Bumungad sa akin ang mga nakahandusay na kong mga libro at papel. Hindi ko na mahanap kung saan galing ang tutog na kanina pang kumakanta sa kwarto ko. Nakatumba na rin ang ibang mga picture frames ko sa cabinet ko. Nakakalat na rin ang maruruming mga damit ni Arvin. Hay nako insan, malas ang asawa mo sayo. Bahala na to. Si mama na ang maglilinis. Tutal wala naman siyang ginagawa dito sa bahay. Mahal naman ako nun eh.
Bumangon na lang ako at naginat-inat. Tumingin muna ako sa salamin bago dumeretso sa banyo. May pasa na naman ako sa balikat ko pero hindi ko man maalala kung bakit may pasa ako. Habang nasa banyo bigla bigla na lang tumunog ang telepono ko.
“Hoy Nicolas Alfonso!” sigaw ng best friend ko na si Miguel. Loko talaga tong lalaking to. Alam naman na nitong kakagising ko lang binalak pang sumigaw.
"Loko ka!" pasigaw kong sagot.
"Ano yan pre, nasa shower ka?" palit niya ng tono. Hindi ko pa nga pala napapatay yung gripo. Buti na lang at nagtapis na ako kundi medyo awkward tong usapan namin.
Hindi ko na lang siya sinagot. Dineretso ko na siya, "Loko ka talaga! Bakit ikaw nagintroduce ng pangalan ko?" hindi siya nagsalita. Siguro nagtagal ng ilang minuto bago mag salita siya ulit. Nagbihis na lang ako at dumeretso sa kusina.
Himala! HIndi ko kailangang magluto! "Ma?" tawag ko, nagbabasakaling nandito siya pero walang sumagot. Inikot ka na ang kusina at sala pero wala doon si mama kaya kumuha na lang ako ng konting tinapay na ginawa niya at umalis na ng bahay.
Malapit lang ang Ediacara High pero bago pa ako makarating may basagulero na tumawag ng pangalan ko. Hindi ko naman naiwasang mapatinging. "Ah, Aldrin, bakit?' tugon ko, baka may kailangan lang. Pero mali na yata ang umiikot sa ulo ko. Hindi niya na ako sinagot at nakatanggap na lang ako ng isang malakas ng suntok sa tiyan.
Humambalos ako sa kalsada at sinubukan pang tulungan ng aking mga kapwa estudyante pero agad silang pinagbantaan ni Aldrin. Habang nakatalikod siya, kumaripas na ako ng takbo. Naririnig ko pa rin siyang hinahabol ako pero hindi na siya pumasok sa school gate at doon na ako nakahinga ng malalim.
"Oh pre, naabutan ka na naman ba?" tanong ni Miguel sa akin. Tumango na lang ako at naglakad papuntang classroom namin. Nararamdaman ko pa rin na nanginginig yung tuhod ko mula sa tinakbo ko.
Nagsipasok na rin yung mga iba ko pang kaklase, kasama na dito ang isang babae na alam kong hindi ko pa nakikila mula dati. Matangkad at magpagka maputi siya. Kulay chocolate din yung buhok niya at malamyos ang mukha. Yung tipong mabait. Nagsimula ang klase pero hindi nagpakilala ang babae. Habang patagal ng patagal, nangangati ang dila ko na tanungin ang pangalan niya.
Nang tumunog ang phone ng professor namin, pinaalis na kami. Hindi ko na hinintay si Miguel. Isa lang ang pakay ko; malaman ang pangalan ni newbie. Pagkatingin ko sa inupuan niya wala na siya. Asan naman nagpunta yun?
"Hoy! Tulala ka na naman!" sabay batok sakin ni Miguel. Bago pa ako makasagot nagsalita pa siya "Iiwanan mo pa ako ah!"
"Eh kasi naman eh" reklamo ko. Ang malas ko naman yata ngayon. Una, tinambangan na naman ako ni Aldrin. Sa kanya yata galing yung pasa ko eh. Tapos ngayon naman may magandang babae sa klase pero hindi ko man nalaman yung pangalan niya. TAPOS nabatukan pa ako. Leche naman!
Tumuloy na lang kami sa cafeteria kung saan nakita ko na naman yung girl pero ngayon, kaharap niya si Von. Mukhang nagkakaintindihan naman sila dahil hindi sumisigaw si girl. Pero bakit ganon, ang sakit sa pakiramdam. Ay ewan.
Paglapit namin, narinig ko ang usapan nila.
"Ano ba kasi, hindi naman kita kilala eh" pabulong niyang sinabi. Halatang naiinis na siya kay Von pero hindi pa rin tumigal ang ungas.
"Ano? Tinatanggihan mo ako?" sagot niya nang bigla niyang hatakin si girl sa kamay. Agad naman siyang pumiglas.
"Von, tigilan mo nga siya" sabi ko nang hindi nag-iisip. BIglang napunta ang attensyon ni Von sakin.
"Bakit Nick, may problema ka?" hindi ako nakasagot at tinawanan niya ako. Kahit gaano kalakas ang tawa niya, walang pumapansin. Nasanay na kasi sila sa gulo. Sa araw-araw na may scandalo si Von ay hindi na malaman kung bakit pumapasok pa siya dito. "Dun ka na nga!" patulak niyang sinabi.
"I don't need you" sabi ng babae na kinagulat ko. Siya na nga ang tinutulungan, nagalit pa siya. "I'm not a weakling you idiot. Just leave us alone." kumulo ang dugo ko sa kanya pero nanahimik na lang ako.
Kinuha ko ang pagkain at dumeretso sa SM. Sinundan naman ako ni Miguel. Maramirami na rin ang manggang bumubunga pero bawal pitasin. Nagmasid masid na lang ako. Lumabas na ang babae at halata naman nainis si Von sa anumang sagot niya. Binatukan na lang ulit ako ni Miguel para bumalik sa realidad. Oo, binastos ako ng babaeng yun. Nakakainis nga eh. Buti na lang babae siya.
Napansin kong pumunta siya ng principal's office. Siguro ay irereport si Von dahil sa ginawa niya. Bigla bigla na lang lumapit siya sa akin. "The principal is looking for you" sabi niya ng may masamang ngiti sa labi niya na parang may masamang balak sa akin.
Hindi ko siya pinansin at pumunta na lang ako sa office kung saan nandoon din si Von at may isa pang babae. Hindi siya yung principal pero nagpapaikot ikot siya sa upuan niya. Pagharap niya, nanlaki ang mata ko. Siya si-
~~~~~~~~~~~
Hello po!
Sana nagustuhan niyo po yung 1st Chapter! Mahaba haba pa yan kaya maghintay lang kayo!
[THIS IS FOR PROJECT PURPOSES. WE WILL CONTINUE THE STORY AFTER THE DUE DATE IF A LOT OF PEOPLE LIKES THE STORY. THANK YOU]
I-vote niyo na lang po! Every vote counts para sa grades so please help!
~WrecklessImprudence
BINABASA MO ANG
Destiny Meets Conflict
ActionNag-aaral sa Ediacara High si Nicolas Alfonso, ang binatang tago ang tunay na pagkatao. Sa katunayan, walang nakakaalam kung ano ang tunay niyang pagkatao. Kahit man siya ay naguguluhan. Ilang taon na lang ay gagraduate na ang batch nila Nicolas Alf...