Chapter 3 The Princess and the FROG

4.5K 106 26
                                    

Chapter 3 The Princess and the FROG

“Pasalamat ka hindi naapektuhan ang career ko sa nangyari..kung natanggal ako sa bagong teleserye namin ni Kath lagot ka talaga sakin!” bungad ni DJ pagbukas ni Julia ng gate. Umalis si Bebe para mamili ng stock nila pati na rin mga damit ni Julia dahil hindi ito pwedeng magpakita muna.

Kagagaling ni DJ at Mama nya sa presscon at kinagat naman ng publiko ang pagdedeny nila na si DJ yung tumangay sa kinakasal na foreigner noong isang araw.  Hindi rin nila alam kung bakit naniwala kaagad ang media pero ang importante hindi naapektuhan ang trabaho nya.

“Ah ganun ba…” sabi lang ni Julia. Gusto nya sanang sumagot kaso kasama ni DJ ang Mama nya at baka pagtulungan sya pag sinagot sagot nya ang anak nito. Mukha kasing masungit ang mama ni DJ pero sabi naman ni Bebe napakabait daw nito at cool kasama.

“Kumusta ka iha? Nakausap mo na ba ulit ang pamilya mo?” tanong ni Karla kay Julia habang papasok sila sa bahay ni Bebe.

Nagkwentuhan ang dalawang babae habang si DJ naman naisipang maglaro na lang ng PS3. Sinabi ni Karla na napagkasunduang dito muna sa bahay ni Bebe magsstay si DJ dahil mas malapit ang school nito at ang set ng teleserye na ginagawa ni DJ ngayon. Makakatulong rin na Makita nang media na hindi lang nagkataon na bigla nang lang bumisita si DJ sa tita Bebe nya. Kailangan ipakita nila na nakaplano naman talaga na magstay si DJ sa bahay na toh bago pamagkaroon ng issue na may tinangay itong bride.

Sinubukan ni Julia na magpakabait hanggang sa makuha nya ang loob ni Karla. Nahalata ito ni DJ pero hindi nya mabanatan ng pintas si Julia dahil kaharap ang nanay nya. Naiisip tuloy ni DJ na mukhang may pagkamaldita talaga ang babaeng naiuwi nya.

“Oh pano, mauna na ko ha. Nice meeting you Julia, at sana maayos na yung issue mo sa nananakot sa pamilya mo. Don’t worry kahit na maging ok na at babalik ka na sa family mo next week, bukas pa rin ang bahay ng mga padilla for you.” Napataas ang kilay ni DJ sabay tingin sa gilid nang halikan pa sa noo ni Karla si Julia.

‘Ganun lang nakuha na kagad loob ni Mama…’ naisip nya.

“Nak, call me na lang pag may problema ha. Bye.” Paalam ni Karla kay DJ.

“Bye ma.” Sagot lang ni DJ na hindi pa rin humaharap sa kanila. Tuloy lang sya sa paglalaro ng PS3.

Si Julia na ang naghatid kay Karla sa gate at pagbalik na pagbalik ni Julia, binitawan ni DJ ang nilalaro nya.

“Ikaw ah, alam ko nagpapakabait ka lang kila Mama at Tita pero pag sakin alam ko masama ugali mo.” Sinita kaagad ni DJ si Julia.

Tumingin sa paligid si Julia sabay sara sa pinto habang umiirap irap pa.

“Eh kasi sila mabait sakin…ikaw hinde!” sagot naman nito at dumerecho sa kitchen para kumuha ng tubig.

“Wag mo kong tatalikuran pag kinakausap kita ah…napakaastig mo ikaw nga itong malaki ang utang na loob samin.” Habol ni DJ papuntang kitchen.

“Excuse me. Nagpapasalamat ako na dinala mo ko dito pero kung tutuusin obligasyon mo yun bilang sinira mo nga yung kasal ko. Ngayon, gusto kong ipaalam sayo na kinausap ko yung dadie ko na kausapin yung contacts nya na tulungan kayo para hindi maungkat yung issue tungkol sa kasal ko. Kaya wag kang magmalaki sakin, kasi you owe it all to me.” Nagcrossed arms si Julia pagkababa ng hawak nyang pitsel ng malamig na tubig.

“Talaga?” biglang bumaba ang tono ni DJ at nagtanong na parang nagdududa pa.

“Yes. Kaya wag kang magmalaki sakin, hambog na lalake!” Julia confirmed with a bit of insult.

Princess and I - JulNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon