Kaze's Point Of View
Walangyang yun talaga! Hoooo. Pinagod ang beauty ko! Hahaha!
Buti nalang hindi ako madaling pawisan. Kundi--
"Goodmorning Class"
Ayan na nga po kung bakit ayaw ko maging dugyot eh. Hihihi
"Gooooooooodmoooooooooooorning Mr. Bermundoooooo"
Ay hala. Parang mga kinder -_- Piro wak kayo maengay. Puge itu si ser. Lab lab ♥♥♥ 25 years old lang. Fresh na fresh! Wahahahaha! Anlande -_-
Ang subject niya ay Filipino.
"Pag-aaralan natin ngayon ang lahat ng tungkol sa Epiko. Sino ang may ideya sa salitang iyon?"
As usual, ako nanaman ang nakataas ng kamay, nagtataka kayo kung bakit di nakataas si Top 1? Tss, eh hindi naman talaga yun matalino eh. Baka mata-linaw pwede pa.
"Ikaw nanaman Ms. Santiago? Sige, ano ang epiko?"
"Ehehe, opo sir. Ang epiko po ay mahabang salaysay na patula. Ito po ay karaniwang inaawit o binibigkas at nakasentro po dito ang mga mahiwagang pangyayari o kabayanihan."
"Tama ang iyong sagot. Manatiling nakatayo."
???????? Huh? Bakit manatili? Diba dapat uupo na ako kasi nasagot ko naman? Papagalitan ba ako ni Sir? Naku isang malaking kahihiyan to! Baka may mali sa sinabi ko kaya--
"Ms. Santiago. Tutal ikaw lang may ideya patungkol sa epiko tayo ay dumako na sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko. Maaari mo bang ibahagi ang iyong kaalaman tungkol dito?"
Hooooo. Nakahinga ang beauty ko dun! Kala ko kung ano na eh!
"Syempre naman po Sir. Ang salitang epiko ay mula sa Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o awit. Ito ay mahabang salaysay sa anyong patula maaaring awitin o isatono. Hango po ito sa pasalindilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mga mithiin ng mga tauhan."
"Napakahusay mo Ms. Santiago! Binabati kita! Ipinakita mo nanaman sa amin ang iyong talino sa aking asignatura."
Omg. Binati ako ni Sir! Waaaa. I can. I can die in peace with hearts everywhere!
*RIIIIIIIIINNNNNNNGGG*
"Goodbye Class."
"Gooooooooodddddbyyyyyyyeeeee Misteeeeeeer Bermunnnnnndoooo!"
Aba't mas ginanahan pa! Sabagay recess na kasi! Hahaha. Ano kayang kakainin ko? Siguro mashed potato and my ever so loving frieeeeeee--
"At Ms. Santiago, pumunta ka sa 2nd Year Faculty Room after Recess, please. Salamat!"
Ha? Bakit nanaman? Lagi nalang akong pinapatawag. Huhubells. Paiyak na ako.
Joke!
Kasi nga, guuess what! Vacant ang next at next next subject kaya! 2hours ang RECEEEEESSS! Woooohoooo!
-
MM's Point Of View
"Ui pangit, tara na. gutom na ko." - Sabi ni Kaze
"ANO? SA GANDA KONG TO! SASABIHAN MO KO NG PANGIT? ABA. AB--"
Bigla akong napatigil. Anlungkot kasi ng itsura niya. Usually kasi pag mga ganung bagay. Di kami nagpapatalo sa isa't isa.
"Ah.. ano.. Sige tara na?"
"Kaze" -Dominic
Uy si Domini-- SI DOMINIC?!!!!! ANAK NG BUTETE! KAYA PALA!
"Uh.. hello.." medyo nagaalangang sagot si Kaze
"Kaze, tara na! Gutom na ang bestie mo di ka ba naaawa? Tsaka kelangan ka diba ni Sir Bermundo?"
Singit ko. Iniba ko na pati. Ako na yung nagutom. Baka kasi pag sinabi kong siya ang gutom eh siguro makapagusap pa sila. Tss ayaw ma ayaw ni kaze magtagpo landas nila, mag usap pa kaya? Pero imposible din yung gusto ni kaze. Magkakaklase kami eh.
Medyo awkward na rin yung atmosphere eh. Tsaka nanunubig na yung mata ni Kaze.
"Ah ano. O-oo nga pa-ala. Si-sige una na ka-kami Nic.. ay Dominic."
Yan! Sige! Go best! Kaya mo yan!
"Sorry Doms, gutom na talaga ako eh. Haha next time nalang ha?"
Tae ka. Kapal talaga ng mukha mo ha!!!!!!! Buti nga sayo.
"Ah. Ge una na ko" - Dominic
Hinila ko na agad si Kaze at pinaharap. Sinusundan niya pa rin ng tingin si Dominic eh. Asar! Akala ko pa naman moved on na. Pakitang tao lang pala niya ayaw niya kasing kinakaawaan siya kaya gusto niya maging matatag sa tingin ng iba.
BINABASA MO ANG
Bestfri-END
Teen FictionGanito nalang ba lagi? Ayoko na. Suko na ako. (Highest rank: #78 in short story, #253 teen fiction.)