2nd Chapter: My First.. (Love) LAUGH?

5 0 0
                                    

2nd Chapter: My First.. Love LAUGH?

Hindi siya nawala sa isip ko simula nung araw na yun, sinabi ko kay Ma’am na naibigay ko yung handouts sa kanya at humanga siya sa ginawa ko. Inutusan na daw niya lahat ng kaklase ko, bali, ako na yung pinakahuling inutusan niya (which is akala ko ako ang una) sa bagay na yun, at ako lang ang nagtagumpay sa misyon na yon. Kaya nagtangka pa siyang pabalikin ako kinabukasan pero tumanggi na ko. Hinding hindi na ko mag-aaksaya ng oras para kausapin ang isang baliw.

Ikatlong araw na to simula nung pumunta ko kila Haru, at tatlong araw na din ako di makapag-aral ng maayos dahil sa kanya.Resulta na nito ang pagkakaroon ko ng score na 99/100 sa isang Unit Test sa Chemistry. I couldn’t totally believe that. Nadepress tuloy ako. Masyado akong naku-Curious sa kanya. Daming tanong. Pupuntahan ko ba siya? No way.

Paborito kong lugar sa mundo bukod sa bahay ay ang Library.

Ang Tahimik kasi, Palaging walang tao, kung meron man, unti lang.

Walang makapang-gugulo sayo.

*BAAAAAAAAANGG!*

May tumawid na bola ng baseball sa harap ko.

Well, di naman ako natamaan o yung notebook ko, so I don’t care.

Kailangan ko pa magbasa, may surprise quiz ata bukas, better prepared.

“Uh! Excuse me! May bola bang dumaan dito?” – Sabi ng isang lalaking nakadungaw sa bintana.

Ako ba kinakausap niya? Baka meron pang iba, wala kong alam.

“Sherry?”

Napatingin ako bigla kasi kilala niya ko.

“Excuse me, kilala ba kita?”– Sherry

Halatang nagulat siya sa sinabi ko at bigla siyang natawa.

“Sana sa susunod kilalanin mo din yung mga kaklase mo, Sherry. Ako si Carlo, Kaklase mo since 1st year. Nakakagulat lang na hindi mo ko kilala. HAHAHAHA”– Sabi niya sakin sabay ngiti

Well, si Lara lang kilala ko since minsan ko na siyang nakasama, nung 2nd year I think, well, that’s another story.

“Ah, Sorry.” – Sabi ko lang sa kanya

“Hindi, okay lang. Ako ang dapat magSorry kasi naistorbo kita sa pag-aaral mo. Matagal na kitang tinitignan, napakamisteryosa mo kasing tignan. Wala halos may gustong makipag-usap sayo. HAHAHAHA. At hindi ka naman pala nakakatakot kausapin.” – Ngumiti na naman siya.

“Ah, ganun ba.” – Sabi ko nalang ulit. Wala ko masabi e. XD

“CAAAARLLOOO!!! YUNG BOLLLAAAA!!!”

“Ay! Sorry! Kailangan ko ng umalis, tinatawag na nila ko! Salamat sa minuto mo Eri, Bye~!” – Bigla siyang umalis.

Ha? Eri? May bigla bang nagbigay sakin ng bagong pangalan? Teka..

“Ay! yung bola! Haha! E..Eri..” – Sabi niya

Sabi na eh. Nakalimutan nga niya.

Tumayo ako para kunin ung bola sa lapag at binigay ko sa kanya. Di narin ako nagtagal sa Library, Naghanda narin ako para umuwi. Sorry kung walang magandang nangyayari. Dahil lubhang napakaboring talaga ng buhay ko. Ewan ko ba ano pumasok sa isip ko para isulat pa to eh.

Ilang kanto na lang ang dadaanan ko at malapit na ko sa bahay. Hanggang sa may nakita akong 5 lalaki sa may gilid. Batay sa pagkakahagip ng mata ko, binubugbog ata ng apat yung isa. Wala akong balak tumulong kaya dere-deretso lang ang lakad ko. Hanggang sa nung malapit ko na silang malagpaasan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Monster Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon