Papasok na ako ng subdivision kitang kita ko na ang mga bahay mula sa entrance, masyado kasing malalaki at sari sari ang kulay ng mga bahay dito talagang tanaw na tanaw mo sa labas na mayayaman ang nakatira dito. Siguro tama ang hinala ko. Mayaman sya at panget dahil desperadong makahanap ng girlfriend. Kasi kung pogi sya hindi sya mahihirapan humanap ng girlfriend at hindi sya mageeffort na maglagay ng mga poster dahil mismo ang mga babae ang magkakandarapa kung pogi sya. Pero tulad nga ng sinabi ko, walang taong pangit sa taong gipit. Lahat gagawin ko magkapera lang, hindi naman sa timawa ako sa pera, hindi ko gawain magnakaw, na ultimo bulibi ninanakawan pa. Gusto ko pinaghihirapan ko ang lahat. Yung tipong kahit paglinisin ako ng sahig gamit ang buhok, gagawin ko para magkapera lang.
Nang malapit na ako sa loob, hindi ko namalayan na may guard pa lang nagbabantay. "ms bawal pong pumasok dito" sabi ni manong guard.
Lintik namang buhay yan lahat naman may sagabal.
"manong guard may kaylangan lang po akong puntahan dito sa loob" pagsusumamo ko sa kanya with matching twinkle in my eyes parang ganito *_*.
"miss bawal talaga binibigyan lang namin ng proteksyon ang mga nakatira dito" sagot ni manong guard.
"manong guard, wala naman po akong gagawing masama at isa pa po, wala naman sa mukha ko ang mukhang mag nanakaw" sagot ko.
"sorry talaga miss, trabaho lang. Kung gusto mo tawagan na lang natin yung taong pupuntahan mo" suggest ni manong. Pumunta kami sa station nya.
Buti nalang may isip si manong. Kinuha ko ang poster sa bag ko, nandoon kasi nakasulat ang contact number. Pinakita ko kay manong guard at agad nyang dinayal.
Nakalagay na ang telepono sa kanyang tenga.
"miss ayaw atang sagutin"
"nako po manong baka po nag cr lang try nyo po ulit idayal" sambit ko.
Sinubukan ulit ni manong guard pero ayaw talagang sagutin.
"miss try nyo na lang bumalik bukas ayaw talagang sagutin"
"nako po manong guard, hindi po pwede" pagdedepensa ko. Sa totoo lang wala akong pamasaheng umuwi,
"miss ginawa na natin ang lahat, sumusunod lang ako sa utos ng nakakataas sa akin pasensya na" sagot ni manong guard.
Para tuloy akong naawa kay manong guard kasi, ang bait nya.. Hindi sya tumigil kakadayal ng number ng PUTANG INANG LALAKING GUMAWA NG WANTED WANTED GIRLFRIEND NA YAN. Hindi nya ba alam na nasayang ang 20 pesos ko,! eh di sana pinambili ko nalang ng balot oh di kaya nag facebook nalang ako nakapag update pa ako ng status.
"ganun po ba. Sige po salamat." yumuko ako sabay talikod sa kanya. Nanatili pa din akong nakayuko. Sana maawa sa akin si manong. Maglalakad kasi ako pauwi.
na sayang lang ang oras ko, effort ko, higit sa lahat ang pera ko. Pero mukhang hindi naawa si manong guard sa akin dahil nandito na ako sa kinatatayuan ko kanina, sa bandang pinagbabaan ko ng dyip.
Luminga linga ako sa paligid. May mga ilaw na ang poste. Haist ginabi na ako. May pasok pa naman ako bukas, wala pa akong baon.
"hindi maaari ito" agad akong sumampa sa bakod ng subdivision, buti nalang mahilig akong sumampa kung saan saan. Wala naman kasing bob wire o di kaya mga bubog na nakalagay sa itaas ng bakod, kaya hindi hastle sa pag over de bakod.
Tumalon ako, para makapasok ako sa loob. Para tuloy akong akyat bahay gang sa pinaggagawa ko...
Ng nakatalon na ako sa loob.. Naglakad lakad na ako.. Papunta sa address ng hinayupak na gumawa ng WANTED GIRLFRIEND na to.