may mali po doon sa cast dapat po talaga ay lisa Manoban as Michelle Silvia at Jennie kim as Ashly elarte, para po kasing mas bagay yung role ni michelle kay lisa kaya pinagpalit ko:)**********
Mitch's pov
"antagal naman nila ashly" sabi ko at nagpapadyak sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako baka kasi kung ano na nangyari sakanila.
sakto naman bumukas ang pinto,"sorry natagalan lang kami kasi mag-cr pa si andrei tapos nag-retouch pa si fierra" sabi niya saamin ni blaze, nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala naman napahamak sa kanila.
"tara na! baka wala na tayong maupuan sa canteen" sabi saamin ni ashly, magsitanguan naman kami at sumunod sakanya. habang naglalakad lami sa hallway lahat sila nakatingin saamin yung iba ay nagbubulung-bulungan pa.
lakad lang kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa tinatawag ni ashly na canteen. naghanap kami ng mauupuan,nakahanap naman kami ng bakante dito sa dulo, bawat lamesa ay may apat na mauupuan kaya pinaglapit namin yung lamesa.
umupo na kami,"uhhmm, ashly wala kaming dalang pera eh" nahihiyang sabi ko, malay ko bang makukulong kami sa lugar na ito eh.
"alam niyo ba ang salitang 'libre ang lahat' ?" pahiya kami dun ah, oo nga naman kakasabi lang naman saamin kahapon.
"so, anong gusto niyong pagkain ako na kukuha para sa inyo" sabi saamin ni ashly nang nakangite.
"ano ba mga pagkain dito?" tanong ni meralynn,"basta sabihin niyo nalang gusto niyo" inip niyang sabi saamin.
"ahhh, okay saakin rice nalang at fried chicken tsaka water nalang" pabebeng sabi ni fierra. maaga talaga tong babaeng to mamamatay tsk.
"saakin tulad lang ng kay fierra" sabi ni andrei kaya hinampas siya ni fierra hanggang nag lokohan na sila, kahit kailan talaga ang hilig nilang mag away.
"akin....... kayo nalang magisip ng kakainin ko" sabi ni meralynn.
"akin naman macaroni at ice tea nalang" sabi ni Xelo.
"kayo nalang pumili ng saakin" maikling wika ni blaze.
"ikaw?" tanong saakin ni ashly,"sasama na ako sayo" sabi ko, nahihiya ako eh sabihin ang dami kong kakainin.
"oh sige tara na" sabi niya tumango ako at sumunod sakanya.
nung nasa gitna na kami ng canteen bigla naman may pumatak na kung ano sa braso ko, tinignan ko ito, Dugo yun ang pumatak sa braso ko napatingin ako sa kisame ng bigla itong nasira at nalaglag ang isang duguang bangkay saktong sakto ito sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Unforgettable School
غموض / إثارةNaligaw lang kami sa gubat na ito hanggang sa natagpuan namin ang school na hinding hindi namin makakalimutan.............. dito ay maraming sikretong nakakubli na siguradong ayaw mo malaman. kailangan mong lumaban kung ayaw mo mamatay, hindi sa lah...