TFATC- Chapter 2

55 1 0
                                    

Xenia's P.O.V.

     Ngayon ang releasing of cards namin. Yung mga cleared na sa clearance kagaya ko ay pwede na kunin ang card, at yung mga hindi pa cleared ay hindi pa pwedeng makuha ang kanilang card. Kahapon lang ako na cleared sa clearance. Same with Ella and Jake, kahapon lang din sila na cleared.

     Nandito ako ngayon sa lobby, hinihintay ko ang mga barkada ko. First time nga na ako nauna dumating eh. Excited much lang hahaha.

*beep*
One message from Unknown

First time ata na ikaw lang mag-isa ngayon ah.

     WHAT THE F! Nag text nanaman siya -_- nakakainis lang! Kahapon siya unang nag text saakin pero hanggang ngayon hindi ko pa din siya kilala! Nagpapaka mysterious ng konti eh, konti lang dahil alam ko naman na same school kami. Why? Base sa mga text niya.

Reply

Sino ka ba???! Kahapon ka pa ah! I know na andito ka lang dahil alam mo na mag-isa lang ako ngayon. Magpakilala ka na nga!

Sent!

     Ang creepy lang dahil nakikita niya ako ngayon, kilala niya ako pero ako di ko alam kung saan siya parte dito sa campus namin ngayon, at hindi ko alam kung sino ba talaga siya.

     Dumadami na ang mga studyante dito sa campus ngayon. Hays, nasaan na ba mga barkada ko? Kanina pa yung going nila ah!

*beep*
One message from Coleen Alcantara

Dito na ako sa gate teh.

Reply

Aba! Mabuti naman, kanina pa ako nandito eh.

Sent!

     Mabuti naman na isa sa barkada ko ay nandito na. Hindi ba sila excited malaman grade nila???!

*beep*
One message from Unknown
Hahahahaha nice observation :) pero di ko pa din sasabihin kung sino ako bleh :p

     Akala ko barkada ko nag text saakin, yun pala siya -_-

     Hindi ko muna siya nireplyan, tumingin-tingin muna ako sa paligid baka kasi nandyan lang yan siya. Madaming nakahawak ng phones nila pero hindi ko sila nakausap kahapon or kahit kailan hindi ko pa sila nakakausap. Sinabi kasi ni Unknown sa text kahapon na "kanina lang kinausap mo ako eh" so meaning nag usap na kami sa personal. Hindi ko lang alam kung sino dahil ang dami kong nakausap kahapon, sa tindahan may nakausap ako, sa caf, sa gate, sa lobby, at sa library. NAKAKAINIS NAMAN SINO BA KASI TO?!

     Tingin muna baka nandyan lang yan.

     "Oy pre! Meron akong date mamaya ah."

     What the! Sino ba mga yan?! Maguusap na lang ang lakas lakas pa. Proud ka tol na meron kang ka date mamaya kaya ang lakas ng boses mo?! Ganern?! -_-

     Matingin nga kung sino yan mga papansin na yan.

     OH SYET! Grupo nina Zander!!!!! ASDFGHJKL FUTANERS NAMAN OH! Kaya pala kahit hindi ko pa alam kung sino yun mga yun ay nakakainis na. Mga feeling kasi ayt!

To Fall And To CatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon