Episode 3 Part 1 - Lunchbreak

3.5K 101 28
                                    

Episode 3 Part 1  – Lunchbreak

“Bakit ako gagawa nito? Pano pag nagkamali nanaman ako pagagalitan mo ko eh! Ikaw na lang kasi dito!” reklamo ni Julia habang nakaupo at nakatingin sa harap ng counter (POS) ng villamoda store sa SM.

Dahil Saturday ngayon, training nya para pagmamaster ng business nila DJ at dahil tapos na si DJ sa training nya, si Julia naman ang pahihirapan nya, este, ittrain nya.

“Wag kang mareklamo pinagdaanan ko din yan.” Katwiran ni DJ. Totoo namang nagtraining sya mula sa pagiging salesboy, cashier, supervisor, manager hanggang sa current training nya tungkol sa stocks ng company nila.

“Eh diba tayo yung magiging may-ari ng company so dapat ang pinag-aaralan ko yung pong CEO hindi ito.” Ganti naman ni Julia na nakasimangot na parang batang ayaw paglaruin ng tatay nya.

“Taas naman ng pangarap mo. Dapat magsimula ka sa pinakamababa papaakyat para alam mo lahat. Sige na ha aalis na ko malalate ako sa mallshow namin.” Paalam ni DJ bago pa humaba ang usapan.

“Malalate eh jan lang naman sa atrium ng mall na toh yung show nyo!” nagmake face pa si Julia pero hindi na sya pinansin ni DJ at umalis na toh.

Napatinign sya sa mga saleslady na titingin tingin kay DJ kanina.

“Ate, tulungan nyo ko ah…lam nyo naman gano kasungit sakin yung boss nyo naun hmf!” pakiusap ni Julia. Kahit naman crush ng mga yun si DJ loyal ito sa amo nila at hindi naglleak ng mga scoop tungkol kay DJ dahil alam din nila na napakastrictni DJ pagdating sa business ng family nya. Namana yata ni DJ yun sa Mama nya na si Ms.Karla.

Dahil palagi na rin bumibisita si Julia kasama si DJ sa store naging close na rin sya sa mga tao don. Lahat naman yata ng nakakasalamuha ni Julia nakukuha nya kaagad yung loob maliban sa mga co-stars at close friends ni DJ sa showbiz na pinapahiya talaga sya pero hindi na lang niya pinapansin.

“Wag kang mag-alala madali lang yan… ganito lang..” lumapit sa kanya si Ms. Josephine, area supervisor ng VillaModa na nakaassign ngayon sa SM branch.

Pinag-aralang mabuti ni Julia ang mga tinuturo sa kanya ng supervisor at unti-unti naiintindihan naman nya ang sinsabi nito. Sobrang focus nya at hindi nya namamalayan kanina pa pala nakamasid sa kanya ang isang family friend ng mga Padilla na nakilala nya minsan nung pumunta sya sa photoshoot ng mga models ng VillaModa.

“Busy-busy-han lang ah.” Nagulat pa sya ng dumukwang sa counter si Enrique or Quen kung tawagin ng lahat.

Tulad ng laging aura nito, jolly at gwapong gwapo. Nakabusiness suit ito na talaga namang bagay na bagay sa kanya. Kung titignan si Quen parang isang royal blood at galing sa elite family talaga. Magkakaibigan ang mga Gil at Padilla kahit na nagcocompete sila sa clothing business.

AYon sa kwento ni Quen kay Julia minsan nang magkausap sila ng seryoso, Ex ni Quen si Kathryn Bernardo n aka-loveteam ng pinsan nyang si DJ. Dating model ng VillaEstillo, company nila Quen, si Kath pero nung magbreak sila nagkaroon din ng ilangan sa work at lumipat ito sa mga Padilla. Kahit naman ganon mukhang hindi apektado ang friendship ng dalawang ‘empires’ at ok rin si DJ at Quen..ilang beses rin na nakikita ni Julia mag-hang-out ang dalawa although pansin nya na may tension pa rink ay Kath at Quen.

Naging close na din si Julia kay Quen kahit sandaling panahon pa lang silang magkakilala. Natuwa daw kasi ito sa kanya dahil napaka-carefree ni Julia. SI Quen naman sobrang formal at seryoso. Madalas napapagkamalang suplado pero kung tutuusin mas suplado pa si DJ dito. Sobrang dami lang kasi ng ineexpect ng parents ni Quen sa kanya kaya nga napilitan din itong bitawan muna ang shobiz at iprioritze ang modellingat business handling para sa family nila lalo na dahil lumalakas ang VIllaModa at mejo humina sila nang umalis si Kath na main model nila dapat.

Pag Kapiling Kita - (PK Series 2) JulNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon