Prologue

28 1 0
                                    


Michelle's pov

"pwede na dito" sabi ko sa mga kasama ko, magkacamping kase kaming magbabarkada dito sa gubat, napag tripan lang namin yung tent sa bahay namin haggang maisip ni meralynn na mag camping.

"sige okay na dito, Mitch ikaw na bahala sa tent ng mga girls, Lynn ikaw doon sa makakain natin mamaya, Andrei ikaw sa tent natin at sa mga walang magagawa maglinis kayo ng palid, okay?" ayan na naging tatay nanaman namin si Xelo.

sumimangot naman ako at inayos ang magiging tent namin, ng matapos ako ay naglatag ako ng karton at nilagay ang kumot at unan namin.

medyo madilim na kaya naggawa kami ng bonfire, nagtatawanan kame at nagkwekwentuhan, hindi namin na pansin na nilipad yung mapa ng gubat sa bonfire kaya nasunog ito.

" hala! paano tayo makakauwi eh nasunog ung mapa?" nagpapanic na sabi ni fierra.

" siguro naman may cellphone kayo diba?" sabi ni andrei.

" walang kong load eh" sabi ni meralynn,
"lobat cellphone ko eh" sabi ni andrei.

"eh ikaw blaze?" tanong ni andrei, "wala kong dala" sagot niya.

"ikaw fierra?" tanong ni xelo

tinuro ni fierra yung bonfire nakita namin don ang tustado niyang cellphone, bumuntong honinga sila at tumingin saakin.

" ah hehehe, wala akong cellphone" sagot ko at nagkamot ng anit.

"Hayyy, wala talaga tayong magagawa, kundi maglakbay" sabi ni xelo.

" siguraduhin mong makakauwi tayo niyan" banta ni fierra na papaiyak na.

" sige basta bukas nalang tayo maglakbay, gabi na oh" sabi meralynn.

nagsitanguan naman kami at pumasok sa tent namin, sana lamg hindi kami maligaw, ayoko namang maging katulad ni tarzan noh.

nagdasal muna ako bago matulog, siyempre good girl ako noh.

--

" good morning !" masayang wika ko sa mga kasama ko.

" walang good sa morning" matamlay na wika ni Meralynn.

" tara labas na tayo, gisingin na natin yung mga kumag" kahit kailan talaga boys lagi iniisip netong si fierra.

" geh, ikaw nalang" sabi ni Meralynn, " eh ikaw Mitch, sama ka?" todo iling naman ako, inirapan niya ako at tuluyan ng umalis.

nagkatinginan kami ni lynn at tumawa, bestfriend ko to eh.

lumabas na kami at inayos yung mga hamit namin, ganaun narin ang ginawa ng mga boys.

lakad lang kami ng lakad, nang may tumawag samin.

" hoy!!, anong ginagawa niyo dito?!" tawag saamin ng isang lalaking naka-pang guard na uniform na may talsik
pa ng dugo.

" n-naligaw lang p-po kami, aalis na nga po kami dapat pero nasunog po yung mapa namin eh" sabi ni andrei na ikinangise nung lalaki.

" baka hindi na kayo makalabas wala kasi kaming mapa netong gubat at hindi namin kabisado ang daan dito, exept sa daan papunta sa school" sabi nung lalaki sabay ngiti ng nakakakilabot.

"pwede niyo po na kaming dalhin doon? baka po kasi pwede po dun humingi ng tulong" sabi ni Xelo.

" pwedeng pwede, tara na?" hindi maalis sa mukha niya ang kanyang ngise.

may masama akong kutob eh, parang may mali talaga, bat parang ayoko ng tumuloy? naka ilang minuto kami bago makarating sa school na sinasabi ni kuyang guard, at ang nakakapag taka sa gitna ng gubat talaga?, red and black yung theme color at gold na linings, parang tong kastillo.

" tara sa loob, dalhin ko kayo sa may ari nitong school" sabi niya sabay ngiti ng nakakakilabot.

pumasok kami sa school, maganda sa loob at walang istudyanteng mga pakalat kalat, siguro may mangadorm dito kase gitna to ng gubat noh?


tumigil kami sa malaking pinto, kusa itong bumukas, bumungad saamin ang napakalaking kwarto at babaeng nakatalikod.

humarap siya saamin at ngumiti ng nakakakilabot, "so........ kayo ba ang naliligaw sa gubat na ito?" tanong niya.


" paano nyo po nalaman?" tanong ko, tinuro niya yung nasa gilid niya kaya napatingin kami doon, isang screen kung saan makikita mo ang iba't ibang parte ng gubat.


tumango naman kami," alam niyo po ba kung paano kami makakalabas sa gubat?" magalang na tanong ni Xelo.



" walang nakakaalam ng daan palabas dito, pero kokontakin nalang namin ang mga magulang niyo, ibigay nyo nalang ang number nila, babalitaan nalang namin kayo, at para di masayang ang pagi- istay nyo dito mag-aral nalang muna kayo dito, pangako makakaalis din kayo sa gunat na ito maghintay lang kayo ha?" mahabang litanya niya.

medyo nagaalinlangan pa kami, pero pag di kami pumayag magiging pulube kami sa labas ng gubat,sa huli ay pumayag na kami.

" pero wala po kaming pera pambayad" saad ko na ikinatango ng lahat.






"libre na lahat at eto yung uniform niyo" sabi niya at inabot ang isang bag nang may malawak na ngiti sa kanyang mukha.


nagaalinlangan parin kaming tumango, ano kaya klaseng buhay ang haharapin namin?....












Unforgettable SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon