Chapter Two.

10 0 0
                                    

Nagmahal ako ng sobra. Inakala ko na mahal mo din ako. Yun ang dapat alamin kapag nagmamahal ka hindi ka dapat magmahal ng sobra.

------------------------------

So ito na ang katuluyan.

Nagkachat tayo ng mga dalawang buwan.

Nalaman mo na crush kita. Noong january. Hindi nila alam na mahal na kita.

Grade 9 ka at Grade 10 ako. Ang saya. Long distance relationship. Hahaha.

Pero may isang contest tayong magschoolmates. Isang paligsahan na dapat may manalo sa ating mga schoolmates. So ayun pagkatapos ang paligsahan. Nagkita tayo.

"Picture tayo!" - ang saya ko kasi nakita kita noong araw na yun. Masaya ako kasi nagkaroon tayo ng picture noon hahaha. Masaya lang ako.

Pero pagkatapos nun wala na. Hanggang chat nanaman tayo.

Ngunit noon dumating ang huling linggo ng enero. Nagtanong ka bigla.

"Tayo na ba? Oo o hindi?" - sabi mo.

Ako naman ----> @_@

Sabi ko "More than Best friend but not lovers."

Nabigla ako ng sinabi mong "BUSTED".

Hindi ko alam kung bakit ang bilis mong sumuko. Napag isip isip ko na mahal talaga kita at ayaw kitang mawala. Minahal kita noong una tayong nagkakilala at ayaw ko ng mawala ka.

Dumaan ang mga araw hindi ka nagparamdam sa akin.

Ngunit dumating ang araw na pinakahinihintay ko.

FEBRUARY 4 2017.

Naka online ka. Chinat kita. Sabi ko mahal kita. More than best friends but not lovers pero may something. Sinabi ko sayo na magtanong ka ulit.

"Can u be my gf?" Ang sabi mo

At sinabi kong. "Yes"

Ang saya ko nung sinagot kita kung alam mo lang sana ang feeling ng isang babae na sobrang saya kasi ang pinakamamahal nya ay hawak nya naa.

Dumating ang February 17 2017.

Prom Night natin. Memories to Last ang title ng gabi.

Ang akala ko first dance kita pero di ka dumating. Naka tatlong sayaw na ako nung dumating ka.

"Sorry ngayon lang ako. Hindi kita mahanap ehh." Sabi mo

"Okay lang." Sabi ko

"Ako na lang last dance mo" sabi mo

"Sige sabi mo yan ahh." Ako.

"Oo" sabi mo.

Doon natapos kasi bigla na lang huminto ang kanta. Sabi ko sana tuparin mo.

Nakakailang sayaw na ako di ka pa rin dumadating. Hinihintay kita pero ang tagal mo. Tapos na ang program pero wala ka pa rin. Umiiyak na ako noon. Pero ayaw tumulo kasi ayaw kong masira make up ko. Sabi ko sa sarili ko puntahan ko na kaya kita. Pero hindi kita mahagilap. Kaya naghintay pa ako.

Hanggang sa dumating ka.

Sumayaw tayo ng sweet dance na akala ko di na matutuloy. Ngunit biglang lumapit mga kaibigan mo kasi biglang naging wild ang kanta. Nahihiya ako noon.

"Wala pa tayong picture. Tara picture tayo. Saan ei?" Sabi ko.

"Oo nga. Sigee. Doon oh. Tara?" Sabi mo.

Hinila mo ako. Hawak mo ang kamay ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sana hindi mo na ako bitawan pa.

Nagkaroon tayo ng pictures. Ang saya ko lang kasi nakasama na naman kita. Sinabi ko sa sarili ko mamahal kita kahit na di mo pinapadama sa akin ang pagmamahal mo.

----------------------------------

Oo kami na nung time na un. Masaya ako. Pero sana hindi na ako maging malungkot ulit. Pero nagkamali ako.

Last chapter ko na po ang susunod.

To be continued....

Hindi ka nya mahal. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon