Chapter 8 Nakakainlove Daw

4.2K 107 28
                                    

Chapter 8 Nakakainlove Daw

“HISTORY?!!” hindi pa rin makapaniwala si Julia sa parusa ng teacher nila. Science ang exam kung saan nabuking na may ginawa syang kalokohan para magmukhang cheater si DJ, bakit history ang ieexam nila?!

“Eh anong gagawin natin sis, si Mam Alipio ang magpaparusa..take it or leave it… pass it or be expelled.” Alangang ngiti ni Zharm. Nagui-guilty din sya dahil kung hindi naman nya sinumbong si Julia hindi naman mahaharap sa ganitong sitwasyon ito.

“Sinadya na talaga yun! Alam naman nilang wala akong kaalam-alam sa history… sa Germany ako pinanganak may mga salita pa nga na hindi ko maintindihan sa Filipino..anong alam ko sa history ng Pilipinas?” napasimangot si Julia sabay upo sa bench ng school. Umagang umaga sira ang araw nya.

Ilang months pa lang sya sa Pilipinas at may mga malalalim na salita pa nga na hindi nya maintindihan. Kinailangan pa nyang kumuha ng Filipino tutor para matutunan ng maayos ang language tapos history ang ieexam nya. Wala talaga syang kaalam alam. Kahit nga nasa Pilipinas na sya ni hindi sya nakikinig or nanonood ng mga palabas na Filipino. Lagi nyang ka-chat mga kaibigan nya sa Germany at lagi syang babad sa internet pero mga german or western teleserye at gag show ang pinapanood nya dahil dun lang nya nababawasan ang pagkamiss sa bansang kinalakihan nya….dun lang din nya nararamdaman na parang kasama lang nya ang namatay nyang boyfriend na si Daniel Prairrie.

“Ibig sabihin kailangan na yata akong tumira sa library bez anong gagawin ko?! Tapos kasama ko pa yung walang kwenta mong ex! Pag nga naman minamalas ka oo..” nakapamewang na sabi ni Julia sabay hampas ng isang kamay nya sa noo.

Napangiti lang si Zharm. Kung umasta kasi Julia pag naiinis nagiging boyish pero pag normal naman ang mood nya parang prinsesa at pinung-pino kumilos. Ang nakakatawa pa, mukhang ayaw nya talaga kay DJ…bihira na lang sa mga kabataan na ka-age nila ang ganito ang reaction towards him…halos lahat na yata naggwapuhan sa ex nya..kaya lalo syang nasasaktan at nanghihinayang twing makikita nya.

“And speaking of the devil….ayan na sya…..” napanguso si Zharm sa gawing likod ni Julia. Paglingon ni Julia, naglalakad si DJ at Kath palapit sa kanila.

Humarap si Julia kay ZHarm at mataray na nagtaas ng kilay na parang sinasabing may-kasamang-bantay. Sabay pa silang nagkatawanan at nag high five.

~~~
“Di ko naman alam kay Mam bakit history pa?! Sabagay mahihirapan si Julia talaga don kasi walang alam sa Pilipinas yun…” reklamo din ni DJ kay Kath pagkatapos silang kausapin ng professor nila.

“Pano mo naman nasiguro na wala ngang alam sa Pilipinas yun?” nagtatakang tanong ni Kath..bakit kung magsalita si DJ parang matagal na nyang kilala si Julia?

“Ha? H-hindi..ano, hula ko lang since birth kasi sa Germany na lumaki si Julia… tapos dito hindi rin nanonood ng news…puro mga German stuffs…ewan ko ba jan, nasa Pilipinas na ayaw pang bitawan yung Germany nya.” Pagsisinungaling ni DJ.

“Alam mo dapat kasi di ka pumayag na madamay sa kagagahan nyang babae na yan..dapat ya lang pinarusahan.” Giit ni kath.

“Mainit ulo ni Mam baka lalo lang ako mapasama. Tska ok lang yun makikipagbati ako kay Julia para walang gulo…kasi naman baka maapektuhan career ko kung magmamatigas din ako at makikipag-away sa kanya.” Katwiran namn ni DJ sa kasama.

“Osige..goodluck na lang sa isang linggo mo kasama yung evil witch na yun…..and speaking…” tinuro ni Kath sina Julia at ZHarm na magkausap.

Biglang kinabahan si DJ nang Makita si Zharm. Ganun pa rin ang epekto sa kanya…parang high school na may crush..pero hindi nya dapat ito ipakita kay Kath dahil pinamalita na nya sa buong Pilipina na “special” si kath sa puso nya. Lahat ang ineexpect si kath ang gusto nya at matagal nang wala ang ex nya.

Princess and I - JulNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon