Chapter 5: Baseball Bat

183 8 8
                                    

after namin kumain, naglakad lakad muna kami at umuwi na rin. may dalang kotse si Kuya Gab kaya nahatid ako sa bahay.

pagdating ko sa bahay, umakyat agad ako sa kuwarto ko at nagcomputer. Naglog-in ako sa fb at naglaro muna ng tetris.

maya maya, tinawag ako ni yaya Sheena.

"B!" bulyaw nya.

"bakit po ya?" sagot ko.

"hanap ka po ni Ryla"

"bakit daw po?"

"hindi ko alam, andito siya sa baba. baba ka na lang dito."

"o sige po, bababa na!"

bumaba ako agad at nakita ko si Ryla sa sala.

"oh Ry, what brought you here?" pambungad ko.

"puwede ba ako matulog dito?"

"oo naman! pero why all of a sudden?" tengeneng yan..kanina pa ako napapaenglish..tsk.

"wala kasi akong kasama sa bahay"

"bakit? nasaan sina tita?"

"ayun, may emergency meeting daw sa HongKong!" with a frown face.haha

"ai wow, disoras ng gabi, kayo na ang may private plane" pagbibiro ko.

"che! parang kayo wala..lagi na lang ganyan ang commotion sa bahay." ayy..wawa man bff ko.

"eh yung mga katulong niyo?"

"ewan ko! ayoko sa kanila. ba't ba kasi umalis pa si yaya Mimi sa bahay, wala tuloy akong makausap na matino" tsk.

si yaya Mimi ay ang kinalakihang yaya ni Ry. umalis na 'to kasi yun nga, may katandaan na, kaya namalagi na lang ulit siya sa probinsiya nila.

"tara! akyat na tayo sa taas." pagyaya ko.

tinulungan ko siya magdala ng gamit niya, parang pinalayas 'tong si Ryla, ang daming dala.

"ba't andami mong dala? pinalayas ka ata eh!" pagbibiro ko.

"eh kasi 1 week ako dito..hehe..ok lang ba?"

"oo okay la--------------- WAIT! 1 week?" nagulat ako sa babaeng 'to.

"oo 1 week silang mawawala eh!"

"okay! eh di sana di ka na nagdala ng maraming gamit, may mga gamit ka nang iniwan dito noon in case of emergencies like this!" phew..talagang nawili ako sa english.

"ay oo nga pala. nakalimutan ko" sus Ryla, pinahirapan mo pa ako sa pag bitbit.

may sarili 'tong bed si Ryla sa kuwarto ko kasi madalas yan dito, kaya nagpalagay ako ng isa pang bed at nagopagawa na din ako ng cabinet for her, i so love her kasi eh..haha

"may chika nga pala ako sa'yo 'te"

"ano yun?" na eexcite niyang sagot.

"tapusin mo muna yang pagligpit mo ng gamit" utos ko.

"o sige ^_^" 

inayos na niya mga gamit niya at after tumabi siya sa akin sa bed.

" oh anong chika mo?" excited 'te? basta tsismis talaga, di papahuli 'tong si Ryla.

"sandali, tapusin ko lang 'tong talunin kalaban ko.hehe"

"yabang! taob ka naman dun kay............................B, sino na nga yung nakatalo sa'yo?" talagang inungkat.psh.

"si Z!" naiinis ang tono ko nung sinagot ko siya.

"ah oo! taob ka naman dun." oo na, si Z na ang magaling.psh..

"whatever, ayan natalo ko na siya!haha" 

"ano pa nga bang bago? oh, so ano na?" excited much si bessy.

"hmmm..ang sasabihin ko lang naman---------------------"

naputol sasabihin ko nang may kumatok sa pinto ko nang napakalakas, halos masira na ata pinto ko at pinipilit pa 'tong buksan.

*booogsh booogsh*

"B, baka magnanakaw yan!" agad nataranta 'tong si Ryla"

"pano nakapasok yan sa loob eh may sensor mga puwedeng daanan dito at naka activate na yun kasi nailock na ang buong bahay" paninigurado ko.

"m-malay mo, nagmasid yan dito at n-nagawan na ng paraan para makapasok siya dito" takot na pagsabi ni Ry.

"eh bakit di nagigising sina yaya Sheena?" pagtataka ko.

"baka himbing na sila sa pagkakatulog?"

"ba't ngayon pa? tsk."

tumayo ako at kumuha ng baseball bat, yes! tama nabasa niyo! baseball bat, panigurado ko talaga yan..si daddy bumili sa akin niyan..hehe

tumungo ako sa may pinto at akmang bubuksan yung pinto nang hinila ako ni Ryla.

"wait! tingnan muna natin kung nandiyan pa siya!" 

"san ka naman titingin?" pagtataka kong tanong.

"eh di dito sa baba!" sabi ko nga.

sinilip namin kung may tao sa labas, wala naman kaming nakita na paa, napasigaw kami nung may biglang paang sumulpot at kumatok ulit ng napakalakas yung taong kumakatok, kung sino man siya..>_<

"KYAHHHHHHHHHHHHHH!" sabay na pagsigaw namin ni Ry.

*booogsh booogsh*

"diyan ka lang sa likod ko , ok?" utos ko kay Ry.

"o-ok!" nanginginig na sagot ni Ryla.

hinawakan ko na yung doorknob at niready ko yung hawak kong baseball bat..........

pagbukas ko.........................................

"kyaahhhhhhhhhhhhh! eh?"

nakataas yung kamay ko habang hawak yung baseball bat at ready na mamalo pero......

"walang tao? HOY! KUNG SINO KA MAN. MAGPAKITA KA! DI AKO NATATAKOT SA'YO" halos rinig na siguro sa labas boses ko.

bigla na lang may tumalon sa harapan ko at napalo ko iyon ng hawak kong baseball bat.

"yan ang bagay sa'yo"

"B, sino yan?" pagtatakang tanong ni Ryla

tiningnan ko yung lalaki at nagulat ako nung nakita ko kung sino yung napalo ko.

"kuya Webster?" gulat kong tanong.

"si kuya Webster yan? patay!" 

"hala kuya, sorry" di nasagot.

patay! napalakas ata palo ko. di siya nagigising eh.

"kung andito si kuya Webster, ibig sabihin------" di pa tapos sasabihin ni Ry, dinugtungan ko na ito.

"andito si ate Ivy! ^_^" masigla kong sabi.

tumayo ako, tinatawag ako ni Ryla pero di ko pinansin, patuloy ako sa pagtakbo at pag ikot sa bahay, pero wala si ate Ivy. :(

"wala naman eh" dismayado ako.:(

bumalik na lang ako sa kuwarto, ayyyy,..si kuya Webs nga pala.

pagbalik ko, wala na sina Ryla at kuya Webster sa labas ng room ko, sinilip ko sa loob, wala rin.

bigla na lang ako nakarinig ng boses sa baba.

"ok ka na po ba?" 

boses ni Ry yun, agad akong bumaba and I was really shocked.........................

-------------------------------------------------------------

eto na yung pambawi kong chapter..hehe

habang sinusulat ko 'to..tawa ako ng tawa...hehe..

sana matuwa rin kayo.:)

vacation na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

VOTE AND COMMENT!

Game On!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon