Zaira's POV
"OMG! Sobrang aga mo naman ngayon Zaira!"
Patay tayo dyan!Ang hyper na naman ni Sheena,siguro may magandang balita na naman itong babaeng ito. Hayst. Si Sheena nga pala yung maliit ko na kaibigan, short hair, maputi, cute, at medyo makulit.
"Goodmorning din Sheena..."
Ganyan na lang sinagot ko sa kanya, tinatamad ako ngayong umaga kasi sobrang aga kong nagising ngayon.
"Guess what?May good news ako sayo ngayon!HAHAHAH!"
Good news?Ano na naman kaya? tinanong ko na lang si Sheena tungkol dun.
"Anong good news mo?"
Ngumiti lang sya...Edi wow!
"Ano?Ngingitian mo lang ako dito?"
Sabi ko kay Sheena na parang nagagalit kahit hindi naman. Hehehe.
"Hindi naman sa ganun Zaira!Sobra ka naman."
"Oo na. Sige na. Ano ba kasi yung sasabihin mo?"
Todo ngiti parin nito ah. Makikinig na nga lang ako sa sasabihin nito.
"Well, may transferee daw dito sa school natin."
Ahhhh. New student pala. Akala ko kung ano-ano na naman ang meron dito sa campus eh. Pero tinanong ko si Sheena kung sino at ano ang section nya.
"Sino?Ano naman section nya?"
"Hindi ko pa alam eh. Heheh."
"Ahhh... Ok"
Hanggang dun na lang ang pag-uusap namin ni Sheena dahil pagkabukas ng front door ng classroom namin, Si ma'am na pala yun.
"Goodmorning class!"
"Goodmorning Ma'am Venice!"
Umupo na kaming mga magkakaklase pagkatapos naming bumati kay ma'am.Biglang nagtanong yung isa kong kaklase na si Christian.
"Ma'am!Balita po namin na may new student daw po dito sa Kirena High School Academy."
Ngumiti lang si ma'am sa sinabi ni Christian at nagsalita.
"Yes! Totoong may new student dito sa campus. Teka lang at tatawagin ko na sya sa labas."
Lumabas si ma'am ng classroom at pinapasok na yung new student at nagpakilala na sa amin.
"Hi... Ako nga pala si Kenneth Llorente. Nice to meet you all."
Nagkatinginan kaming dalawa ng ilang segundo pero umiwas agad ako ng tingin.Parang nag-iba yung pakiramdam ko dun ah. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako o kung ano man.
Pero kung titignan naman yung appearance nya, napakagwapo, matangkad, maputi, mukhang gentleman,maganda yung mata. Halos lahat ng kaklase kong babae kilig na kilig sa kanya except sakin.
"Ok class.lf you have some questions about Kenneth, feel free to ask him."
Pagkasabi ni Ma'am Venice na pwede kaming magtanong-tanong about kay kenneth, andaming mga babaeng nagtanong agad sa kanya,ang malala pa dito ay kasama si Sheena sa mga babaeng nagtatanong sa kanya.
"Umm... kenneth, anong favorite sports mo?"
Tanong ni Feona na isa sa mga nakikipag-away sakin dahil kilala ako sa campus. Maarte, curly hair, sakto lang yung height nya para sa isang 3rd year high school student.
YOU ARE READING
Sacrifice Love
Teen FictionSi Zaira Santos ay isang sikat na high school student sa campus nila. Humble,mabait at matalino. Nung bata pa lang sya, may nakaaway ang mga magulang nya. Bilang higanti, may nagcurse sa kanya na kung saan ay kailangan nyang hanapin ang true love ny...