CHAPTER 7

0 0 0
                                    

Zaira's POV

Napangiti ako pagkatapos kong basahin yung nakasulat sulat sa papel na ibigay sakin ni Kenneth. Dahil ang nakasulat ay.....

Kinausap kami ng principal dahil pasok na kami sa varsity ng basketball. Tinanong lang kami kung kaya daw ba naming ipagsabay yung studies namin tsaka yung mga practices.

Pasok na sila sa mga varsity! Masaya ako para sa kanilang dalawa. Kaso nga lang hindi na kami laging kompleto.

Lunch time na at dumeretso na ako sa library. Hindi muna ako sumama sa tatlo. Tsaka maganda kasing gumawa ng mga schoolworks dun dahil tahimik malawak.

Pagkapasok ko pa lang, agad kong hinanap lahat ng kailangan ko. Nandito ako sa harap ng isang shelf. Well, back-to-back kasi ang mga shelf dito sa library. Nakita ko na yung hinahanap ko na libro.

Pagkakuha ng libro, nagulat ako dahil may isang lalaking kumuha ng librong nakatapat sa kinuha ko. Napatingin kami sa isa't-isa. Nakasalamin sya, medyo singkit, maganda yung mga mata nya at mukhang gentleman. MUKHA LANG naman.

Nginitian ko na lang sya at kinawayan naman nya ako. Umalis na agad ako sa shelf na yun. Medyo nahiya ako ng konti sa KANYA. Dahil nahanap ko na yung libro, humanap na ako ng mauupuan.

Pagkaupo ko, nakita ko na katapat ng upuan ko yung inuupuan ng lalaking nakita ko kanina.

Hindi ko na lang pinansin at ginawa ko na ang dapat kong gawin. Pero napupunta pa rin yung atensyon sa lalaki na yun. Pagkatayo nya, may nalalaglag sya na notebook pero hindi nya ito napansin.

Kinuha ko yung notebook nya at hinabol ko sya sa labas. Tuwing nakikita ko na sya, lagi na syang nasa dulo. Habol ako ng habol sa kanya. Hanggang sa makapunta na ako sa basketball court at doon ko sya naabutan na napaupo na.

Nilapitan ko na lang sya at ibinigay yung notebook na naiwan nya. Paalis na sana ako kaso biglang nya akong kinausap.

"Ummm... Miss! Pwede ko bang malaman yung name mo?"

Lumingon ako sa kanya at sinagot yung tanong nya.

"Zaira. Zaira Santos ang pangalan ko."

Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ikaw pala si Zaira. Isang sikat na 3rd High school student dito sa campus."

"Well... Ako nga ata yun."

"BTW. Ako nga pala si Andrei Tolentino."

"Nice to meet you Andrei. Well, anong ginagawa mo dito sa basketball court?"

"Varsity ako kaya nandito ako."

"Ahhh ganun ba. Sige mauuna na ako. Bye!"

"Bye!"

Nagpaalam na ako kay Andrei at bigla kong nakasalubong sina Kenneth at Christian nagtatawanan. Nagulat silang dalawa sakin at tinanong ako kung ano ang ginagawa ko dito sa basketball court.

"Zaira? Anong ginagawa dito?"

Tanong sakin ni Christian.

"May binalik lang ako kay Andrei."

"Anong binalik mo?"

Sabat ni Kenneth.

"Yung notebook nya. Naiwan nya kasi yun sa library kaya binalik ko na lang."

"Ahhh... ganun?"

Paasar na tanong sakin ni Christian.

"Teka. Diba dapat kasama nyo si Shee-"

Hindi ko natuloy yung dapat na sasabihin ko dahil bigla akong tinawag ni Andrei.

"Zaira!"

Lumapit sa aming tatlo si Andrei at kinausap ako.

"Sorry sa abala. Hindi pa nga pala ako nakapagpasalamat sayo."

"Ahhh ganun ba? Ok lang naman sakin kung hindi ka pa nakapagpasalamat eh. Maliit lang naman na bagay yun."

Nginitian ko sya at umalis. Iniwan ko na yung tatlo. Malapit na pala magsimula yung klase namin! Tumakbo ako ng sobrang bilis at buti naman kasi wala pa yung teacher namin sa Values.

Umupo na ako sa upuan ko at biglang lumapit sakin Sheena.

"Zaira. Bakit wala pa yung dalawang lalaki?"

"Nasa basketball court sila. Ewan ko lang kung bakit. Hindi ko rin kasi naitanong eh."

"Ay ganun?"

"Oo. Bakit?"

"Iniwan kasi ako ng dalawang yun sa canteen. Kaya mag-isa lang ako kanina!"

Aba! Kaya pala parang hindi sila magkakasama. Kaya rin pala nagtatawanan yung dalawa! Lagot sila sakin mamayang uwian.

"Lagot sakin mamayang uwian yang mga mokong na yan!"

Pagalit kong sinabi sa harap ni Sheena. Hanggang sa dumating na ang teacher namin sa Values  at nagsimula na kaming magklase.

Tapos na rin ang klase namin at pintahan ko sa basketball court sina Kenneth at Chrsitian. Pagkapasok ko, nakita ko si Kenneth na naglalaro.

Ang bilis nyang tumakbo at kumilos. Ngayon ko lang kasi nakitang maglaro si Kenneth. Hindi akalain na magaling pala sya. Pagkatapos nilang magpractice nilapitan ko agad  sya at sinabihan dahil sa ginawa nila kay Sheena.

"Kenneth!"

Pagalit kong tawag sa kanya.
Nagulat sakin si Kenneth. Medyo natakot sya sain dahil sa sama ng tingin ko sa kanya.

"B-bakit Zaira?"

"Bakit nyo iniwan ni Christian si Sheena sa canteen ng mag-isa?"

Hindi sya agad nakasagot sa sinabi ko.

"Teka! Bakit ako lang yung pinapagalitan mo? Diba dapat si Christian rin?"

Biglang dumating si Christian. Yumuko at nagkamot ng ulo si Kenneth.

"Woow! Mukhang may LQ ulit kayong dalawa ah! HAHAHAH!"

Papatulan ko na sana si Christian. Kaso pinigilan na lang ako ni Kenneth.

"Relax ka lang Zaira. Kumalma ka muna please lang."

"Paano ako kakalma eh iniwan nyo nga si Sheena sa canteen ng mag-isa."

Pagalit kong sagot kay kay Kenneth. Nanahimik na lang at ngumiti na parang walang nangyari.

"Ahhh... yun ba? Trip ko lang kasing inisin si Sheena kanina. Heheh."

Sabi sakin ni Christian ng mahinahon.

"Sorry Zaira."

Dagdag ni Christian ng mahinahon saki. Binaliwala ko na lang sila at umalis na. Sumunod sakin si Kenneth para magsorry kaso hindi ko pinansin. Naabutan nya ako lagi sa lahat ng dadaanan ko.

Pero sa huling pagkakataon, tumingin ulit ako sa likuran kung nakakasunod pa rin sya. Kaso hindi ko na sya nakita. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala na sya.

Hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng gate. Pagkalabas ko, nakita ko si Andrei may hinihintay ata. Napatingin sya sakin at ngumiti.

Nagulat na lang ako dahil biglang na lang syang lumapit. Bigla nya akong kinausap. Mas lalo akong nagulat sa sinabi nya.

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi sakin ni Andrei. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi nya sakin.















Sacrifice LoveWhere stories live. Discover now