Prologue
What now? Wala bang pweding gawin bakit kasi ang aga ko.
"F-for you arch." Lunch box na may lamang mga pagkain. Napataas ang kilay ko sa babaeng kaharap ko here we go. Nilagpasan ko nalang sya. Wala akong panahon para sakanya. I hate this day.
"W-wait!" Naman oh. Bakit ba hindi ma intindihan ng babaeng to na wala akong pake-alam sakanya.
"What?" Bored na bored na tanong ko sakanya. Napanganga sya at natulala. See? Ano na! Bakit ba kinakausap ko pa sya. Nilagpasan ko ulit sya at tinawagan nalang si mark. Isa sa mga kaibigan ko
"Hello." Walang hiyang to mukhang kagigising lang nya.
"Faster." bwisit na to na una pako sakanya.
"Yes boss." Narining kong tumawa sya hay kung baliin ko kaya ang leeg nito. Bago ko pa sya mamura binabaan ko na lang. Wala namang mangyayare. Sasayangin ko lang laway ko sa pagsasalita. Ang mabuti pa pupunta na muna ako sa canteen tutal masyado akong maagang pumasok.
Pagbukas ko palang sa pinto ay may bumangga na sakin. Yung totoo? Bakit ang malas ko.
"Sorry sorry sorry. "May kasama pang pag yuko.
"Tsk!" Napatingin ako sa kasama nya ng nag tsk ito. Napataas ang kilay ko ng Hindi man sya tumingin sakin at nakatutok ang mga mata nya sa babaeng bumangga sakin.
"That's enough." Pinigilan nya ang pagyuko ng kasama nya at tumingin sakin ng blangko.
"Excuse us."Tinaasan pa ako ng kilay bago ako nilagpasan at hinila ang kasama nyang nakabanga sakin.
Umigting ang panga ko sa ginawa nya. What was that? She ignore me? That moment she got my attention.