Chapter 41: "Yes"
«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»
Hindi ko mapigilan ang puso ko na kumabog ng kumabog. Sobra ang sayang nararamdaman nito, na tila ba natatakot siyang matapos na lang 'to bigla. Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon ay kasama ko si Kiel. Tila ba'y nagwagi ang pag-asang nasa aking puso dahil nasa tabi ko ngayon si Kiel.
Habang nasa biyahe kami ay napalingon ako sa kanya. Mariin ang tingin niya sa harap habang naka-upo sa tabi ko at gumuguhit ng iba't-ibang shapes sa aking palad. Hindi ko maiwasang isipin kung masyado ba kaming mabilis ni Kiel? Baka masyadong mabilis ang nangyayari saming dalawa. Wala pang label ang kung anuman ang namamagitan sa aming dalawa.
Mahirap gumalaw kapag wala kayong label dalawa. Nakakalito. Hindi mo alam kung may karapatan ka ba sa kanya o wala. Wala kang pinanghahawakan at iniisip mo, hanggang kilig na lang ba kayo?
"What's wrong?" Tanong niya nang lumingon siya sa akin. Kaagad naman akong napa-iwas ng tingin.
"Kanina ka pa hindi kumikibo? May problema ba?" Tanong niya tsaka lumapit sa akin.
"Wala naman." Sagot ko sa kanya. Naramdaman kong pinagsaklop niya ang aming mga daliri. Kaagad na humataw sa tibok ang aking puso.
"M-May iniisip lang ako." Dugtong ko habang tinutuon ang aking mga mata sa bintana.
"Hulaan ko? Ako ang iniisip mo!" Nakangisi niyang sagot sa akin. It was more of a statement than a question.
Liningon ko siya tsaka kumunot ang noo ko. "Hindi nuh." Sagot ko tsaka umiwas ulit ng tingin.
Hindi ko talaga maiwasang kabahan kapag malapit si Kiel sa akin. Kinakabahan na ako dati pa kapag ganito siya kalapit, ngunit iba ang kaba ko ngayong may something na sa amin.
"Hindi?" Nakangusong tanong niya na para bang batang nalungkot dahil hindi natuloy sa kanilang pamamasyal.
Pinigilan ko naman ang pagtawa ko. Tinakpan ko ang bibig ko tsaka iniwas ang mukha sa kanya. He's cute, why, oh, why?
"Hindi naman kasi tao ang iniisip ko, Kiel." Panimula ko. Liningon ko siya at hinarap. "Bagay, okay? Mga bagay-bagay ang nasa isip ko."
Naningkit ang mga mata niya na tila ba'y kinikilatis ang aking sagot.
"Kung ganon, mabuti. I don't like it when you're thinking about other boys, especially while you are with me." Sagot niya tsaka ngumiti sa akin. I raised my eyebrow for amusement. "And..." He leaned closer to my ears.
"Mas bagay tayo." Dugtong niya tsaka ngumiti sa akin at hinalikan ang kamay kong hawak-hawak niya. Hindi ko na napigil ang tawa ko at ganon din siya.
Ilang oras din ang naging biyahe namin ni Kiel. Dahil medyo malayo ang pupuntahan namin, nakatulog ako sa balikat niya. Nahiya nga ako dahil baka nangalay siya sa pagtulog ko. Bumaba na kami ng sasakyan nang makarating kami sa pupuntahan namin. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko kung saan ako dinala ni Kiel.
BINABASA MO ANG
What Love Can Do? (UNDER REVISION)
Teen Fiction(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang tao. Kaya ba ng pag ibig baguhin ang isang tao sa isang iglap? Kaya ba ng pag ibig gamutin ang lahat ng sugat ng nakaraan? At paano kung...