Episode 3 Part 3 - Bawing Bawi

3.5K 107 32
                                    

Episode 3 Part 3  – Bawing Bawi

“Magie, go get the tray please.” Pabulong na itinuro ni Julia ang tray sa stante ng kitchen.

Dahil naguiguilty sa di nya pagpansin sa ‘effort’ng pinsan, susubukan nyang bumawi kay DJ ngayon. Pinagpaalam nya sa Tita Karla nya na papuntahin sina Magie at Lelay sa bahay ni DJ nang maaga bago ito magising. Alam nyang miss na miss ni DJ ang mga kapatid pero hindi nagtatagpo ang mga schedules nila at ngayon sya naman ang tutupad sa wish ni DJ na makabonding kahit sandali ang mga kapatid nya.

Naisip ni Julia na isurprise si DJ ng breakfast. Hahatiran nya ng breakfast si DJ kasunod ng pagsurpresa nila Magie. Hindi nya alam kung matutuwa si DJ dahil lagi naman itong sungit mode sa kanya pero, susubukan pa rin nyang bumawi.

“Ate Julia everthings ready na ba?” tanong ni Magie pagkaabot ng tray kay Julia.

Nasa isang plato ang garlic fried rice na may egg at bacon na kasama. Kung titignan parang yung mga nakikita sa cartoons na nakahugis mukha na nakasmile ang pagkakaayos ni Julia dito. Inilagay ni Julia ang plato sa tray, kasunod ng isang baso ng strawberry juice. Sa kabilang side inilagay nya ang isang platito na may slice ng cake na binili ni DJ. Inayos nya ang kubyertos at itiniklop pa ng parang nasa mamahaling restaurant ang tissue sa tabi nito.

“Okay na.” nginitian nya si Magie. Kanina pakasi ito excited sa gagawin nila. Curious na curious si Magie na matutunan ang mga bagay bagay kahit na bata pa ito. Pati sa pagluluto kanina ni Julia kinukulit sya ni Magie at nagpapaturo kung pano nagagawang magluto. Si Lelay naman inaantok antok pa kaya pinahiga muna ni Julia sa kwarto nya para makaidlip.

“Yehey! Tara na ate Julia!” tumatalon pang napapalakpak si Magie pero sumenyas si Julia na wag maingay baka magising si DJ. Mabilis naman sumunod ang bata sabay takip pa sa bibig nya.

“Open the door for me tapos hide kana sa room ko ha.” Utos ni Julia at binitbit na ang tray para dalhin sa kwarto ni DJ.

“Okay Julia, here goes nothing..” nasabi pa nya sabay buntong hininga.

“Bakit nervous ka?” tanong ni Magie kay Julia.

“Kasi msungit kuya mo! Alam mo naman yun favorite ako nun..favorite supladuhan.” Paliwanag naman ni Julia habang umaakyat sa hagdan. Kasunod nya si Magie na ngingiti ngiti at parang kinikilig pa yata.

Binuksan ni Magie ng dahan dahan ang pinto  ng kwarto ni DJ dahil may hawak si Julia. Dumeretso sya sa kwarto ni Julia pagkapasok ni Julia sa room ni DJ.

‘Tulog na tulog pa din. Anong kaya ito natulog kanina?’ naisip ni Julia nang makitang mahimbing na mahimbing ang tulog ni DJ.

Ibinaba ni Julia ang dalang tray sa side table at napatitig sa natutulog na si DJ. Nagdadalawang isip tuloy sya kung gigisingin na nya oh hayayaan na lang matulog dahil mukhang kulang na kulang pa din ito sa tulog. Halata naman sa lalim ng eyebags nya.

Pag Kapiling Kita - (PK Series 2) JulNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon