Chapter 5: Hindi talaga ako maganda dahil dyosa ako! Understatement ang maganda at gorgeous para ma-describe ako!
Sa oras na huminto ang sasakyan niya ay lumabas agad ako at tumalikod sakanya para makapasok na sa loob ng studio.
“Uy, wala man lang thank you diyan?" Sabi niya ngunit hindi ko pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Napahinto ako nang hawakan niya ang handle ng LV bag ko.
“Uy, bakit nageexpect ka ba? Tanggalin mo nga yang kamay mo! Madudumihan ang mamahalin kong bag!"
Sabi ko dito habang marahas na tinatanggal ang kamay niya sa mamahalin kong bag.
Tinanggal niya ang kamay niya at humarap saakin.
“Ang arte nito! Mamahalin o hindi, madudumihan pa rin at ano sa tingin mo?"
Balik na sabi nito saakin. Ako pa ang maarte. Fine, aminado ako. Maarte na ako. Grrr!
“Wala naman akong pakialam kung nageexpect ka o hindi e. Hindi rin naman ako magte-thank you."
“Maraming salamat sa paghatid! Maraming, maraming salamat talaga! Grabe ha! Nahiya naman ako. Ikaw na nga ang hinatid diyan."
Sabi niya sa sarkastikong tono.
“Uy, haba ng linya mo a. Improving. Grabe ka namang magpasalamat. Over Acting lang?"
Grabe naman kasi makapagpasalamat. Kung ihahatid man ako ng ibang tao (Which was impossible dahil allergic ako sa mga taong pangit at hindi ko close friend) o ng kaibigan ko ay isang salamat at sabay talikod lang ang gagawin ko.
Marunong naman akong tumanaw ng utang na loob. Well, depende. Depende kung pangit ka at mayabang ka. Hindi talaga ako magpapasalamat sayo.
“Okay sige, magpapanggap na lang ako na narining kong nagpasalamat ka."
Sabi niya habang kinakalma ang sarili at kinukumbinsi ang sarili na may narinig na siya. Baliw.
“Better. Pero pagkaalis mo, tigilan mo na ang pagpapanggap na narinig mo yan. At isa pa, wala akong hiya, okay? Kasalanan ko bang naginsisted ka diyan?!"
BINABASA MO ANG
One Last Time
Teen FictionSi Ara Lucifier ay isang babaeng alam mong may maipagmamalaki. Simula ulo hanggang paa, alam mo nang hinahangaan siya ng lahat. Pinagaagawan ng lahat, mapa-lalaki pa man o kahit tomboy pa. Hinahangaan ng mga babae o kahit bakla pa dahil sa katangi-t...