Chapter 8: that girl!

154 6 5
                                    

[that girl POV]

nakita kong dumating si Beatriz Lloma. agad ko siyang nilapitan.

"ate, kapatid mo po ba si Ivy? ung dermatologist po?" napakunot ang noo niya

"ah oo, bakit mo naitanong?" pagtataka niyang sagot

"ahhhh, ehhh...ano po kasi.. ahmmm...wala po,sige po" at agad akong kumaripas ng takbo

nakita ko kasing pababa ang hay*p na Ivy na yun dun sa kotse.

oo,galit ako sa kanya. sa ginawa niya nun sa ate ko..

*flashback*

lumipad kami ng Canada ni mommy at ni ate dahil inirekomenda ng derma ni mommy si ate sa isang baguhang dermatologist. maganda daw kasi ang feedback ng mga tao sa kanya.

meron kasing sugat sugat na biglang lumabas sa mukha ni ate,pinacheck na ito ni mama sa derma niya pero di pa raw nito nagawang manggamot ng ganoong kalagayan. sinubukan din ni mama ang ibang dermatologist sa Pinas pero pare pareho ang sagot nila. kaya sinunod na namin ang rekomendasyon ng derma ni mama

agad kaming dumiretso sa clinic ni Dr.Ivy Lloma. maraming pasyente ang nakapila sa clinic niya, at tinanong ni mommy yung isang pasyente na nakapila dun.

"ahmm,excuse me miss.. is this your first time to consult Dr.Ivy?"

"oh no,it's my fifth time here.,this new doctor in the house is a genius" sagot nung babae

biglang sumigla ang mukha ni mommy

"oh really? maybe it's my daughter's lucky day, we found the answer" OA si mother.hihi

"why? what happened to your daughter?"

tinuro ni mommy si ate na katabi ko.

"oh,that's a disaster,.i think,you really found the answer"

tapos sunod na tinawag nung nasa information desk yung kausap ni mommy.

"ma, sa tingin mo,mapapagaling niya si ate?" tanong ko

"sa tingin ko, oo. kita mo naman yung kausap ko,limang beses nang bumalik sa clinic na 'to."

"sana nga ma,siya na makapagpagaling kay ate"

sunod nang tinawag nung nasa information desk ang pangalan ni ate

*sa loob*

"according to your daughter's profile,she had this condition when she accidentally scratched the pimple on her face" nosebleed ako pare.

"it may sound a little bit impossible but yes it's true"

"ahhm, ms.nina..did you wash your face after you accidentally scratched your pimple?"

"ahhmm,opo,.i mean .yeah." pag aalangang sagot ni ate

"mga pilipino naman pala kayo,hay naku," :O

nagulat kaming lahat ng magtagalog siya!

"pilipino ka rin pala doc,pinadugo mo pa ilong namin" sabi ni mommy

"hehe, ahhm,as i was saying . naimpeksyon ang nascratch mong pimple,lumala ng ganyan kasi nag apply ka ng chemical sa mukha mo"

"ganun ho ba doc?ano po ang dapat gawin ng anak ko?"

nagsulat siya ng irereseta kay ate at inabot niya ito kay mommy.

"eto ho,misis.. painumin niyo ho yan sa kanya"

"sige ho,salamat"

"bumalik po kayo dito after two days at tingnan natin kung may improvements"

Game On!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon