Episode 5 Part 1 - The Great Pretender

4K 127 69
                                    

Episode 5 Part 1  – The Great Pretender

“Goodmorning insan!” halos lumagpas na sa tenga ang ngiti ni DJ pagbaba ni Julia galing sa kwarto niya na pupungas pungas pa at halatang inaantok pa.

“Nakaligo ka na inaantok ka pa din?” tanong ulit ni DJ nang hindi kumibo si Julia at napatitig lang sa mesa kung san may nakaprepare nang breakfast for two.

“Ano-” magtatanong pa lang si Julia pero inunahan na siya ni DJ ng sagot.

“Nagluto ako ng breakfast. Lagi na lang kasi ikaw eh. Tara kain na tayo.” Ibinaba ni DJ ang hawak na dalawang cups ng hot chocolate sa mesa.

Napatingin si Julia sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakapambahay na t-shirt at shorts lang si DJ. Ang nakakatuwa pa, naka-apron ito pero lalaking lalaki pa rin ang dating.

“Aminin mo….” Naningkit ang mga mata ni Julia habang nakatingin kay DJ. Nagtaas lang ng dalawang kilay si DJ na parang sinasabing “ano?”

“Monster ka! Ginagaya mo lang itsura ni DJ! Hindi ikaw yung pinsan ko nagpapanggap ka lang… san mo tinatago si DJ ha?” matapang na tanong ni Julia.

“Ewan ko sayo! Kumain ka na nga! Magpasalamat ka na lang pinaghirapan kong lutuin yang breakfast natin…iappreciate mo naman effort ko!” Mejo naasar na si DJ habang iginaguide si Julia sa upuan para makakain na sila.

Dahil nagtataka at naninibago, hindi na lang kumibo si Julia at nagsimula silang magbreakfast ng tahimik…halatang nakikiramdam sa isat isa. Parehas nagnanakawan ng sulyap pag hindi nakatingin ang isa sa kanila.

Kahit si DJ naninibago din sa pakiramdam niya. Ginagawa lang niya ito para makuha ang loob ni Julia at later on mapa-DNA test niya ito pero bakit parang naiilang and at the same time natutuwa siya sa ginagawa niya? Ganun din kaya si Julia?

“May lagnat ka ba?” tanong ni Julai nang hindi na matiis ang katahimikan.

“Wala noh…” sagot naman ni DJ na tuloy lang sa pagkain.

“Eh anong drama toh? Parang kang batang may ginawang kasalanan kaya bumabawi.” Halos pabulong na lang na sabi ni Julia pero pinadinig niya talaga kay DJ.

‘Gagawin pa lang yung kasalanan.’ Sa isip isip ni DJ pero hindi nya syempre sasabihin yun kaya ngingiti ngiti na lang siyang tumango kay Julia.

“Kasi narealize ko ang sungit ko pala talaga sayo… hindi kita binibigyan ng chance na tanggapin sa family namin.. natin. Gusto ko lang magsorry…sana magkaayos na tayo. Naiinis lang naman ako sayo nun kc fangirl na fangirl ang dating mo...” sinubukan ni DJ na maging sincere ang itsura at boses. Pero sa totoo lang yung huling sinabi nya ang pinakaseryoso.

Naiirita siya kay Julia dahil sa pgiging fangirl nito. Nasasakal siya dahil sa trabaho puro yun ang kaharap niya tapos pagdating sa bahay ganun pa rin. Naunahan lang talaga siguro siya ng inis kaya hindi niya nagawang tanggapin si Julia ng maayos. Nang oras naman na gusto niyang subukang maging nice kay Julia, tsaka naman siya nagkaroon ng pagdududa tungkol sa pagkatao nito.

“Di na ko ganun ngayon ah…sanay na ko sayo tsaka…di na nga kita crush! Ikaw lang nag-iisip nun ang yabang mo kase!” umarangkada nanaman ang pang-aasar ni Julia para subukan kung totoong nagsosorry na nga si DJ.

“Kaya nga sorry na. Sige para makabawi ako magrequest ka ng kahit ano.” Sabi pa ni DJ para lalong convincing.

Parang flashflood namang pumasok sa isip ni Julia ang mga gusto niya.. Starbucks? Pasayawin sa kalsada si DJ ng Macarena? Gawing slave for the day? Ayain magshopping at ipabili lahat ng gusto niya? Sapakin ng malakas? Lahat nang yan naisip ni Julia pero sa huli, napili nyang unahin ang mga kaibigan.

Pag Kapiling Kita - (PK Series 2) JulNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon