CHAPTER 11

1 0 0
                                    

Francis' POV

Hindi ko talaga makakalimutan yung pangrerebound ni Aaron kay Erica last year. Iyak ng iyak si Erica nang malaman nya yung totoo.

Nung una, hinahabol pa talaga ni Erica si Aaron dahil ayaw nya itong mawala sa kanya. Pero isang araw, naaksindente si Erica.

Habang nasa Family Hospital kami ng mga Santos, or let's just say na Family Hospital nila Zaira. Ako lagi ang nagbabantay sa kanya.

Hanggang sa mabalitaan ko na lang na bigla syang tumakas ng Hospital at hindi na ulit nagparamdam. Hanggang ngayon, walang may kung patay na ba sya o buhay parin ngayon sa malayong lugar.

"Tsk tsk. Sabi na nga ba eh. Mahal mo pa rin si Erica hanggang ngayon."

Sabi sakin ni Aaron.

"Sobrang kapal talaga ng pagmumukha mo."

Pakalma kong sagot sa kanya.

"Mukhang magkakagulo ulit tayo ah!"

Sabi ni Aaron.

"Hindi naman tayo magkakagulo dito kung hindi mo gagalawin si Zaira."

Sabat ni Kenneth. Hindi ko rin maintindihan itong Kenneth na ito eh. Sobrang defensive pagdating kay Zaira. Hayst.

"Pwede ba, kung may masama kang balak sa kaibigan kong si Zaira. Itigil mo na agad yan."

Sabi naman ni Christian. Kaso tinawanan lang kami ni Aaron at umalis na. Susugurin at susuntukin ko na sana si Aaron kaso pinigilan lang ako nina Kenneth at Christian.

"Kung wala lang talaga ako sa varisty, matagal ko nang pinatay yang mokong na yan!"

"Francis. Kumalma ka muna. Kalimutan na lang muna natin ni Christian tungkol sa nangyari ngayon."

Sabi sakin ni Kenneth. Tumango na lang sa kanya.

"Umuwi na tayo lalo na ngayon dahil padilim na ng padilim."

Sabi ni Christian sa aming dalawa ni Kenneth. Bigla kong naalala na ginamit nga pala ni Sheena yung kotse ko.

"Francis. Sumabay ka na lang sakin."

Inaya ako ni Christian na sumabay na lang sa kotse tutal malapit lang naman ang bahay namin sa kanila.

"Sige. Mauuna na ako. Commuter ako ngayon."

Sabi ni Kenneth habang palabas na ng gate. Sa mabuting palad at nakauwi na kaming tatlo ng maayos.

***
KINABUKASAN

Zaira's POV

Nandito na sa tapat ng gate namin at pumasok na ako. Nakita ko ulit yung bus ng nakalaban ng school namin kahapon. Pumunta ako sa main building. Doon kasi nakapwesto ng mga locker namin.

Ang main builing kasi ang unang bubungad sayo pagkapasok mo ng campus namin. Doon rin nakapwesto lahat ng facilities tulad ng principal's office, dicipline office, faculty room, computer lab. , science lab at etc. Pero nakahiwalay ang canteen namin sa main building at yung library.

Pagkalabas ko ng main building namin, nadaan ko yung isang bulletin board. Tinignan ko at nakita kong nakalagay dun ang news tungkol sa practice game kahapon ng basketball. Tinignan ko rin yung time ng laro nila mamaya.

Umalis na ako at dumertso na sa 3rd Year High School building. Pagkapasok ko ng classroom at paglapit ko sa lamesa ko, may nakita ako na limang bulaklak. Gumamela sya. Dalawang color pink, dalawang violet at isang color red.

Lumingon-lingon ako kung nasa paligid lang yung taong naglagay ng mga gumamela sa lamesa ko. Pero wala ako napansin kahit isa. Gusto sanang pasalamatan kung sino man sya dahil napangiti nya ako ngayong umaga.

Nagbukas yung pinto at may pumasok. Si Kenneth pala.

Nakita nyang hawak ko yung mga gumamela. Yung mukha parang nalilito na.

"Sino nagbigay nyan sayo?"

Tanong sakin ni Kenneth habang nakatingin sa mga gumamela.

"Hindi ko nga kilala eh. Nakita ko na lang na nakalagay dito sa lamesa ko."

"FYI lang Zaira ah. Hindi ako ang nagbigay nyan. Isang beses pa lang ako nagbigay sayo ng bulaklak."

"Alam ko. Hindi mo naman gawain yung mga ganitong klaseng bagay eh."

Tumingin na lang ako sa mga gumamela. Sobrang ganda. Dumating na si Ma'am Venice at nag-announce na wala kaming klase ngayon dahil may laro ngayon.

Nagkasundo kami ni Kenneth na sabay na lang kaming pumunta sa basketball court. Nag-uusap lang kami ni Kenneth tungkol sa kanya habang naglalaro sila kahapon.

Pagkapasok namin ng basketball court, pumunta na sya sa team nya at hinanap ko si Sheena para magkatabi ulit kami habang nanonood ng laro.

Napatingin ako sa 2nd floor at nakitang kong nakatingin sakin si kuya Aaron. Ngumiti sya sakin at kumaway. Nginitian ko lang din sya pero hindi ako kumaway.

Pagtingin ko naman sa baba sa may court. Nakita ko naman na yung lima na sina Kenneth, Christian, Lawrence, Andrei at kuya Francis na nakatingin sa akin at kay kuya Aaron ng masama.

"Zaira. Nakatitig na naman si kuya Aaron sayo oh! Ayyyiiieeee!"

Sabi sakin ni Sheena na parang kinikilig.

"Alam mo Sheena. Punong-puno talaga yang utak mo ng mga kalokohan."

Sabi ko kay Sheena na parang naiinis na.

"Hindi ko nga alam kung kanino kita susuportahan eh!"

"Huh? What do you mean?"

"Andaming lalaking bagay sayo! Si Andrei bagay sayo, si kuya Aaron din. Tapos....."

"Tapos?"

"Si Kenneth! Si Kenneth ang pinakabagay sayo!"

Hindi ko namalayan na namula yung mukha pagkatapos sabihin sakin ni Sheena na bagay DAW kaming dalawa ni Kenneth. Nanahimik na lang ako.

At wakas naman dahil nagsimula narin yung game. Hindi parin kami natambakan ng taga ibang school. At sa huli, panalo pa rin kami. 117-96 ang score.

Lumabas na kami ni Sheena. Hanggang ngayon, bitbit ko parin yung limang gumamela. Nakita ako ni Kenneth na hawak parin ang mga ito. Inaasar nya na naman ako.

"Hanggang dito ba naman dinala mo pa rin yan!"

"B-bakit ba?!?!"

"Inlove ka na ba agad sa taong nagbigay nyan na hindi mo nga kilala kung sino sya?"

"H-hindi ah! Kung ano-ano na naman mga pinag-iisip mo!"

"Talaga huh? Eh kanina mo nga hawak yang mga yan habang nakangiti kanina sa loob! Imbes na manood ka ng laro,natitig ka lang dyan!"

Sabat ni Sheena. Biglang may mga tinanong sakin si Kenneth. At sinagot naman ang mga ito.

"Gumamela o rosas?"

"Rosas."

"Rosas o ako?"

Nagulat kami sa tinanong sakin ni Kenneth. Pero ang sinagot ko ay.....

"Syempre ikaw."

"Bakit naman?"

"Eh kasi ang rosas hindi ako kayang ilibre ng pagkain kaya ikaw na lang kasi alam kong kaya mong manglibre."

Sabay ngiti sa kanya. Nginitian na lang ako ni Kenneth at imbes na yung ulo ko ang tapikin nya, yung parehong pisngi ko pa talaga! Kainis. Masaya na sana kami kaso biglang may lumapit sa amin na lalaki.








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sacrifice LoveWhere stories live. Discover now