"Kuya Rence, nagkita kayo ni Kuya Raphael kagabi, di ba?" Tanong ni Rachelle sa kanyang kuya pagpasok nito sa kusina
Napabugtong-hininga si Rence at ibinaba ang basong kanyang pinag-inoman "Who told you?"
"Si ate Grace. Sabihin mo kuya, inalok mo ba ulit sya na tumira na lang kasama natin?"
"No" maikling sagot ni Rence
"Kuya! Bakit hindi mo sya pinilit! Alam mo---"
"Rachelle!" Sigaw niya kaya natahimik ng kanyang kapatid
Hindi ugali ni Rence na sinisigawan ang kanyang nag-iisang batang kapatid pero sensitive na topic ang tungkol kay Raphael
"Rachelle, pareho nating alam kung gaano katigas ang ulo ni Raphael"
"Pero..."
"Walang pero, Rachelle. Kung ikaw ay hindi sya napilit, ako pa kaya? Just accept it, Rachelle. Hindi na sya ang dati mong kuya" pinal na sabi ni Rence bago talikuran ang kapatid at lumabas ng bahay
-----
"Gi-gi (pronounced as ji-ji), bakit mo sinabi kay Rachelle ang tungkol sa pagkikita namin ni Raphael kagabi? Alam mo namang masasaktan lang sya" medyo inis na sabi ni Rence sa kanyang girlfriend habang nakaupo sa driver seat ng kanyang nakaparadang kotse
Naiinis sya, pero hindi kay Grace na alam nyang nag-aalala lang sa relasyon nilang magkakapatid, hindi kay Rachelle na ayaw tanggaping wala na talaga ang dati nyang maalaga at mapagmahal na kuya. Rachelle just don't want to give up on Raphael
Ang ikinaiinis nya ay ang patuloy na pagbabalewala ni Raphael sa lahat ng taong may pakialam sa kanya
"Ren-ren, He had been through a lot"
"I know, but it has been 3 years. He should have at least moved on from his rebellious phase already! Buti sana kung sya lang ang naapektuhan ng kagaguhan nya" inis pa ring sabi ni Rence
Napangiti na lang ng malungkot si Grace
"Well, we all know how self-pityingly stuborn he is"
Natahimik si Rence
Of course he know and so does Grace.
Childhood bestfriends silang tatlo. Mas nauna silang nagkakilala ni Grace bago nya nakilala si Raphael na step-brother pala nya. Mula noon ay palagi na silang magkakasa nina Grace, Raphael at Rachelle. Magbe-bestfriend sila at nangakong magiging best ate at kuya sa sanggol nuong si Rachelle.
"I know how it feels to leave those who are important to you... the guilt and the desire to go back... it must be what Tap-Tap feels ... and maybe... just maybe, Rap-Rap is being like this to catch her attention and force her to go back" malungkot na bulong ni Grace habang nakatitig sa bintana
Napayuko si Rence
Part of him feel guilty na isa sya sa mga rason kung bakit nasaktan si Grace.
Nasa junior high sila nun nang parehong nagtapat si Rence at Raphael na may gusto sila kay Grace. Natural ay nag-kainitan ang dalawa, kahit na nilinaw ni Raphael na hindi naman nya sobrang gusto si Grace. Mas ikinagalit lang ito ni Rence. Hanggang sa nabuo ang 'Laro' sa pagitan ni Rence at Raphael. Isang paligsahan kung sino ang mananalo sa panliligaw kay Grace.
Dahil sa paligsahang naisip ni Rence ay nasira ang pagkakaibingan nila hanggang sa nagdesisyon ni Grace na sumama sa papa nito at manirahan sa abroad.
"I know how hard it is to leave... I understand... but even if I do, I still can't help but blame Tap-Tap" napaangat ang ulo ni Rence at lumingon sa naiiyak na si Grace
BINABASA MO ANG
When She's Gone
Romance♧♣ Book 2 of Abnormal Sya, Manhid ka ♣♧ She is the SUN... I am the MOON... With her light, I was able to shine Because of her, the dull grayish world was illuminated and became wonderful... We are so different from each other. We are never meant to...