So ayun, first day of class.
Edi yun ang walang sawang seating arrangement. Ok lang. Mamaya na wala rin namang klase.
Tsaka yun nalaman ko na magkakalase kami.
Kaya ayun, kaklase ko siya.
HAHAHAHAHAHAHA. Puro ayun ano? HAHAHAHAHAHAHAHA
Paki mo? Ganda ko e!
OMG. Kaklase ko siya! Anak ng pating na hugis dolphin at kulay grey na mahaba ang nguso pero pating parin at hindi dolphin.
Balik tayo sa pangyayari. Daldal ko nanaman eh -_-
Ayoko ng ganto! Laging alphabetical ang pag-aarrange ng upuan. Nakakainis. Syempre sa hulihan ako. Santiago eh! -_-
"Santiago, dun ka sa katabi ni Ms. Sanchez at Mr. Silva."
"Ok po Mam."
Pumunta na ko dun sa lecheng upuan ko. Kainis. Kilala ko tong babaeng katabi ko.
Ito yung lentes na makapal ang mukha na kala mo'y ipis at nagmamaganda.
Yung isa naman. Di ko kilala. Tsaka CAPITAL D-U-H. Nakaub-ob kaya!
"Ehem. Excuse me, ate."
Whatdafu-- ATE?
"I think you are blocking the view, ate"
TAKNA. ISA PA. ISA NALANG MAKAKATIKIM NA 'TO SAKIN.
"Ate, are you deaf or what? I said you are blocking the view."
Eto. Lentes, pinupuno mo ako ha.
My lips formed into a smile.
"Hindi ako bingi, tanga ka ba? O sadyang bobo ka lang? Tigilan mo ako dyan sa kaeenglish mo ha! Hindi kase bagay sayo e, you seemed like an ugly duckling na putak ng putak. Tsaka, pinaulit ko ba sayo ha? Hndi diba. Kung I am blocking the view, well sorry ka na lang girl. I AM THE VIEW."
Sabi ko, then I stand at akmang pupunta kina MM. Then, I remembered.
"Oh and one more thing, 'wag mo akong tawaging ate kasi the word ate reflects more than of yourself, in short, mas mukha kang losyang kesa sa akin, bye girl. Wag mong dibdibin, may likod ka pa."
Then I flipped my hair at tinalikuran ko na siya.
-xxx-
Kwinento ko kay MM ang kaawa-awang panlalait na natanggap ni Kleinra, ang dakilang etchusera.
Aba, pang-award winning ang talent ko dun day! Baka tawagan na ako ni Direk Bobet para mag-artista.
"Oo! You should've seen her face. Grabe. 'Di mo maiintindihan kung maaawa ka o matatawa ka."
"Bet ko yun bes! Turuan mo naman ako minsan. Para you know, magamit ko sa mga 'langaw' na umaaligid kay Giohn."
Yes, ang kanyang dearest love. Ew
"Of course, hintayin mo lang. Madadagdagan pa 'yang kahihiyan ni Kleinra sa oras na pumapel siya sa gorgeous life ko."
Bumalik na rin ako sa upuan ko pagkatapos kong magkwento. Nakatalikod sa 'kin ngayon si Kleinra at siguro'y kinakausap yung isa pa niyang katabi.
Sa sobrang boredom,kinuha ko yung sketchpad at poster colors mula sa bag ko.
Magfifinger-painting ako.
Habang hinahanda ko yung gamit,gumalaw yung katabi ko. It means, gising na siya? Ohwell.
Pinagpatuloy ko lang yung pagmimix ko ng kulay sa tray nang maisip ko kung anong itsura kaya ang meron itong katabi ko.
NAGSLOWMO ANG LAHAT.
Pogi kaya siya? Maganda ba ang mga mata? Mapula sana ang mga labi. Hayy, perfect features.
Tumingin ako ulit sakanya at 4 inches lang pagitan ng mukha namin.
"Oh ano, pogi ba? Maganda ang mga mata? Mapula ba ang mga labi?"
Tiningnan ko siya ng mabuti at..
"Oo. Kuhang-kuha."
"HAHAHA."
"Ay palaka!"
Ngayon ko lang napansin ang kahihiyang ginawa ko.
"Sinong palaka? Eh ikaw na nga 'tong nagsabi na may perfect features ang mukha ko."
"Oo nga--- Este hindi ah! Mind reader ka ba?"
"Tss. Vino-voice out mo kasi yang daydream mo. Ako nalang ang i-paint mo ha."
"At bakit ko naman gagawin yun?"
Lumapit pa siya ng mga malapit hanggang sa magkadikit na yung ilong namin.
"Kasi, pogi ako."
Ngumiti muna siya tsaka ako tinalikuran.
Natameme ako. As in nakabuka yung bibig ko. Crush ko yun eh! Pakshet, si Dominic 'yun mga pre!
Ohmy, you can kill me noooooooow.
BINABASA MO ANG
Bestfri-END
Fiksi RemajaGanito nalang ba lagi? Ayoko na. Suko na ako. (Highest rank: #78 in short story, #253 teen fiction.)