CHAPTER 3
"Ganto pala yung feeling ng may................ crush?". Bigla kong nasabi habang naglalakad kami ni Miguel papuntang classroom namin. "Ha? Ano?! May gusto ka rin sa kanya?" biglang tugon ni Miguel at parang sobrang gulat na gulat.
*Miguel's Point of view*
Grabe talaga. Bakit ganon? Sa lahat nalang ng magugustuhan ko, yung gusto pa ng bestfriend ko. Di ko naman masabi kay Nick na gusto ko yung babaeng yon kasi, malay ko bang gusto niya rin yon? Di ko talaga alam gagawin ko. Pipilitin ko nalang bang itago 'to hanggang sa mawala? Kesa naman mawala ang pagkakaibigan namin ni Nick na kasama ko na simula pa noong bata pa kami.
"Ha? Ano?! May gusto ka rin sa kanya?" bigla kong nasabi. Sobrang nagulat ako, hindi ko alam gagawin ko. "Oo ata? Siguro? Ewan! Di ko pa naman ganun kakilala yung babaeng yan kaya, hindi ko pa masasabi. Wait, RIN? Meron pa bang ibang nagkakagusto sa kanya maliban sa akin?" sinabi niya ito habang papaupo na sa kanyang silya. Ah ewan, bahala na, di ko na lang muna sasabihin. "Siguro, sa ganda niyang yon, sino bang hindi magkakagusto dun diba? Maraming nagkakagusto diyan, di lang natin alam, malay natin, nasa tabi-tabi lang". habang nagbabasa ng notes para sa preliminary exam sa Biology.
~Abalang-abala yung dalawa sa pagrereview ng kanilang notes para sa prelim sa biology, mahirap daw kasi yung test eh, may virus, bacteria, at classifications. Pero kahit na 2nd section lang sila, aba syempre, medyo GC naman sila. Habang nagrereview, papalapit ng papalapit ang Biology period, yan naaaaaa.
*10 minutes*
~Sobrang nagkukumahog ang dalawa sa pagrereview.
*5 minutes*
~HALA SIYA. Sige pa! Magbasa lang. FOCUS!
*Hanggang sa.....*
"Good Morning Sir Poblacion!" sabay-sabay na bati ng mga estudyante.
"Good Morning Class! Take your seats" pabalik na sagot ng guro. "Get 1 whole sheet of intermediate paper, twice ko lang po babasahin ang mga tanong".
~Biglang napatahimik si Nicolas, dahan-dahan itong nagdasal ng mataimtim, humingi ng gabay ng Diyos sa pagsagot ng kaniyang test.
*Nicolas' point of view*
"Dear Lord, thank you for the continuous support that you gave me. Please continue to guide and support me as I answer this preliminary exam. I know that I studied hard, so let me do my best, Amen.".
~pagkabigay ng test questionaires~
Aba putek, ang hirap neto! Alam niyo ba yung feeling na, nagreview ka ng sobra sobra. AS IN SOBRA. Tas wala sa test yung mag nireview mo? Nako talaga. "Psssssst Miguel!" pabulong kong sinabi kay Miguel. "Oh bakit?" sabi niya habang sinusulat ang pangalan sa papel niya. "Meron kang alam dito?" sabi ko ng medyo may kaba, wala kasi talagang lumabas sa mga nireview ko eh. </3. "Medyo, kaya yan sus!" patawa niyang sinabi. Hay nako naman, tiwala lang, mataas makukuha ko dito, kahit na sobrang walang lumabas sa mga nireview ko, medyo nakinig naman ako kaya okay lang! Basta bahala na talaga!
~Isang oras ang kanilang period na Biology, para kay Nicolas, sobrang bagal nito, kasi, yung iba, di niya masagutan kaya napapatingin na lang siya sa labas ng kanilang classroom. Eh, may natitira pang 15 minuto, naaatat ng maglunch si Nicolas kasi alam niyang makikita niya yung babaeng kaniyang napupusuan. Sa di inaasahang pagkakataon, NAPA-AGA yung pagtatagpo nila. Nagtapo sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata~
"N's POV"
Habang nakatingin ako sa labas, bigla akong napatingin sa isang babaeng nakaupo sa may bench. Mag-isa lang siya. Hindi naman siya siguro loner, baka naman, sadyang nag-iisa lang siya kasi nag-iisip siya ng mga bagay-bagay, napatingala siya sa mga ulap, ang ganda niya sobra, ng tignan ko pang mabuti, SI ALLIE PALA IYON.
Yung mga mata niya, nagniningning, yung buhok niya, ang perfect sobra. Kahit na magulo, mukhang maayos pa din! Parang lagi siyang nakalip tint kasi, mapula-pula yung kanyang labi, tapos ang talino pa niya, kasi nasa 1st section siya at kasama sa top 5 ng klase nila. Ngayon lang ako nagkaganto, naiimagine ko na ang future namin. HAHAHA. Joke lang, FUTURE AGAD? Di pa nga kami close eh, MAHAL NA AGAD? Crush lang muna no. :P
~~~~~~~~~~~~~~~
HELLO PO!
Eto na yung 3rd chapter :)))))
Magiging successful kaya ang lunch nilang tatlo?
Abangan! :D
~~~
EVERY VOTE COUNTS!
Share, Read and Vote! :)
-WrecklessImprudence
BINABASA MO ANG
Destiny Meets Conflict
AksiNag-aaral sa Ediacara High si Nicolas Alfonso, ang binatang tago ang tunay na pagkatao. Sa katunayan, walang nakakaalam kung ano ang tunay niyang pagkatao. Kahit man siya ay naguguluhan. Ilang taon na lang ay gagraduate na ang batch nila Nicolas Alf...