Since that day, araw araw ko na atang binabanggit sa mga kaibigan ko si Mr. Salamin. Pero since hindi naman ma-appeal siya, minsan nagmumukhang biruan lang ang asaran. I never thought ung pagkagusto ko sa kanya ay magdudulot ng konting kasiyahan sa grupo namin. To think na hindi naman talaga naming siya kilala, Masaya na din kasi kahit papaano tumatak na ako sa isip niya.
Dumaan ang mga ilang araw, nagtuloy tuloy lang kami sa mga asaran namin at biruan. Hanggang pati ako nadadala na rin sa sariling trip. Kung minsan, binabati ko siya sa corridor.
Weird and creepy siguro pero gusto ko kasi.
Aaminin ko. Paminsan minsan nawawala ang spark. Pero since nagiging exciting na ito para sa kin pati ako kung ano anong trip na din ang napasok sa isip ko.
Crush kasi. Crush ko siya. Gusto. Hindi mahal. In short, natutuwa at the same time kinikilig. Sabi nga ng kaibigan ko, paano mo mamahalin ang isang tao kung hindi mo naman talaga siya kilala? Kaya naisip ko, crush ko lang siya. Gusto ko lang talaga siya. Masaya na ako na nakikita ko siya sa corridor. Masaya na ako na mabati siya kahit alam kong ang awkward na siya lang ang binabati ko at dedma lang sa kasama niya.
Medyo nalilito din kasi ako. Ako daw kasi ung taong gagawin ang gusto no matter what pero pag umayaw na titigil agad kahit unreasonable. I don’t want to experience that to this guy. I don’t want to be serious. But I just can’t stop myself to know him more. Siguro nga, I named it as something like “trip lang” pero I know na deep inside every move na ginagawa ko eh may nararamdaman akong saya.
Another worse thing I ever done just to have another encounter with Mr. Salamin was we even talked to our professor just to say hi.
Medyo madami na din kasing nangyare. We finally knew his name. Ung friend ko kasi friend din siya sa FB. Medyo matagal na. Magkaklase nga kasi kami last sememster at super bilis mag-add itong friend ko sa Fb. Kahit hindi close basta nagging classmate ka niya i-aadd ka niya.
His name is Rence Guevarra.
Dahil alam na sa pangalan madali na mag-hi sa class. Kaso mo, nakakahiya.
Yung totoo niyan. Hindi naman talaga ako ganyang babae. Pag seryoso, mas malaki ang chance na maging mahiyain ako. No moves at all. Most probably, hindi kita kakausapin kasi seryoso na nga ako. Nahihiya na ako. Speechless dahil sa endless beating ng heart. Pero dahil nga crush ko lang si Rence. Eto. Go go lang sa “trip” ko.
Hindi ko alam exactly ang nangyare sa loob ng classroom. Kung papaano nga ba sinabi ni mam ung “hi” thing basta all I know is that I made a mistake. Sabi nga ng kaibigan ko, parang bigla na lang akong gumawa ng isang malaking declaration sa buong klase niya. Nakakahiya. Pero hindi ako masyadong kinabahan. Why? Kasi nga I’m not serious. I like him but not that serious. Too good to be true naman kung biglang love na agad to dib a? Let’s face it. Sa reality hindi naman talaga yan one click e fall in love agad.
Medyo awkward na ung sumunod na days. Dumadating sa panahon na hindi ko siya binabati. Well, hindi naman un kawalan sa kanya. Ako naman kasi talaga ung may gusto sa kanya. At siguro me konting kantsayawan na din sa mga kaklase niya. Kasalanan ko to e. Pati ang normal niyang buhay nagugulo dahil sa mga kalokohan ko.
Dumating pa sa panahon na hindi na talaga kami nagpapansinan. Dati pa nga, kinukulbit ko pa siya sa hagdan then “hi” tapos mag rerespond pa. Pero ngayon. Wala na. Nagkakahiyaan na. Nagiging awkward na.
Siguro sabihin niyo ang baliw ko. Eh kasi naman. Natutuwa pa talaga ako kasi nagiging awkward na.
Sa pagkakaalam ko kasi, nakakatulong yang awkwardness na yan. Sabi nila, kaya daw nararamdaman naten un kasi apektado tayo. Kung single ka, malaki ung chance na me namumuo feelings dyan. It’s either naiirita ka or kung hindi, malamang-lamang eh madevelop ka na nga niyan.