Beginning: I'am way way way better than anyone here!
"Sabihin mo hindi ganyan ang tamang paglakad!"
Narinig kong sabi ng isang baklang kaibigan ng may ari ng clothing line na mino-model ko at ang bakla rin ito ang nagtetrain sa mga model sa agency na ito. Kumbaga siya ang nagmomonitor sa lahat ng model dito. Katiwala siya ng may ari sa madaling salita.
"Ayoko po, baka po magalit saakin si Ms. Ara" Sagot ng Personal Assistant ng baklang si Rea sakanya.
"At ako ay hindi magagalit ha?! Dali na sabihin mo na. Tatanggalan kita ng trabaho!" Sigaw ngunit pabulong na sabi ni Rea sa kanyang Assistant.
Akala siguro nila ay hindi ko sila naririnig. Naglalakad ako sa entablado ng fashion show na ito na wala man lang kakembot-kembot. Rehearsal lang naman ito.
"Hindi daw po ganyan ang lakad Ms. Ara." kinakabahang sabi saakin ng babaeng alalay ni Rea.
"At anong tawag mo dito? Gapang? Takbo? Lakad naman ito ah. Don't annoy me and don't show me your disgusting face! Don't mess up with me!"
Walang kagana-gana kong sagot sakanya sabay hinto at tingin sa baklang si Rea. At talagang tinuro ko pa ang mukha niyang nakakasuka. Well sinadya kong pabagalin ang lakad ko at walang kembot para mainis ang baklang iyan.
Hindi na lang sumagot ang hampaslupang alalay sa sinabi ko. Marahil ay natakot sakin dahil nakayuko na lang siya ngayon. Sa halip ay ang baklang intrimitida ang sumagot sa sinabi ko.
"It's not what she meant! Don't be sarcastic Ara. Im starting to think that you are not a professional! Look at the way you walk. Oo nga't maayos ang tindig mo. Hindi ka rin naka slouch. Ang bagal mo maglakad! Meron pang mga tao sa likod mo at hindi lang ikaw ang rarampa! Hindi mo naman first time ito ah? Suki ka na ng entablado! Hindi mo na nga ako ginalang, binastos mo pa ako!"
Tuloy-tuloy na sabi niya kaya't hindi niya namalayan na nasa harap niya na ako.
Napa-ismid siya ng makitang nanginginig ang buong katawan ng alalay niya dahil sa takot sakin.
BINABASA MO ANG
One Last Time
Teen FictionSi Ara Lucifier ay isang babaeng alam mong may maipagmamalaki. Simula ulo hanggang paa, alam mo nang hinahangaan siya ng lahat. Pinagaagawan ng lahat, mapa-lalaki pa man o kahit tomboy pa. Hinahangaan ng mga babae o kahit bakla pa dahil sa katangi-t...