Vianca's POV
Bakit? Bakit ba ayaw ni Zaira maniwala sakin? Alam kong marami akong kasalanan sa kanya, pero please naman, kahit ngayon lang.
Iniwan niya akong mag-isa dito. Umiiyak dahil sa takot. Sobrang kinakabahan. At nanginginig lalo na ngayon na mag-isa lang ako dito at walang katao-tao.
Tumakbo na lang ako ng mabilis dahil baka dumating si Kenneth at patayin ako dahil sinabi ko kay Zaira kung ano ang meron sa kanya. Buti na lang at nakabalik na agad ako ng classroom namin.
Zaira's POV
Uwian na! Nauna na si Sheena na umuwi dahil sabay silang uuwi ni kuya Francis. Ito naman si Kenneth nakasimangot. Mukhang problemadong problemado. Pero tinanong ko na lang sya kung anong meron.
"Kenneth! Anong problema mo? Okay ka lang?"
Ngumiti sya sakin at nagsalita.
"Wala naman. Bakit?"
"Nakasimangot ka kasi eh."
"Bakit? Nag-aalala ka ba sakin?"
What the?!?! Ako mag-aalala kay Kenneth?! NO WAY!
"Ano?!?! Ako? Mag-aalala sayo? Hinding-hindi mangyayari yun!"
"Weehh?"
"Talagang H.I.N.D.I!"
"Pero kanina nagtanong kung okay lang ako."
"Talaga lang huh? Bakit? May ebidensya ka?"
"Oo meron!"
"Sige nga! Anong ebidensyang meron ka?"
"Kanina nung lunch time at ngayon nagtanong ka kung okay lang ako."
Oo nga pala noh. Kaninang lunch time at ngayong uwian nagtanong ako kung okay lang sya. Hayst.
"E-edi wow!"
Nahihiya na tuloy ako sa kanya. Kainis!
"HAHAHAHAHAH!"
Tumawa lang sya nang tumawa ng malakas. Napatingin ako sa may front door. Nakita ko si Vianca. Nakasilip sa amin. Sobrang seryoso ng mukha nya at medyo nanginginig.
"Zaira? Sino sinisilip mo sa may front door?"
Tumingin si Kenneth sa may front door. Nagulat sya dahil nakita nya si Vianca. Pipigilan ko sana si Kenneth kaso hula na. Umalis na agad si Vianca nang makita sya ni Kenneth. Pagkatingin ko kay Kenneth, seryoso yung mukha nya pero parang may konting kaba.
"Kenneth."
Napatingin na sya sakin dahil tinawag ko sya.
"B-bakit?"
Tanungin ko na kaya si Kenneth about sa tunay na katauhan nya? Or..... hindi na lang dahil baka pinaglalayo lang kami ni Vianca?
"May itatanong lang sana ako sayo."Tinankng ko sya ng mahinnahon at medyo kinakabahan.
"A-ano yun?"
Hindi ko kaya! Ayoko na! Sa susunod na lang! Kinakabahan ako.
Yumuko na lang ako at kinuha ang bag ko at umalis na.
"Sa susunod pala."
"T-teka. Zaira! Zaira! Zairaa!"
Iniwan ko na lang si Kenneth mag-isa sa classroom.
Kenneth's POV
Muntikan na ako dun ah! Pero mas kinabahan ako sa kung anuman ang itatanong sakin ni Zaira. Hindi nya naitanong sakin. Mukhang kinakabahan sya.
Sumilip ako sa may bintana at nakita kong nagmamadaling naglalakad si Zaira. Parang natatakot.
Binaliwala ko na lang sya. Binitbit ko na yung bag ko at umalis na. Umuwi na ako, baka mag-alala pa sila mama.
Zaira's POV
Goosshhh! Namamadali akong naglalakad. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Sana naman sa susunod maitanong ko na ng maayos si Kenneth.
Buti na lang at malapit na rin ako sa village namin. Huminto ako sa isang lugar kung saan humihinto ang mga taxi.
Habang naghihintay ako ng taxi, may nakita akong lalaking naglalakad. Maputi at matangkad. Nakaschool uniform rin sya ng KHSA(Kirena High School Academy). Habang palapit na sya palapit, unti-unti ko na syang namumukhaan. Si Kenneth pala.
Nagulat kaming dalawa. Nagtataka kung bakit parehas kami ng dinadaanan. Tinanong ko sya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Dito ako dumadaan pauwi. Ikaw?"
"Dito rin ako dumadaan pauwi."
"Aahhh."
Medyo malayo na ako nung nag-uusap kami. Hindi ko na nga sya makausap ng maayos ngayon eh. Buti na lang at may dumating na rin na taxi. Naiwan na naman si Kenneth mag-isa.
Habang nasa taxi ako. Hindi ko maalis-alis sa utak ko yung mukha ni Kenneth na kinakabahan kanina nang makita nya si Vianca na nagtatago sa front door ng classroom namin.
Pagkababa ko ng taxi. Nasa harap na ako ng gate namin. Biglang may nagtext sakin na "Unknown". Binasa ko yung text nya.
"Zaira. Si Kenneth ito. Nakuha ko yung number mo galing kay Sheena."
What the hell! Lagot sakin si Sheena bukas! Binigay ba naman nya yung phone number ko Kenneth ng walang paalam!
Pumasok na ako ng bahay namin. Nakita ko si mama nagluluto na ng adobo. Si papa naman nanonood ng balita.
"Anak, nakauwi ka na pala."
Masayang pagbati sakin ni mama. Masayahin si mama. Mabait,maaruga at madaling lapitan kapag may problema ka.
"Mukhang nasa magandang mood kayo ngayon mama ah!"
"Hay nakoo Zaira, tigil-tigilan mo nga ako. Hahahah! Heto, kumain ka na muna bago ka umakyat at pumasok sa kwarto mo."
"Salamat ma!"
Umupo na ako at kumain na sa dining table namin. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko yung pinggan at umakyat na sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit na parang bang minamartilyo. Tinawag ko si mama. Buti na lang at nakarating agad sya. Binigyan ako ni mama ng gamot para hindi na sumakit yung ulo ko. Sabi ni mama na magpahinga daw muna ako.
Habang nagpapahinga na ako, tumawag sakin si Sheena. Dahil sa ginawa nya, imbes na sagutin ko yung phone ng maayos, sinagot ko sya ng pasigaw!
"H-hello Zaira."
"Ano na naman ba!?!?"
"Teka, galit ka ba?"
"Sino ba sa tingin mo ang hindi magagalit sa ginawa mo?"
"Huh? Ano bang ginawa ko?"
"Binigay mo kay Kenneth yung phone number ng walang paalam!"
Binaba ko na agad yung phone. Lalo lang nya ako binibigyan ng sakit ng ulo!
Kenneth's POV
Hayst. Bakit ba sa lahat ng coincidences namin ni Zaira, ako lagi yung naiiwan? Malas nga naman. Tsk tsk.
Padilim na nang padilim dito pero hindi pa rin ako nakakauwi. Antagal ng taxi! Maya-maya pa at parang may naririnig akong yapak ng tao sa likuran ko.
Pagkatingin ko, isang grupo ng mga lalaki. Mga siga umasta. Yung iba may hawak ng kutsilyo at yung iba naman puro baril. Narinig ko yung ilan sa mga lalaki na nagsalita.
"Pare. Ayun sya. Nakita na natin sya."
"Oo nga. Hulihin natin."
Naglalakad na lang ako papalayo sa kanila. Naglakad na lang ako pauwi. Kaso, parang ako ata sinusundan ng mga ito. Kaya, tumakbo na lang ako ng mabilis at dumaan sa mga lugar na kung saan ay may maraming tao para hindi nila ako mahabol at makita ulit.
Buti na lang at nakalayo rin ako at nakauwi ng maayos. Hindi na lang kiniwento sa pamilya ko tungkol sa nangyari.
YOU ARE READING
Sacrifice Love
Teen FictionSi Zaira Santos ay isang sikat na high school student sa campus nila. Humble,mabait at matalino. Nung bata pa lang sya, may nakaaway ang mga magulang nya. Bilang higanti, may nagcurse sa kanya na kung saan ay kailangan nyang hanapin ang true love ny...