CHAPTER FOUR (her life)

10 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon pauwi sa amin. Hindi kasi ako nakahingi sa aking boss ng pera! Oh di kaya bumale muna ako ng kalahati mula sa sweldo ko. Kaya heto naglalakad ang peg ko ngayon.

Nakaramdam ako ang pangangalay ng aking mga paa. Buti na lang dito ako dinatnan sa park. Umupo muna ako sa swing at tumingin sa paligid, maraming mga batang naglalaro at ang iba naman na magkasintahan ay nagdadate. Pero napukaw ang atensyon ko sa isang pamilya na masayang pinagsasaluhan ang dala nilang pagkain, may dalawa silang anak isang babae at isang lalaki. Naaalala ko tuloy si daddy ng sya ay buhay pa, madalas din kaming magpicnic, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kapag naaalala ko si daddy hindi ko mapigilan bumuhos ang luha ko, namatay si daddy na nasaksihan ko ang lahat.

Naaalala ko pa ang gabing tinuring kong isang bangungot. Alas dose ng gabi, habang marami ng tulog, may narinig akong yabag mula sa labas ng aming bahay. Akala ko ay isa lang tong pusa. Pero muli akong naalimpungatan dahil sa mga yabag ng kanilang paa. Kami lang ni daddy sa bahay, dahil binabantayan ni mommy sa ospital si Mercedes, ang nakakabata kong kapatid . Wala anu anong lumabas ako ng aking kwarto, dahan-dahan tila pinipigilan ang pagkalat ng kaingayan. Sinundan ko kung saan papunta ang mga yabag ng paa.

Nagtago ako mula sa isang malaking vase, nakita ko silang pumasok sa kwarto nila daddy kung saan sya ay mahimbing na natutulog. Kitang kita ko sa aking pwesto ang susunod nilang gawin. Binaril ng isang lalaki si daddy, hindi manlang nakagawa ng ingay si daddy sapagkat siya ay binaril ng tulog pa, hindi pa sila na kontento sinaksak ng isa na mang lalaki si daddy halos maligo ng dugo si sya.

Gusto ko silang pigilan....

gusto ko silang awatin....

Pero wala akong kalaban laban sakanila...

Hinayaan ko na lamang si daddy na mamatay napaka weak ko.............

Hindi pa sila nakuntento at kinuha nila lahat ng mga alahas ni mommy sa drower.. Ang mga pera sa locker...

Gusto ko man silang pigilan... Pero wala akong magawa....

Sadya sigurong ganito si destiny tinadhana kaming maging isang dukha. Oh yeah,,,, naging mahirap kami,, dahil naibenta namin ang aming bahay..dahil pabalik balik nga si Mercedes sa ospital dahil sa sakit nya.

Nakatira na lamang kami ngayon sa isang maliit na bahay,.. Si inay naman ay isang na lang labandera ngayon..

At syempre ako... Isang lokaloka..... Na umaasang maging mayaman.. Alam kong sa panaginip, na lang mangyayari ang lahat pero wala namang bayad ang PANAGINIP diba? Ang masama bangungutin ka.... yun May bayad mahal pa naman ang funeral service ngayon...

Isa nga pala akong college students at isa akong schollar, kahit papaano, biniyayaan ako ng utak.

Isa din akong HOPELESS... Hindi HOPELESS ROMANTIC.... Kung HiNDI HOPELESS SA MONEY....

Hayyy buhay nga naman oh... Parang life......

Nanatili akong nakaupo sa swing... Habang dumadampi sa aking mukha ang sariwang hangin...

After kong mamahinga, tumayo na ako. At nagpatuloy sa paglalakad.

"la-la-la-la-la-la" kumakanta ako habang naglalakad. Masyado kasing tahimik ang paligid, nakakabingi sa katahimikan sobra..

Hindi ko napansin na may balat pala ng saging sa aking dadaanan. Pero laking gulat ko dahil hindi manlang ako sumubsob sa lupa, dahil sinalo ako ng aking knight and shining armor na si MR.CHINITO,Una palang talaga alam ko na pinaglalapit na kami ni bestfriend Destiny,,, pero asa naman daw ako, alam kong napadaan lang sya dito, dahil nagjojogging sya, naka suot kasi sya ng jersey short tsaka nakajocket..

" sorry ms. Napatagal ata " taban taban nya pa kasi ako sa aking beywang.

Agad kaming umaayos..

"Jeros nga pala" sabay alok sa kamay nya.

" ahh shaina nga pala" pakilala ko naman.

"you looks so familiar.. Nagkakilala na ba tayo?"

" ayy hindi- hindi pa tayo nagkakilala, universal kasi ang mukha ko" pagdedepensa ko, nakakahiya kasi ng nagkita kami sa jeep..

"diba ikaw yung???" hindi na nya napatuloy ang sasabihin nya dahil inunahan ko na sya. Tinakpan ko ng aking kamay ang bibig nya.

"oo ako nga yun... Wag mo nang paalala"

" your funny " sagot nya.. Pagkatapos kong alisin yung kamay ko sa kanya. Nag smile sya sa akin. Sh*t yung pamatay nyang smile ang dahilan kung bakit ako kinikilig sa kanya.

Teka? Ako funny? Hindi naman ako clown para matawa sya, wala naman sa mukha ko ang katawa tawa, sabi ni mommy MAGANDA AKO!

"by the way, pwede ba tayong maging friends?"

loading......

Loading.......

Loading.........

Loading...........

Loading.............

Loading.................

Loading......................

Loading................................

Loading...........................................

LOADING COMPLETE

ang tagal mag sink-in sa utak ko ang sinabi nya, hindi ko kasi inaasahan na sya pa ang mag-aalok na maging friends kami.

"ayaw mo ata sige okay lang" tuluyan na syang aalis. Kaya hinawakan ko ang kanyang braso.

"oo payag na ako... FRI-ENDS"

ngumiti ulit sya sa akin. Tang ina! Hindi ba nya alam na pamatay ang ngiti nya.. kahinaan ko ang ngiti nya. Sh*t kinikilig na naman ako.

Pagkatapos nya akong pakiligin sa mga ngiti nya, ginulo nya ang buhok ko, sabay sabing..

"See you around"

huwaaaaaahhhhhhhhhh friends na kami ni mr. Chinito. Nagtatalon ako sa aking kinatatayuan, para na tuloy akong hibang dito pero okay na ang crush kong si mr. Chinito slash papa JEROS ay kaibigan ko na... Diba dun nagsisimula ang lahat sa KAIBIGAN tapos magiging KA-IBIGAN...................

To be continued..

LOVE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon