CHAPTER FIVE

21 0 0
                                    

ang saya saya ko habang naglalakad nakita ko kasi si Mr. Chinito, at ang haba ng hair ko, dahil Friends Na kami as in kaibigan. Oh diba ang saya, para akong nakalutang sa ulap habang iniimagine ko yung itsura nya habang nakataban sya sa waist ko! Gosh! Ang landi ko! Nakangiti akong pumasok sa aming bahay. Tila hindi ko alintana ang layo ng nilakad ko. Bwiset na mr. Yabang yan. Kumukulo ang nerve cells ko sa kanya! , dahil sa kanya naglakad ang peg ko. Feeling ko nga mukha na akong bruha ngayon dahil sa layo ng aking nilakad, nagtinghas tinghas na ang buhok ko, at oily na rin ang mukha ko, wala pa naman akong pambili ng Palmolive natural at eskinol para gumanda naman ulit ako. Kaylangan ko na ngang maisagawa ang first commandment nya which is “ibigin mo ako ng tapat”. Una pa lang kinalabutan na ako. grabe! Paano p kaya ang mga susunod.

"mommy nandito na po ako" masayang bati ko, habang inaayos nya sa drawer ang mga damit ko, nasa kwarto ko sya.

"ahh ok" sagot nya.

Pero nagulat ako sa mga susunod nyang mga tanong....

"saan ka nanggaling?" tanong ni mommy, nagulat ako sa kanya tsaka sya tumayo, papunta sa aking pwesto. "alam mo bang... Namuti na ang mata ko kaka-antay sayo" nanlilisik ang mga mata nya habang papalapit sya. "papaano nalang kung napagsamantalahan ka ng mga masasamang loob, tapos hindi ka na namin makita," may luha ng pumatak sa kanyang mata "anak hinanap kita buong magdamag,, pero wala akong nakita ni anino mo"... Suddenly I bow my head para hindi ko makita ang mata ni mommy. Baka umiyak lang ako.

" Mommy tama na! Oa na! Diba may rules tayo three days bago mo kami hanapin! nakaka isang araw palang naman akong nawawala tapos nandito na ako buhay na buhay" paliwanag ko. May rules kasi kami na kapag wala pa kami within three days saka palang nya kami hahanapin. Ewan ko lang kung bakit ganito si mommy ngayon.

"alam ko anak! Tinitingnan ko lang kung pwede na akong mag-artista. Okay naba anak? Okay na ba ang acting skills ko?" nakatawa nyang sagot.

"Hay! nako mommy gumagana na naman ang pagka elien mo. Oo at imperness effective ang acting mo" sabay kaming nagtawanan ni mommy, para kaming bagets no, ganyan kami mag bonding(@.@)

Teka mamaya mapunta na sa iba ang usapan namin ni mommy, itatanong ko sa kanya kung paano maipapakita na tapat ka sa isang tao. Para makakuha ng idea sa aking gagawin "mommy paano mo ba maipapakita sa isang tao na iibigin mo sya ng tapat" tanong ko kay mommy habang nagtatawanan kami.

ngumiti si mommy sa akin "uyy! inlove ata ang anak ko" habang kinikiliti ako sa aking tagliran.

"mommy inlove agad?? Hindi ba pwedeng assignment muna! Kaya nagtatanong" sagot ko.

"hoy anak! alam kong oa ka pero sumosobra na..... Pero okay lang yan, part yan ng pagiging teenager" nakangiti syang nakakaloko.

"oh ano na mommy sabihin mo na ang dami mong sinasabi... Sagutin mo na please!" pagmamakaawa ko, gusto ko na kasing masagawa ang unang utos, tommorrow morning if I wake up, at makuha ko na din ang unang sweldo ko. Nakanganga na kasi ang pitaka kong isda.

"junakiz kanito lang yan. Pumunta ka sa computer shop tapos mag facebook ka. Tapos makipag-usap ka kay sim-" hindi na napagpatuloy ni mommy ang sasabihin nya dahil nasapok, ko sya... Sorry mommy sa ginawa ko nabigla ako.

" sorry mommy" (".")v at nag peace sign ako. "tinatanong kasi kita ng matino tapos sagot elien naman yung sasagot mo".

"okay lang anak,,, hindi naman ganun kasakit yung pagkabatok mo, I just want to laugh you".

"huwaw! Mother im nose bleeding sa english mo. Grabe naubos na ata yung dugo ko!" sabi ko, habang naka hawak ako sa aking ilong.

"o sya eto na ang sagot ko,, bago pa ako mapagalitan ni Aling Elsa dahil kanina pa nakababad ang panty nya sa zonrox, ayaw kasing maalis yung dilaw. Grabe pahirapan nanaman to. Simple lang anak, para ipakita mo na mahal mo sya ng tapat, dapat iparamdam mo at isigaw mo sa buong mundo na sya lang talaga ang iibigin mo, yung tipong sya na si the one " naka emote na sagot ni mommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon