Xenia's P.O.V.
Nandito ako ngayon sa café. Hinihintay ko si Unknown. Dito kasi sa café ang napagusapan namin na meeting place. Alam na rin ng barkada ko na magkikita kami ni Unknown ngayon, mas excited pa nga sila kaysa saakin eh. Update ko na lang daw sila about what will happened sa meeting namin.
Nag order muna ako ng frappe and donut habang naghihintay kay unknown. Pa-importante pa eh, nagpapa-late talaga ng bongga. Tumingin-tingin lang ako sa paligid habang iniinom ang frappe ko. Ang tamis naman nito, di ko na keri pero masarap ah!
"Xenia." Napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ang boses na yun. Si Unknown na kaya 'to? Pero yung boses ng nagsalita ay parang familiar.
Lumingon ako sa nagsalita and I gasped! It can't be, it can't be!
"Ethan." I said in a low voice.
"I think you know why I'm here. Uhm, ako si Unknown. The person who texts you with an unknown number." he said seriously.
"Wait, I'm still processing this." I paused. "Why are you even texting me? Anong trip yan? May pa-I love you ka pa nalalaman last time! Bakit?" I asked. I'm really confuse right now.
"Sorry about that. I'm sorry kung na-feel mong pinagtripan kita or what, I didn't mean that. I need your help kaya ginawa ko yun. I need to catch your attention para magreply ka eh. Sorry again." he needs my help??? Wow. Bakit hindi na lang siya humingi saakin ng tulong personally? Bakit kailangan pa idaan sa text?!
"Bakit dinaan mo pa sa text yun? Why not ask for my help personally?" halata naman nahiya si Ethan sa tinanong ko. Ang weird lang dahil dinaan niya pa sa text ang lahat at nagpanggap pa na unknown.
"Uh, nahiya ako sabihin sayo personally eh. This help is a favor kasi." Wait what? A favor?
"What favor or help are you talking about?"
"Will you help me with uhm... with your friend?" he said while looking at the table habang ako naman nakanga-nga. What do you mean beshy? Hay. Ang gulo naman.
Napansin niya ata na confuse pa din ako, kaya naman itinuloy na niya ang kanyang sasabihin. "It's a help na parang favor na rin. Favor to help me na maging close kay Dennie." he said shyly. OH GOSH! Did I heard that one right?
"What do you mean? And bakit si Dennie?" I asked completely confused.
"I like your friend. I like Dennie." I don't really know how to response to that! I'm shock! Ethan likes Dennie??? Whaaaaaat?!
"Uh, Xenia?" Ethan said ng hindi pa ako nagsasalita about sa sinabi niya saakin.
"Uh, yes. Uhm, hindi ko lang inexpect yun. Pero seryoso ka ba dyan? Hindi 'to trip or what?"
"Yes of course, hindi 'to trip! I'm freaking serious. Will I go for all of these trouble dahil trip lang 'to? Of course not, diba?" he said seriously.
"Sabagay, may point ka dyan... So, you want me to help you with Dennie right?" he nod. "Okay sure, ako na bahala diyan." I said then smiled. I saw his lips formed a smile too.
"Talaga?" I nod. "Haha, salamat Xenia!" he said, still smiling.
"Sus wala yun, haha welcome!"
"Una na ako ah? May pupuntahan pa kasi ako. Thanks ulit."
"Sige sure, bye Ethan!"
"Bye Xenia!" tatayo na sana si Ethan pero umupo ulit. "By the way Xenia, wag mo na lang sabihin sa friends mo about this and about na ako si unknown. Please?" Hala. Gusto pa naman nila na i-update ko sila! So ano na? Magsisinungaling ako sakanila mamaya? Ganern? Oh no.

BINABASA MO ANG
To Fall And To Catch
Teen Fiction"Will you catch me if I ever fall in love with you?"