I. UNANG KABANATA

16 0 1
                                    

Hi! Ako nga pala si Abi, 20 years old at SiNGLE. Kakabreak ko lang kasi sa EXBOYFRIEND kong walang kwenta sa lahat! (Bitter? Nope! Sadyang wala lang talaga syang kwenta.)

Alam ko mahirap hilumin ang nasirang relasyon lalo na at tumagal din kami ng halos magaapat na taon, ngunit subalit datapwat! Si Abi ako e, di naman ako basta basta nalang bibitaw kung di ko pa kaya. Kaya after a week I'm completely healed. Amazing di ba? Sabi ko naman sa inyo g*go yung EX ko kaya bago man nya ko iniwan (kapal ng mukha no?) ee alam kong sawa nadin ako sa ugali nyang basura.

Hayaan na nga lang natin sya.

At dahil sa pagiging single ko itong mga pinsan kong kay bubuti e panay ang reto sakin kung kani-kanino, e HELLO! Kaya ko pa naman mabuhay ng walang jowa no! 😒
Merong pinakilala ako sa kaibigan, sa pinsan nya sa ibang side, at sa katrabaho. Pero kala ko mga pinsan ko lang ang atat na magkajowa ako, mali pala ako. Matindi! Pati mga kaibigan ko pinagrereto din ako sa mga kakilala nila, mga kababata, katrabaho, at kapatid. Jusko! Lahat halos ng pinagrereto nila sakin e pumapatol naman at sinubukang manligaw sakin. Well di ko naman ikakaila na maganda ako, sexy at may angking katalinuhan (pasensya na buhat bangko lang mga beh!) Pero seryoso may itsura naman din ang Abi, di naman maipagkakaila, pangharap din ba kahit walang hinaharap 😂. Dahil jan sa mga nanliligaw na yan nabansagan tuloy akong "Ms. Peak Season" p*tcha! Ano ako? Panahon? Tssss 😒

*FAST FORWARD*

"Bea, dahil sweldo mo na bukas papizza ka naman!"

"Loko ka pala e! Bukas pa nga di ba bat ngayon ka nagpapalibre?"

"Dali na! Papahiramin muna kita ng pera, tas hiramin natin yung shakey's card ni Del para may discount"

"May magagawa pa ba ako? Ee decided ka na. Tara na nga!"

(Baka nagtataka kayo bakit BEA ang tawag sakin ng pinsan ko, wag nyo ng alamin yun hayaan nyo na lang syang ganyan ang tawag 😂)

So ayun nga isang gabi biglang napagtripan ako ng pinsan ko na manlibre daw ng pizza na kung tutuusin e sya ang gagastos (mema lang talaga yan). Kaya ito kami at magmomotor daw papunta dun sa classmate nya.

"Asan na yung classmate mo? Kala ko ba natawagan mo na na papunta na tayo?" (atat ako e bat ba)

"Teka lang tatawagin ko, excited ka lang makita si Del e. Ayieeeeeee!"

"Gaga! Bilisan mo na kaya! May pasok pa ko bukas!"

"Ito na nga. Del! Del!"

At ayun na nga may lumabas! At ang lumabas! Sa letrang B! Ayyyyy este ayun na nga lumabas na nga si Del daw (classmate ng pinsan ko sa pagkasundalo, di nyo natatanong Airforce kasi yung pinsan ko, ayy mali Poging Airforce pala dapat) at yun pinakilala sakin ng pinsan ko.

"Del, si Abi pala. Pinsan ko. Single yan"

"Baliw ka kuya! Hehe. Hi! Abi pala"
(Ang gwapo beh! Nakakahiya ang lambot ng kamay!)

"Jomar."- sya (oo sya nga!)

Potek! Yun lang! Enebenemenyen! Kasura! Sayang naman yung bansag sakin na Ms. Peak Season!😂

"Sige pre, salamat ha! Balik ko na lang bukas sa office."

"Uy! Thank you ha!" (trying to make papansin)

"Sige pre."

Pero waepek ang ganda ko mga beh! Tengenes!😠

"Wala ka pala Bea e, haha! Pero tang ina Ms. Peak Season ka na pero di ka pinansin ni Del. Bakla talaga yun!"

"Gaga! Pano magiging bakla yun? Ang gwapo kaya!"

"Bakla yun! Dami na namin nireto dun kaso walang pinansin kahit sino."

"Baka choosy lang!"

"Bat pinagtatanggol mo? Di ka na nga pinansin di ba?"

Di nalang ako nagsalita, hahaba pa ang diskusyon namin, baka di pa kami bumili ng pizza. 😂😂

Pero infairness ang gwapo talaga ng koya mo! Makalaglag panty mga beh! Ang linis tingnan (kahit mejo madilim sa lugar nila, e naaninag ko naman sya) at wag ka! Mukhang macho! Jeskelerd! It's so fluffy! Am gonna die!!! Haha!

______

ITUTULOY.

L.A.B.B.Y 😍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon