Sa bahay nila, tumalon si Selena sa malaki't malambot na higaan nila. Pinikit ang mata niya sa sobrang antok. Dahil gabi na, madilim na ang bahay, maliban sa kwarto nila kaya kaunting natatakot na siya.
"Hmm???" Nagtaka siya nang may maramdaman siyang presensya sa loob ng kwarto nila. Palapit ng palapit sa kanya ang presensya. Naramdaman niya ang init sa leeg, pisngi, braso at tainga. Minulat niya ang kanyang mga mata ng paunti-unti hanggang sa makakita ng ilaw, na nagmula sa study desk nila.
Umikot si Selena, na ang mga mata ay nakamulat ng kaunti. Nakita niya si Martin na nakasando lang at nakayakap sa kanya, subalit hindi malinaw ang nakikita niya. Dahil dito, linapit niya ang mukha niya sa mukha ni Martin at ngumiti.
"Hello, Selena. Mukhang nahihirapan ka na sa pag-aaral. Nakita ko nanaman ang mga gamit mo na nakakalat sa desk natin, kaya napagisip-isapan ko na..." Napatigil si Martin sa pagsasalita nang yakapin siya ni Selena.
"Papa Martin, bakit ba hindi tayo nagkakasundo? Ginagawa ko naman lahat ha." Sinabi ni Selena ng walang malay.
"Papa? Naku, naku, naku. Siguro nahuhulog na siya sa kisig ko." Pinagmayabang niya.
"Sorry... Di na mauulit." Nagsorry si Martin kay Selena, kahit tulog na ang asawa niya.
Kinabukasan...
"Selena, aalis nga pala tayo ngayon. Pupunta tayo kay Mommy. Alam mo na bibisitahin kasi daw namimiss na daw niya ako eh." Sinabi ni Martin.
"Ikaw na lang. Ikaw lang naman ang namimiss niya eh." Sinagot ni Selena.
"Joke lang. Syempre pati ikaw. Asawa kita eh." Lambing ni Martin. Yinakap niya mula sa likod si Selena.
Napatigil si Selena sa biglang ginawa ni Martin sa kanya. Pinakawalan niya ang sarili niya mula kay Martin at sinabi "Martin, please itigil mo na 'yan."
Nagtaka si Martin sa mga sinabi ni Selena.
"Kung naaalala mo pa yun, please kalimutan mo na." Sinabi ni Martin.
"Magbibihis na 'ko." Binago niya ang usapan at nagbihis na.
Nag-drive na si Martin at nang makalipas ang dalawang oras, nakarating na sila sa bahay ng kanyang nanay.
"Martin, my son. So, kamusta naman kayong mag-asawa?" Tinanong ng nanay ni Martin.
"Fine. We're fine. Right, Selena?" Tinanong ni Martin nang halikan niya ito sa pisngi. Nag-blush naman ang mga pisngi at tainga ni Selena.
"Opo." Sagot naman ni Selena.
"I want you to join me in lunch. Ako na ang magluluto. You know, these past few days, I'm starting to learn about pagluluto ng iba't ibang putahe, like... too many to mention." Napa-isip ang nanay ni Martin.
Habang nagluluto ang nanay ni Martin, naglakad-lakad muna sina Martin at Selena.
"Alam mo, Martin. Di ko inaakalang magiging mag-asawa tayo. Naalala ko pa nga nung Grade 3 pa tayo. Pinag-aral ako ng mommy mo. Isa ako sa mga matatalinong mag-aaral sa klaseng 'yun. Pero nung naging crush kita, bumaba lahat. Nakikihalu-bilo lang ako sayo nun para maging close tayo." Sinabi ni Selena.
"Hindi mo naman kasi kailangan yun gawin sakin." Sagot ni Martin.
"Nakaupo lang ako nung time na yun. Inayos ko lang yung upuan mo kasi nasa harapan kita. Pero bigla mo akong tinulak. Kinuha mo yung bag kong nakasabit sa upuan mo. Tapos tinapon mo sa basurahan." Umiiyak si Selena.
"Sorry, di na mauulit." Sinabi ni Martin.
"Hindi mo 'ko naiintindihan! Yung bag na yun, pinaghirapan yun nina Mama't Papa. Nung mga panahong 'yun, sobrang konti na lang ng pera namin. Isang beses kami kumakain. Dinagdag pa sa gastusin yung mga bayarin sa school, yung upa sa bahay tsaka yung pangangailangan pa namin sa pangaraw-araw. Yung bag na yon ang regalo sakin nung birthday ko. Yun ang kaisa-isang regalong binigay nila sakin." Unti-unting nainikip ang dibdib ni Selena sa sobrang depresyon.
"Sorry... Hindi ko alam." Ang mga salitang lumabas lang sa bunganga ni Martin.
"Wala na. Tapos na yun eh." Pinunasan niya ang mga luha niya at yinakap siya ni Martin.
"Ugh... MARTIN!!! May bisita pala tayo. Si Isabelle Delos Reyes! Yung anak nung business partner ko." Sinabi ng nanay ni Martin.
"Selena, magtago ka muna. Baka malaman niya na mag-asawa tayo." Sinabi ni Martin.
"TITA! MWAH! MWAH! SI MARTIN?" Nakipagbeso-beso si Isabelle.
"OMG! MARTIN!" Sinabi ni Isabelle ng yakapin niya si Martin, na para bang asawa niya ito.
"Ano bang plano mo, Isabelle?" Tinanong ni Selena sa sarili niya.