Chapter Two

110 36 3
                                    

 "... Ma'am Kim?!" Pero paano nangyari yon? Simula pa noong elementary lagi na niya akong pinagdidiskitahan. Pag napupunta akong Principal's Office, kahit mali yung kaklase ko, ako na lang lagi yung pinapatawag yung mga magulang. May gusto ata sa akin to eh. Aba badtrip. Bakit? Porket chixx siya, kala niya papatulan ko siya? Di no. No way. Di ako magkakagusto dun kasi may iba na akong napupusuan. :))

"Ano na namang kaguluhan ang nangyari dito, Nicholas?!" As usual, palagi nalang ako para sakanya ang mali. "Wala naman po Ma'am. Nakita ko po ka..." Di pa ako nakakatapos magsalita ay biglang nagsalita yung babaeng kausap ni Von kanina. "Ma'am. Nangingielam po kasi si Nicholas sa usapan namin ni Von eh. Wala naman pong ginagawang masama si von sakanya"

Wow. Kilala pala niya ako!!! Pero bakit ganon ako pang naging masama sakanya, siya na nga yung tinulungan siya pang ganto? Pasalamat siya ah, pag di ko siya....... Ay nako! Bahala na. Basta ang alam ko kilala niya ako!!! At masaya na ako dun!

Lumipas ang maraming minuto, matapos ang mahabang usapan ay pinalabas din kami ni Sir Ernesto. At biglang papalapit sakin yung babae. Grabe! Di ko masabi kung ano nararamdaman ko habang papalapit siya ng papalapit sakin.

"Uh. Hi Nicholas! Ako nga pala si Allie, sorry nga pala kanina kung nagsinungaling ako ah. Alam mo naman si Von." Napangiti at napatitig nalang ako sakanya "Oy tulala ka na naman dyan!". Di ko napansin na kanina pa pala nakatayo si Miguel sa tabi ko. Hay nako! Panira talaga 'tong si Miguel, sabay binatukan pa ako. Napahiya na naman ako.

Biglang siyang natawa sa ginawa ni Miguel sakin. "So, see you around. I guess?" Sabay alis ni Allie. Pero itong si Miguel naman talaga hindi nagpa awat. Maloko talaga tong si Miguel nako.

"Miss! Gusto mo bang sumama sa amin ni Nick?" Di ko alam kung anong mararamdaman ko noon. Matutuwa ba ako ako mahihiya o ano sa ginawa ng bestfriend ko. Ano ba naman talaga!

"Ha? Oh sure!" Mukhang rivalry pa ata ang magaganap dito ah. Parang, uunahan pa ako ni Miguel sa babaeng aking napupusuan. Nako, wag naman sana! Di ko hahayaang pati si Miguel ay dumamoves kay Allie. #selfish

"Osige pala! Sooo, ano? Mamayang lunch kita tayong tatlo? Sabi ng bestfriend ko. "Sige ba. Basta sa caf ah? Sige pala. May klase pa ako. :)) Byyyeeee". Sabay takbo ni Allie papuntang classroom niya. Grabe, sobrang nakakamangha ang kanyang mga kilos at galaw. Habang nag-uusap sila, nakatayo lang ako at nakatulala.

Ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko. Kakaibang feeling ang naramdaman ko. Ginugulo ng babaeng yun yung isipan ko. Bigla ko na lang nasabi na, "Ganto pala yung feeling ng may...

~~~~~~~~~~~~~~

Hello po!

Sana po nagustuhan niyo ulit yung 2nd chapter. :)

Sobrang salamat sa suporta :)

EVERY VOTE COUNTS. :)

Sobrang malaki po yung tulong. :)

-WrecklessImprudence

Destiny Meets ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon