang taong hindi pa nila lubos na kilala sa panghabam-buhay.

“He's a good man, hija. I've already met him. And I must say he's good for you,”

“But Dad...” Gusto na niyang sabunutan ang bagong kulot niyang mahabang buhok sa sobrang iritasyon.

She knew her Dad better. There must be something behind this conversation.

 “Spill it, Dad. Alam ko na meron pang dahilan kung bakit ipinipilit n'yo ito sa akin.” pinakatitigan niya ito, tila inaarok ang iniisip nito.

Her old man sighed.

“Dad, huwag mo akong bugahan.”

“Well, maliban sa naging kasunduan namin ng ama ng mapapangasawa mo, and also about your inheritance, gusto ko rin na lumagay ka na sa tahimik.”

“Dad, I'm just twenty eight. Bakit ba mas atat pa kayo na makapag-asawa na ako.”

“Hija, you are already twenty eight. At hindi na ako bumabata, Hime. Gusto ko pa na magawang makipag-laro sa mga magiging apo ko.”

Kinilabutan siya sa huling sinabi ng Dad niya. Apo agad? Oh, Heaven!

Dahil solong anak siya kaya alam niya  na siya  ang tanging makapagbibigay ng kahilingan ng ama..

“Mapapanatag ako na may mag-aalaga sa'yo sa hinaharap, hija. Hindi habang buhay na makakasama mo a—”

“Enough, Dad. Hindi ko na gusto ang sasabihin mo,” pagputol niya sa ano pa mang sasabihin ng Daddy niya.

Ang Prinsesa sa Bukid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon