Last ko na itong chapter. Sana magustuhan nyo.
Continued...
Nakalipas ang mga araw na lagi tayong nag cha chat.
At dumating ung araw na may binigay ako sa kaklase mo na tinuring kong ading. Si Samantha. Mabait sya. Kaklase mong hindi naman masyadong pabebe. Pero mahal ko.
Pero ikaw ang lumapit. Nag usap tayo at dahil nakasandal ka sa akin nalaman ng kapatid ko ang tungkol sa atin. Ang saya ko kasi alam na ng kapatid ko. Sana hindi mo ako binitawan. Hays.
Pero pagkatapos ng araw na yun. Kapag magkachat tayo. Parang wala ng relasyon na nagaganap. Kasi nasasaktan na ako. Magcha chat ka sa akin akala ko seryoso. Pero may kasamang joke. Ang hirap sa mga joker kapag nagiging seryoso di mo alam kung seryoso nga ba sya. Hays.
Nag away tayo. Away dito. Away doon. Bati dito. Bati doon. Pero away ulit. Pagod na akong umunawa.
Dumating ung araw ngayon.
March 2 2017.
---------Present---------
Tinanung kita kung may problema ba sabi mo meron.
"Ano un?" Sabi ko.
"Hindi na ako masaya. I'm sad. I'm not comfortable. Sorry." sabi mo
Nasaktan ako ngayong araw nato. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iiyak ba ako? Sisigaw ako? Di ko alam.
"Anong gusto mong sabihin?" Sabi ko.
"Alam kong alam mo na. Ikaw na lang magsabi. Its hard" sabi mo.
"Ayaw ko. Mahirap din naman para sa akin." Sabi ko.
Na realize ko na hindi mo lang inalaman ung side ko. Narealize ko na parang di mo naman ako minahal. Na realize ko na laro lang ata ito. Ang dami ko ng narealize.
"BREAK NA TAYO. SORRY." - sabi mo.
Umiyak ako ng umiyak. Ung gusto kong ilabas lahat!!!. Ung tipong sana wala na to bukas!!!.
Sana hindi na lang ako naniwala sa lahat. Sana hindi na lang kita minahal. Sana hindi mo ako iniwan. Sana masaya ka na. Sana wag mong pababayaan sarili. Sana nalaman ko na mahal mo din ako. Sana ako ung taong minahal mo ng walang kapares sa mundo. Sana hindi mo na lang ako minahal pabalik para di na lang ako nasaktan. Puro na lang sana. Na sana di na lang nangyari to. Yung akala ko hindi ka na bibitaw. Yung feeling na tayong dalawa ay pupunta pa sa dulo ng walang hanggan. Pero nagkamali ako. Bumitaw ka at Iniwan mo ako.
Humingi ako ng pabor sayo.
"Gym. Wag mo muna sasabihin sa mga kaklase mo. Hayaan mo muna lahat ng kasiyahan na natanggap ko ng kasama kita sa mga araw na nagdaan. Hayaan mo muna ung nickname natin. Hayaan mo muna na ako ang magsabi kay Samantha. Hayaan mo muna ako. Plss."
Pinagbigyan mo ako.
"Salamat pala sa lahat. Sa pagmamahal mo. Sa time. Salamat." Sabi ko.
"Hindi ako ang para sayo." Sabi mo
Ang bilis mo. Grabi. Iniisip ko na lang na may iba ka ng mahal. Grabi sinaktan mo ako ng todo.
Pero ang di ko makakalimutan ay ang last chat mo sa akin.
"I Love You" -Sabi mo.
Ganun lang ba kabilis ang lahat. Ang dali mo namang sabihin un sa akin.
Sa lahat pala ng kasiyahan na binigay ni lord may kapalit na kalungkutan na di mo inaasahan.
Mahal pa rin kita. Gymvergel Ramos.
Yung akala ko tayo sa huli. Pero bumitaw ka pala. Yung akala ko ang kapit natin sa isat isa. Yun pala hindi. Yung akala ko hindi mo ako iiwan pero akala lang pala. Ang daming namamatay sa maling akala.
---------------------------------------
Based on true story.
Iloveyou babe. 😘
BINABASA MO ANG
Hindi ka nya mahal.
Teen FictionHindi lahat ng tao mahal ka. Yung iba kaya ka minamahal kasi gusto ka lang saktan.