Chapter 03: Ang Nawasak na Pagkakaibigan

24 0 0
                                    

Nakita ni Selena ang lahat ng kabalbalang ginagawa ni Isabelle kay Martin. Yinayakap niya si Martin, hinahalikan sa pisngi at marami pang iba. 

"Siguro tuwang-tuwa 'tong Martin na 'to?!" Sinabi ni Selena ng galit na galit, subalit tahimik. Kaya, tumakbo si Selena sa lawang malapit lamang sa bahay ng nanay ni Martin.

Lumuhod siya sa harapan ng lawa at umiyak. Unti-unting nanlabo ang paningin niya. Pumatak ang mga luha niya sa tubig. Nawala ang repleksyon niya sa tubig.

"Nung Grade 6 ka, Martin, ako nanatili lang sa pagiging Grade 4 dahil sa kakulangan ng pera para ipagpatuloy ni Mama't Papa yung pag-aaral ko. Hindi ko alam kung bakit ganun din ang nangyari kay Isabelle. Pero kahit ganun, kahit matalik tayong magkaibigan, nakalimutan mo na lahat." Kwinento ni Selena sa lawa ang malulungkot na bahagi ng buhay niya.

-Flashback-

"Selena! Selena! Punta tayo sa classroom namin! Laro tayo dun!" Hinihila ng batang Martin si Selena. 

"Pero Martin, meron pa 'kong kailangang gawin. Baka ma-late ako sa club meeting namin." Hinihila naman ni Selena ang sarili niya mula kay Martin, upang makawala.

Dahil sa pagpupumiglas ni Selena mula kay Martin, bumagsak si Selena sa matigas at malamig na lupa. 

"Selena! Sorry!" Lumuha ang mga mata ni Martin. 

"Ang OA mo naman. A-A-ARAY!!!" Umiyak si Selena nang maramdaman niya ang sakit sa kanyang tuhod, likod at siko. 

Nakita rin ni Martin na unti-unting nagsusugat ang palad niya at nagdugo ito. 

"Sorry Selena! Di na mauulit." Umiyak pa lalo si Martin. Kaya, hinalikan niya ang tuhod, siko at palad ni Selena.

"Martin, umuwi ka na. Baka magalit nanaman yung Papa mo sakin." Sinabi ni Selena habang ngumingiti.

"Di ka na niya pagagalitan. Naghiwalay na kasi sina Mommy tsaka Daddy kahapon... Sige na pumunta ka na sa meeting ninyo." Sinabi niya.

-End of Flashback-

"Pagkatapos nun, pumunta ka sa isang prestihiyosong paaralan sa Singapore. Nang bumalik ka rito sa Pilipinas, nakalimutan mo na 'ko." Sinabi ni Selena sa lawa. 

Habang nagsasalaysay siya, may pusa siyang nakita. Mayroong makakapal na malagintong balahibo ang pusa. Mayroon ding kulay rosas na kwintas na nakakabit sa leeg na ito, at sa gitna nito, merong kulay lilang bato. 

"Siguro meron nang may-ari nito." Sinabi niya. Dahil dito, binuhat niya ang pusa at hinimas niya ang malambot nitong balahibo.  Pinunasan niya ang mga luha niya sa mata, at dumating naman si Martin.

"Kanina pa kita hinahanap. Umalis na si Isabelle. Buti nahanap mo 'yang pusang 'yan. Isa yan sa mga alaga ni Mommy. Habang hinihimas kasi yan ni Isabelle kanina, siguro napadiin ang paghaplos ni Isabelle kaya tumakbo yan." Sinabi ni Martin. 

"Oh~ Oh~ Oh~ So you two were here all along. At kasama mo pa si Mikey ha." Tinuro niya yung pusa.

"Do you want it? Do you want it to be your pet, Selena?" Tinanong niya.

"Okay lang naman po." Sinabi ni Selena.

"Fine,  fine."  Sinabi ng nanay. Tumalon-talon si Selena habang buhat-buhat si Mikey.

Habang nagdri-drive si Martin...

"Martin, napagisip-isip ko, mag-gardening kayo ako sa bahay." Sinabi ni Selena.

"Para saan?" Tinanong ni Martin.

"Syempre para may garden. Magulat ka kung maggagardening ako para magkaroon ng zoo." Sinabi ni Selena ng may sarcasm.

"Yes, I know, pero why so suddenly?" Tinanong ni Martin.

"Para may palaruan si Mikey. You know, flower gardening lang naman eh." Sinabi ni Selena.

"Ba't parang mas binibigyan mo pa ng pansin yung pusa kaysa sakin? Ako, asawa mo ng dalawang taon, tapos yan isang araw lang, i-spospoil mo?" Tinanong ni Martin.

"Kasi alam kong mas maiintindihan niya ako eh." Sagot ni Selena.

"Fine, fine. Bukas na bukas din, bibili ako ng flower pots at seeds." Sinabi ni Martin ng parang malungkot.

"Wag ka nang malungkot, Martin. Dalawang taon na naman tayong nagkasama eh. Dapat kasi kinaibigan mo ko agad." Sinabi ni Selena. Hinalikan niya ang pisngi ni Martin at ninose-to-nose niya si Mikey.

"I LOVE YOU MIKEY..." Sinabi ni Selena kay Mikey. Nagbuntong-hininga naman si Martin nang marinig niya si Selena.

"O SIGE NA NGA... AND MARTIN." Sinabi ni Selena.

I'm Married To My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon