IV. IKAAPAT NA KABANATA

10 0 0
                                    

Days passed...

Jomar: Ang ganda mo sa picture mo.

Abi: Anong picture? (Ang kire! 😂)

Jomar: Yung profile picture mo ^^,

Abi: Nako! Bolero 😂 matagal na yan e.

Jomar: Di ah. Nagsasabi ako ng totoo. Ok lang yan. Maganda ka padin naman hanggang ngayon.

And I was like...

*LET'S DO THE HARLEM SHAKE*

Ganun ka tindi Beh! Muntik na nga akong magtitili na naman e 😂😂😂 Grabe tong lalaki na to! Lakas magpakilig e 😍 Ewan ko ba pero unti unti na ko nahuhulog sa lalaking ito.

Dumaan ang mga araw, mejo dumalang ang paguusap namin. Siguro dahil nadin sa busy din kami sa kanya kanya naming trabaho. Pero kahit ganun e ginagawan namin ng paraan na once in a while e makapag kumustahan man lang kami.

Hanggang sa...

Abi: Uwi pala kami sa probinsya ngayong weekend.

Jomar: Ah sige ingat ha. Kasama nyo ba si Vangie (yung pinsan ko na classmate nya)

Abi: Oo, dadalaw lang kami sa mga kamaganak.

Jomar: Sige ingat kayo dun Abi.

Abi: Thank you. Ingat ka din dito.

So ayun na nga, ako'y magbabakasyon muna, ngunit sa kasamaang palad walang signal ng internet sa probinsya namin. Kaya wala muna akong communication kay Jomar. Sad no? 😞 Pero keri lang, para din naman di halatang gustong gusto ko sya di ba?

*FASTFORWARD*

Sunday na! So it means uwian na ng Manila! Hihi ang saya lang ng Abi ano? Syempre makakachat ko nanaman si crush 😍

Pero...

1 Message Received
From: 0907*******

Good morning.

"Hay nako! Sino nanaman ba tong text ng text na to? Kakasura na!"

"Ano yan Ate Abi?"

"E kasi may nagtetext na naman dito, di naman nagpapakilala."

"Baka ex mo haha!"

"Pano ba mangblock ng nagtetext?"

"Walang ganun beh haha"

"Haaaaaay! Buset! Wala na ngang internet may nagtetext pang epal."

Ayan na naman yang nagtetext na yan e di naman nagpapakilala. Hay nako manghahagilap na nga lang ako ng signal at ng maligayahan naman ako. Ngunit subalit datapwat, wala talagang makalap na signal e 😭 nakaka sad haaaaaaaays.

"Ate Abi, ano alam mo na kung sino yang nagtetext sayo?"

"Nako! Di pa nga e, pero wala na kong balak pang alamin. Hayaan mo sya."

1 Message Received
From: 0907*******

Magandang tanghali ^^,

Ayan speaking of the chorva, nagtext nanaman! Kabago bago ng sim na to tas may makakaalam ng number ko. Sino kaya talaga tong Poncio Pilato na to! 😠

"Nagtext nanaman! Hinanap mo kasi e!"

"Oh! Bat ako? Bat di mo kasi replyan."

"E sa wala akong pantext sa smart e. Sino ba kasi tong 0907 na to?!"

"Baka si Del yan beh gaga ka!"

"Si Del? Pano?"

"Patingin nga ng number."

Habang tinitingnan ng pinsan ko e ngumingiti ang gaga! Buset na to ayaw pang sabihin agad kung sino e! >.<

"Kung ako sayo Ate Abi nagpapaload na ako ngayon bago pa tayo umalis. Baka magsisi ka pa."

"Bakit? Sino ba kasi?"

"Edi sino pa ba edi yang pinagpapantasyahan mo gabi gabi!"

"HAAAAAAAAAA? EMEGED EMEGED EMEGED! MAGPAPALOAD NA KO!"

At tama kayo ng hula mga beh! Sya nga yun! Pano nalaman ng pinsan ko? Siguro kinuha nya number ni Jomar dun sa contacts ni kuya dati, at yun nga kinompare nya at BOOM! At dahil pagayak na kami pauwi ng Manila, nagmadali akong nagpaload. Pero di padin ako nagreply sa kanya no haha magpapabebe muna ako 😂.

Ito na nga at nakapack up na kami, at nakagayak ng umalis. Habang nasa byahe tinry ko ulit makahagilap ng signal, at sa awa ng Diyos meron na!

*Tining!*

______

ITUTULOY.

L.A.B.B.Y 😍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon