Chapter 15 Friendly Date

17K 358 19
                                    


15: Friendly Date

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"Ayos na kaya 'to?" Tanong ko sa sarili ko. 

Para akong baliw habang nasa harap ako ng salamin. Nakakalimang palit na ako ng damit. Pabalik-balik na ako sa salamin pero wala pa rin akong mapili na susuotin sa lakad namin ni Drake. 


Papunta na ako ulit sa closet ko nang makita kong tumatawag si Kyla sa akin. Sinagot ko naman iyun.

"Hello?"

(Bii!)


"Oh? Bakit bii?"

(Nood tayo? Punta ka dito samin? MOMA tayo? Nood tayo ng Beauty and the Beast!)


"Naku bii! Next time na lang."

(Huh? Bakit?)


"May lakad kami ni Drake eh." Nagulat ako nang sabihin ko iyun. Sigurado akong aasarin niya ako neto. Hindi pa pala niya alam na crush ko si Drake.


(What? Ano kamo?)

"Ahh...wala-wala"


(Yiee narinig ko eh! Ikaw ah si Drake pala ah! Naku baka mamaya nauunahan mo na ako.)

"Baliw ka kamo!"


(Anong status niyo?)

"Huh? May ganun ba?"


(Oo naman. Nagdadate na nga kayo eh.)

"Ano ka ba! Nagpasama lang siya sakin!"


(Aysus! Sabihin mo na Jassy! Bawal lihiman satin diba?)


"Wag kang maingay ah!"

(Oo! Dalii)


"Teka, excited much ka?" Huminga ako ng malalim. "Crush ko si Drake!!"

"Hello? Kyla?" Tawag ko sa kanya nang hindi siya magsalita sa kabilang linya


(Yes naman! May crush na ang best friend ko finally.)

"Huy! Wag ka nga maingay." Nahihiyang sambit ko sa kanya.


(Sige na bii! Baka malate ka sa "date" niyo! Bye, goodluck! Paganda ka. Mwuah!)


In-end na niya kaagad ang phone call. Di ko naman maiwasang mapangiti. Bumalik na lang ulit ako sa closet ko tapos namili ulit ako ng susuotin. Nakita ko ang shirt na color pink tapos may design na 'Princess' sa gitna. Kaagad na umukit ang isang ngiti sa aking labi.  Pinarter-an ko ito ng isang black jeans.


"Ayan ba isusuot mo?" Nagulat ako sa nagsalita. Nakita ko si Mama na nasa pintuan ko at nakatingin sakin.

"Opo, Mama." Sagot ko sa kanya. Kaagad naman siyang lumapit sa akin.


"Jassy! Date niyo ni Drake yun. Tapos iyan ang isusuot mo? Dapat anak maganda ka." Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Waw! Sakit, Ma ah? Parang ang panget ko naman. At tsaka anong date? Hindi naman kami magda-date ni Drake.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon