[Avery's POV]
"Papa, mauna na po ako" paalam ko kay Papa na nawiwili sa pagbabasa ng newspaper. Abot langit ang ngiti nito. Aba! Himala!! Ano kayang binabasa ni Papa??? Lagi kasi itong seryoso pag nagbabasa ng newspaper.
Hindi sumagot si Papa
"Pa............"
"hello??..........."
"Papa....??" ano ba yan di parin sumasagot
"anubey.... Pa??"
"Papa!!" napasigaw na tuloy ako at nagtatatadyak
"ay! anak ng butiki!!" halatang nagulat si Papa
O_O
"Pa?! anong anak ng butiki?! ampon niyo po ba ako?? mukha na po ba akong butiki?? Sige, sabihin niyo pong "oo" . Lagot kayo kay mama! Siya pa naman ang kamukha ko" nakapout na tuloy ako. Pero sabi nila cute daw ako pag ganito.
Nagtataka siguro kayo kung sino ako. Ako nga pala si Avery Lainne Perez. Ako ang bunso sa pamilyang ito. Dalawa lang kaming magkapatid. May kapatid ako si Kuya Johnny Lee Perez.
Speaking of...
Biglang dumating si Kuya galing sa kanyang kwato. Bihis na bihis si kuya. Graduating na ng college si kuya habang ako naman ay 3rd year college at Culinary ako. Siya naman ay business management. May restaurant kasi kami ang "Boun Appetito" na nagkalat na sa Asya at pati na rin sa Estados Unidos.
"Oh. Bat nandito ka pa? Sabay ka na sa akin" sabi ni kuya. Bait talaga sa akin ng kuya ko. The best ang brother kong to.
" ah, wag na kuya" sanay na kasi akong maglakad papuntang school. Paminsan minsan lang ako sumasabay kay kuya.
"okay. sige pa, una na ako" ngumiti naman si Papa
"Pa??" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
titig..
titig...
titig,..
titig....
O_O
Ito naman ang expression ni Papa
?_? "what are we talking about? ah, yun! syempre, anak, hindi" sagot ni Papa na bahagyang nag-iwas ng tingin.
O>>>>_O>>>>
Halatang ayaw sabihin ni Papa. Kung makaiwas naman ng tingin?
Hinalikan ko na sa pisngi si Papa at lumabas na ng bahay. Wala na yung sportscar ni kuya. Bago pa ako makalayo ay napagdesisyunan kong bumalik ulit ng bahay.
"Pa!" sabi ko agad pagkabukas ng pintuan
" Siopao! "
"Pa, hindi naman ako mataba. Ano po ba kasi yan?? "
"wala..."
#_#
" Sabihin niyo na po kasi"
" Maya na lang anak "
" Sige na nga. Bye! "
>///<
" Ingat!"
\O_O/
Napatingin ako kay papa.
Whoaah!! Bat ganun?? Parang kinikilig si Papa. Whoahh!! isusumbong kita kay mama!!
Sinimulan ko ulit maglakad papuntang school. Patay ako pag nalate. Masyado pa namang strikto yung adviser namin na si Ms. Blag. Oo, ganyan tawag namin sa kanya. Tuwing papasok kasi yan sa classroom ay binabagsak niya yung mga dala niyang libro ng to the highest level. Hindi ko na nga rin matandaan kung anong tunay niyang pangalan.
Kinabahan na ako nang magsimulang magtahulan ang mga asong nadaraanan ko. Pakiramdam ko ay magsisimula na naman ang kamalasan ko. Pinagpapawisan tuloy ako.
" whoaahh!! bat ba nagkalat ang mga askals rito!!... " sigaw ko nang habulin na ako ng mga aso. Nagsimula na rin akong tumakbo.
"kala ko ba sosyal rito!! bakit may mga askal??!!! " mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Pinagtatawanan na rin ako ng mga tao. Sa dami ba naman ng asong naghahabol sa akin. Hindi na pack of dogs ang tawag rito kundi ASOsasyon.
Hinabol ako ng mga aso hanggang sa gate ng subdivision. Buti na lang nandoon si Mang Juan at binugaw yung mga aso. Naistorbo ko pa ata ito sa pagkain ng chicharon. Bwisit kasi yung mga pesteng aso na mga yun.
Hinihingal na talaga ako. Buti na lang nakakita ako ng waiting shed pero hindi ito kalakihan. Parang yung rakit nga lang eh. Yung ginagamit nila sa mga ilog. Nagpahinga ako dun. Mga limang minuto lang.
Pagtingin ko sa oras...
" whoaah!! mag e-eight na!! malalate na ako!! " Pagtayo ko naantala ata ang langit dahil sa sigaw ko kaya bumuhos ang ulan. Basa tuloy ako. Wala pa naman akong dalang payong. Kaya no choice, kundi sugurin ang malakas na ulan.
* SPLASH *
Ayan! Mas lalo pa akong nabasa! Salamat sa rumaragasang sportscar na yun! Nabasa ako ng tubig na naipon sa kalye! Wala na tong puting uniporme ko. Naging kulay baha na!
Hindi na ako nakatiis kaya nagsisigaw na ako. Wala na akong pakialam sa mga taong nakakakita sa akin.
" Hoy! balikan mo ako! " sigaw ko dun sa driver ng kotse. Pero hindi manlang ako binalikan kahit mag-sorry man lang.
" anu kala mo sa sportscar mo?? ampangit kaya niyan!! whooahhh!!! "
Hep...
Di ba ganun rin yung kotse ni kuya? Magkaiba nga lang ng kulay.
oooyy kuya!! mas maganda yung sayo!
Pagtingin ko sa paligiid.
O>>>>>_O>>>>>>
<<<<<O_<<<<<O
O_O
O_o
Okay lang. Sanay na ako. Lagi akong minamalas eh. Bata palang ako magnet na ako sa malas. Si kuya magnet naman ng swerte. Hay, kahit dumikit sa akin si kuya di parin siya minamalas. Dumadami pa nga ang kaswertehan niya.
AYYIIIEEEEE....
lucky charm ako ni kuya ^_^
Pero kahit dumikit ako sa kanya.....
Wala pa ring pinagkaiba. TT_TT
BINABASA MO ANG
He's My Four Leaf Clover
RomanceSi Gabriel ay isang Cassanova na sobrang swerte sa buhay. Laging pinapaiyak ang mga kababaihan, samantalang si Avery ay malas naman. Ano kaya ang mangyayari kapag nagsama sila sa iisang bubong. Ano kaya ang maghahari, Kaswertehan o Kamalasan?